Chapter 19

7K 201 19
                                    


***

Litong lito ako.

May mga sinabi pa ang abogado pero di ko na masyadong naintindihan, at nagpaiwan na lamang ako ng kopya ng mga conditions ni daddy sa will niya.

Umupo sa tabi ko si Tita Maricar.

"I know that you're confuse, pero alam kong kilala mo rin ang Tito Rene mo, how greedy he is kahit noon pa man sa company ng daddy mo" sabi nitong malumanay na humagod sa likod ko.

"Sa akin anak, safe ang share mo sa mommy mo, kung pwede lang magprotesta...pero we're not blood related dun kami talo ng tito rene mo, mahirap patunayan yun sa korte" sabi nito.

"I'll give you some time to think about it" sabi ng abogado na nagpaalam.

Paglabas pa lang ng abogado ay pumasok na agad si Jake at Kuya Jax.

Lumapit agad si jake.

"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay" sabi kong palabas sakanila at nagpaalam kay Tita Maricar na magpapahinga muna.

Buong gabi akong di nakatulog at pinag isipan ang sinabi ng abogado. Naisip kong kailangan kong magdesisyon. Madalas noon ay nakikita kong ayaw ng mga kamaganak ni Daddy kay mommy kaya ng nawala si daddy ay alam kong ginawa lahat ni mommy ang makakaya niya para mapatunayan ang sarili bilang namumuno sa kumpanya.

Ang hirap ng iniwang responsibilidad ni mommy sa akin.

Kinabukasan ay nagkulong lang din ako sa kwarto ko. Naisip kong tanging si Jake lang ang makakatulong sa akin, bukod dito ay kung meron akong taong gustong makasama ko sa habang buhay ay sigurado ako na siya yun. Madalas kong naiisip na siya na ang mapapangasawa ko sa hinaharap, ngunit masyado yatang napaaga ngayon at di ko alam kung siya ay ganoon din ang naiisip sa akin. Alam kong mahal ako nito pero hindi ako sigurado kung handa na ba siya at kung naiisip na ba nito ang patutunguhan ng relasyon namin.

Napalingon ako sa gawi ng pinto ng nagbukas ito.

"J-jake"

Agad itong tumabi sa kin kaya umupo akong sumandal sa headboard ng kama.

"Are you okay?" tanong nito.

Tumango ako.

"Nandito ako kagabi pa pero sabi ni Yaya wag ka daw munang istorbohin, nagbakasakali lang ako ngayon na gusto mo na ng kausap."

"What's happening? Anong pinagusapan ninyo? Kasi ayaw ding magsalita nina Mommy confidential daw" tanong nito humawak sa kamay ko.

Di ako umimik at tinitigan lamang siya, naninimbang ako kung sasabihin ko na ba ito ngayon.

"Tell me, you know that you can always count on me" aniya.

Di pa rin ako umimik.

" Mahal, regardless of what it is, you can tell me" aniyang humahawak sa kamay ko, humahalik sa likuran ng palad ko.

Bumuntong hininga ako.

"Sounds so serious and delicate, ang lalim ng buntong hininga mo" aniyang ngumiti na alam kong pinapagaan nito ang tensyon.

"J-jake, do you love me?" tanong kong muli dito.

"Of course! Don't ever doubt about it, mahal na kita noon pa... why?" sbai nitong seryosong tumingin sa akin.

" Can you see your future with me?" alangang tanong kong muli.

"Syempre naman, noon pa... I love you at ikaw lang ang babae para sa akin hanggang pagtanda natin"

Scent of Heaven (Jax and Mara )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon