Chapter 39

9.3K 243 21
                                    


***

Matagal pa bago ko naayang lumabas si Jax na kung pwede lang magkulong ng ilang araw sa kwarto ay mas gugustuhin niya.

"Gusto mong sumakay?" tanong nito sa isang gondola ride sa Venetian hotel kung saan kami namalagi.

Umiling ako.

"Gusto ko yung nasa Paris, mas romantic daw doon"ngisi ko.

"We'll go there sometime kapag clear pareho ang schedule natin" sabi nitong hinigit ako sa dibdib niya at hilang palabas para makapag ikot sa Macau.

Pansin kong panay panay ang tingin nito sa telepono niya at paminsan minsang pagtipa marahil dahil sa mga nakapending nitong meeting.

Nag ikot ikot kami sa mga tourist spots kabilang na ang kilalang mga hotel.

"Magdinner tayo sa Macau Tower, may masarap na restoran doon" ani nitong ikinatango ko.

"Ilang beses ka ng nakapunta dito?" tanong ko ng pag upo namin sa restoran.

"M-maraming beses na rin, dito madalas naguusap ang mga investors" sagot nitong parang nagaalangan ng may lumapit sa amin.

"Jax?"

"Lauren" sambit nito.

Tiningala ko ito, pamilyar ang mukha niya, naalala kong sekretarya o naging sekretarya at pamangkin siya ni Tito Rene sa asawa niya.

Tumayo itong humalik sa pisngi niya.

"Nandito ka pala, kaya di ko mareach ang phone mo" ngiti ng babae sakanya.

"Yeah, bussiness meeting" sagot ni Jax.

"Kasama ko si Kuya" sabi nitong turo sa mesa nila.

"I'm with my wife" aniyang baling sa akin.

"Mara right?" sabi nitong ngumiti.

Tumango ako.

Kilala ko nga sila pero di ako sigurado kung kilala nila ako, di kami umaatend ni Mommy sa mga get together nila kahit noong buhay pa si Daddy.

"Good to see you Jax" ngiti ng babae sakanya.

"We have to go, i'll just keep in touch with you"ngiti pa uli nito kay Jax saka umalis.

"Kilala mo pala sila?" tanong ko kay Jax habang kumakain.

"Yeah, yung kuya niya is one of my clients sa isang naging project ko" sagot nito.

"Yun lang? eh si Lauren?" tanong kong parang ang bigat sa dibdib.

Natawa lang ito.

"Jealous?" ngisi nitong ikinairap ko sakanya.

Kumurot pa ito sa ilong ko.

"Ang cute mong magselos!" tatawa tawa nitong sabi.

"Di ako nagseselos, alam mo naman siguro na sekretarya at pamangkin sila ni Tito Rene?"

"Yeah, pero labas ang bussiness doon" aniya.

"Baby, wala kang dapat ipagselos" ani pa nitong ngingiti ngiti.

"Siguruduhin mo lang" irap ko dito.

"Are you done? halika ka na, maganda ang top view ng tower" sabi nitong inaya akong paakyat sa pinakatuktok ng tower.

Maganda nga sa pinaktuktok ng tower, tanaw mo ang buong Macau pati ang tubig na nakapalibot dito at ang mga ilaw na mangagaling sa Hongkong.

Nakayakap siya mula sa aking likuran.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now