1

8.8K 187 0
                                    

Nadine's POV

"NADZ!!!!!!!" halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng ingay sa kwarto ko.


"Ingay nyo! Natutulog ako oh"


"ANONG NATUTULOG?! FIRST DAY OF 2ND YEAR COLLEGE NA ATENG!" tumingin ako sa wrist watch ko ng makita ang oras na '5 am' at nakaligo na sila.


"Gaga ba kayo?! Early birds sobra eh no! 7 pa pasok natin!" Reklamo ko. And oh, 2 years has been passed. Wala namang pagbabago, ganun pa din kami.


"Sige na choo na labas na kayo"


"Anong labas? Maligo kana dahil dito lang kaming tatlo sa kwarto. Dali ligo!"


Napakamot ako ng ulo at pumasok nalang sa cr saka naligo. Naghilamos muna ako tapos syempre jumebs tapos naligo na. Paglabas ko, naguniform agad ako.


"Oh nadz mag pulbo kana para fresh sa paningin ni papa third" sabi ni Kelly. Gaga talaga to.


So yun nga, nagpulbos ako tapos konting blush on and liptint tapos nagblower saka nagayos na kaming apat.


Pagbaba namin, nandun na rin yung boys naghahanda ng pagkain. Sosyal ba? Wala eh, sweet talaga sila. Wait..did i say sweet? Well, except for Kelly and Kiefer. Their not.


"Sweet heart kumain ka na. Hinandaan na kita" ngumiti si Cols kay kuya saka umupo sa tabi nito at umupo ako sa may dalawang bakante. Magkatabi na si Kelly at Kiefer, tska si Angeli at Troy.


Nagtataka ba kayo? Wala ba si Third? Syempre naman! Nagluluto eh! Chef kaya namin yan.


"Nadz, ito para sayo" naglapag ng pagkain si Third sa harap ko. burger na nakakorteng heart tapos may kanin. Pushek, kinikilig ako.


"Oh, let's pray.. the name of the father, the son, and the holy spirit, amen. Lord, salamat sa araw na ito at nagsama sama kaming magkakaibigan kumain. Sana po ay gabayan nyo kami sa byahe at gabayan sa aming first day of classes. Amen" pagkatapos magdasal ni Angeli, kumain na rin kami. Syempre, may konting chikahan.

"Sakin sasabay si Nadz ngayon ha. Dala ko yung sasakyan eh" sabi ni Third saka tumango si kuya.

"Edi sasabay sakin si Coleen magisa."

"Oo, kasi sasabay din sakin si Angeli" sabi naman ni Troy.

Kumamot sa ulo si Kiefer at nagsalita "sasabay lang ako sa motor ni be. Diba?"

"Oo naman bhie."

"Bakit gustong gusto mong sumabay sa motor? Dalhin mo nalang sasakyan mo!" Sabi ni kuya kay Kiefer.


"Ayoko nga. Nayayakap ko nga si Kelly in public pagnakamotor kami eh" natawa kami nang mamula si Kelly. Malamang, gusto nya din yan kasi niyayakap sya hahahah!

Pagtapos naming kumain, dinala na namin yung bag saka sumakay sa sari sariling sasakyan.

"Ready ka na ba Nadz? Para kang kinakabahan"

"Syempre! Ako lang magisa no. Magkaklase si Coleen tska si Kelly tapos si Angeli tapos ako magisa sa business"

"Si Angeli din naman magisa."

"Buti pa kayong magkakaklase no? Lupet nyo" kahit naman second year na kami, naghihiwa hiwalay pa din kami at nagiiba iba ng section. May mga kaibigan ako nung first year pero hindi ko na sila kaklase. Hindi kasi kami block section.

"Wala eh, engineering is love" sabi niya kaya napasimangot ako. Edi sila na ng engineering nya. Che.

"Eh ako?"

"Syempre Nadz is my Life. Yoho kinilig" tumingin nalang ako sa bintana saka ngumiti. Bwisit talaga tong Third na to. Hindi ko na alam paano ko pa mapipigilan to.

Pagkapark nya sa campus, yung iba nakatingin samin nung bumaba kami saka ko lang narealize na sabay sabay pala kaming dumating.

"bakit madaming tao?" Tanong ng iba kaya nginitian ko kung sino yung babaeng nagtanong na yun kaya nginitian din ako.

"Si Kelly oh! Hi Ate Kelly!!!!"

"Hi ate Coleen!!"

"Kuya Kai!!!"

"Ate Nadz!!!" Halos lahat kami pinagtatawag na nila. Since first year college na namin, ganito na ang treat sa amin ng mga nababata samin. Siguro kasi inspirasyon daw nila kami.


"Sige pre, una na kayo ihahatid ko si Nadz sa room nya" tumango sila Kiefer at naghiwa hiwalay ulit dahil ihahatid pa nila yung iba. Ang sad, sa kabilang building pa yung room ko at magkakahiwalay na building kami.

"Nadz, wag kang kabahan ha? Aral ka ng mabuti at susunduin pa kita mamaya paguwian mo. Sabay sabay pa din naman tayo pero sa break hindi. Sino isasabay mo?"

Sunod sunod nyang tanong. Hindi ko din alam. Kung sino isasabay ko sa pagkain.

"Siguro kung sino nalang una kong makilala."

"Bakit ba kasi pinili nyo na hindi kayo block section? Yan tuloy, para ka nanamang tutang ligaw jan. Naghiwa hiwalay pa kayo"

"Di ko alam sa mga yun. Ayan na yung room ko Third, balik ka na dun. Aral ka mabuti ha" kiniss nya yung noo ko saka tumango at pumasok na ako sa loob.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon