Tinawanan lang namin sya ni Calix at naupo sa kanya naming upuan. Nasa kalagitnaan pala sila ng kwentuhan nang makarating kami. They're probably catching up.

Ilang sandali ay dumating rin ang magsiserve sa amin ng pagkain.

Nagkikwentuhan parin silang magkakaibigan. Tahimik lang naman ako sa upuan ko lalo na't hindi naman ako makarelate sa kwentuhan nila.

Ngayon ay nasa hotseat nila sina Travix at Izzie, yung fiancé ni Travix. Tinatanong nila ng tinatanong yung dalawa.

Nakikitawa nalang ako dahil sa mga pinagsasasabi nila Jack ay nakakatawa talaga. I think Jack has never changed, sya parin ang clown ng magkakaibigan.

"Sandy texted."

Napalingon ako kay Calix na mahinang bumulong sa akin. "Anong sabi?" I asked.

"Kinakamusta ka. Seems like she's texting you and you're not replying."

Sandali akong napahinto nang maalala ko kaninang nasa hotel room kami ni Calix ay hindi ko makita ang phone ko. "Oh. I left my phone sa kotse." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Give me your keys, love. I'll get it."

Himbes na ilagay ang susi sa kamay ko ay hinawakan nya iyon. "I'll go with you."

"No, it's alright. Mabilis lang ako. You stay here with your friends."

Though Calix was hesitant sa huli ay ibinigay nya rin ang susi sa kotse nya. Ayaw na nawawala ako sa paningin nya. May separation anxiety ba si sir?

Naglakad ako ng tahimik patungo sa parking lot. Mabuti naman at hindi iyon ganon kalayuan at narating ko rin kaagad. Tahimik kong binuksan ang kotse ni Calix at nakita sa passenger seat ang phone ko.

Sinarado ko ang kotse nya. Maglalakad na sana ako papabalik sa loob ng building nang marinig ko ang isang babaeng tumakbo papalapit sa akin.

"Miss!" Mabilis nyang hinablot ang kamay ko at hinatak ako dahilan para parehas kaming matumba sa sahig. Kasunod non ay isang malakas na busina.

"Woah, that's close!" Ani ng babae

Muntikan na akong masagasaan. She's right, that was close.

Nilingon ko ang babaeng nagligtas sa akin. Parehas kaming napasalampak sa sahig sa nangyari.

"Hey! This is a parking area! You shouldn't drive that fast!" Sigaw nya sa kotseng itim na muntik nang dumisgrasya sa akin. Ni hindi manlang bumaba ang driver upang tignan kami. Nagpatuloy lang ito sa pagdrive papalayo.

"Ayos ka lang ba?" She asked as she stood up. Inilahad nya ang kamay nya sa akin upang tulungan akong tumayo. Tinanggap ko naman iyon. "That idiot. Hindi manlang tinignan kung okay tayo." She hissed.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Para akong may kaharap na artista.

Artista ba sya? I feel like she is. She has a very fair skin and long brown hair. Magkasinghaba kami ng buhok. Ang ganda ng mukha nya. She's angelic. She really looks like an angel. Alam ko nakita ko na sya kung saan, hindi ko lang mahagalip sa isip ko kung saan. Ang pamilyar ng maganda nyang mukha.

"Are you alright miss?"

Tila nabalik ako sa katawang lupa nang muli nya akong tanungin. Agad ko syang tinanguan. "Thank you for saving me."

She smiled at me.

I smiled back. "Salamat. Muntikan na yun."

Nakita kong pinulot nya ang phone ko at susi ng kotseng nabitawan ko kanina at inabot iyon sa akin. "I belive these are yours. By the way, I'm Cassie." She stretched out her hand for a handshake.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ