Yuck! palitan ng laway!

" Eww, gross! palitan ng laway yuckie!" sabi ko ng mahina ngunit mukhang narinig nila ng biglang tumugil si Kuya Jax sa paghalik.

Tatawa tawa naman si Jake na hinila ako paakyat.

" Eww Jake nakita mo ba yun? Buti sana kung sigurado si Kuya na nagtotoothbrush yun araw araw, baka may bad breath pa yun , nakakahawa kaya yun"

Tawa lang tawa si Jake na iiling iling.

"Halika ka na nga, tuloy na natin yung movie" sabi niyang sinesenyasan akong tumabi muli sa kanya.

Kumuha ako ng unan at inilapag ko ito sa lap niya para makahiga. Ramdam ko ang paglaro niya ng buhok ko habang nanood kami sa laptop nito.

"J-Jake pag nag girlfriend ka sabihin mo muna sa akin ha baka magkaroon ako ng separation anxiety" sabi ko dahil hindi ko ma imagine na magkakagirlfriend siya at may kaagaw na ako sa atensyon niya.

"Hmm..., that won't happen" aniya.

"Huh?"

"I said that won't happen" ulit nito habang naglalaro pa rin ng buhok ko.

"You will not tell me? I thought I am your bestfriend? Hindi ba dapat kailangang kilatisin ko muna ang babaeng nagugustuhan mo?" kunot noo kong tingala sa kanya.

Tumawa lang ito.

"Ang kulit mo!" sabi lang niyang tumatawa pa rin.

"Ikaw kaya ang magulo" irap ko.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng biglang nagbukas ang pinto ng kwarto at pasok ni Kuya Jax na mukhang galit sa klase ng salubong ng kilay niya.

"K-kuya" kabado kong sabi na tumabi agad at kumapit sa braso ng katabi ko.

"What do you want kuya?" iritang sabi lang ni Jake.

"You! I don't like what you did kanina akala mo ba di ko narinig ang mga pinagsasabi mo sa girlfriend ko?" galit na tono nito.

"S-sorry po" nanginginig kong sagot at lalong akong kumapit kay Jake.

"Kuya! ano ba?! tinatakot mo si Mara!" malakas na boses ni Jake na umakbay sa akin para mapakalma ako.

Tumitig ito sa balikat ko kung saan nakahawak ang kapatid niya.

"Stop it kuya, isusumbong kita kay Mommy na pinagtritripan mo si Mara and besides hindi ba dapat bawal kang magdala ng babae dito?" sita ni Jake sa kuya nito na siyang ikinunot ng noo ng isa.

" Eh anong tawag sa bubwit na to? Bakit siya nandito?"

"Hindi siya iba sa atin" balewala lang na sagot ni Jake.

"Whatever! Ikaw! di ka pa ba uuwi? maggagabi na!" malakas na boses nitong mukhang galit.

"She'll sleep here, day off si Yaya Lusing the whole weekend, ibinilin na siya kay Mommy" paliwanag ni Jake.

Kumunot pa lalo ang noo nito at biglang tumahimik.

"Then you will not sleep here" tukoy nito sa kwarto ni Jake.

"Bakit po?" ani kong humahawak sa laylayan ng damit ng katabi ko sa kaba.

"Oo nga kuya, what's wrong? She's sleeping in my bed eversince?" apela ni Jake.

"That was before, iba na ngayon wala sina Mommy kaya ako ang incharge sa bahay ngayon, sumunod na lang kayo" irap nitong paalis.

"P-pero saan po ako matutulog ?" tanong ko, alam kong dalawa lang kwarto dito bukod sa master's bedroom.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now