Chapter 2

13K 348 37
                                    




***

Chapter 2


"Iyan ba ang girlfriend ni Kuya Jax?" bulong kong tanong ko kay Jake habang nasa kitchen table kami sa bahay nila at tanaw namin ang dalawa na nasa sala.

"Shhh, hinaan mo ang boses mo baka marinig ka" bulong niya sa gilid ko.

"Eh anong nagustuhan niya diyan? E ang itim itim kilikili tapos naka sleeveless top pa, tapos Jake tingnan mo may mga piso sa binti eww! Naka pekpek shorts pa tapos ting- hmmp -"

Tumawa ng malakas si Jake habang tinatakpan ang bibig ko habang napalingon naman ang dalawang lovebirds sa gawi namin.

Inakbayan ako ni Jake palayo habang nakatakip pa rin ang bibig ko habang hawak ko ang pop corn.

Lumingon ako sakanila habang paakyat kami sa kwarto at kita kong talim ng titig ni Kuya Jax malamang narinig niya ang sinabi ko.

Naku! Lagot ako nito mamya, kung bakit naman kasi di ko mapigilan ang bibig ko!

Pagpasok namin sa kwarto ay saka pa lang niya binitawan ang bibig ko.

"Uy, tingin mo narinig ako ni Kuya Jax?" di ako mapakali sa kaba sa talim ng tingin niya kanina.

Malakas na napahalakhak si Jake.

"Malamang ang daldal mo kasi, 'yaan mo na yun, you're just telling the truth " halakhak pa rin niya, napanguso akong may pag aalala. Nakakatakot pa naman ang isang iyon!

"O, tingnan mo pati ikaw naniniwala, in fairness naman seksi siya at maputi rin kahit di pantay ang puti pero di ko talaga keri yung... sa kilikili at sa singit Jake naman nakita mo naman yun diba?"  Pinilit kong maging kalmado.

Panay lang ang tawa nitong katabi ko. Napasimangot ako.

"You're really funny! kaya di kayo magkasundo ni Kuya eh, 'lika ka na let's watch na" halakhak pa rin niya.

"Hmp! tawa ka ng tawa dyan, seryoso ng ako e actually kinakabahan, I'm sure magagalit yun mamya sa akin,eh jinujustify ko lang naman ang nasabi ko kanina" reklamo kong muli.

Kinuha ko na ang popcorn, umupo ako sa tabi niya sa kama at sumandal sa balikat nito.

"Ano yan? FF7 ba yan?" tanong kong kumuha pa ng unan at pamatong sa paa ko.

"Yeah, nadownload ko the other day"

Nag umpisa kaming manood at sabay kain ng dala naming meryenda, magkasundo kami ni Jake sa dahilang marami kaming pareho ng gusto magmula sa tipo ng movie hanggang sa kung anong sports ang hilig namin ganundin sa tipo ng pagkain.

"Jake nauuhaw ako, wala ka bang inakyat na tubig? Ikuha mo ko bilis" utos ko.

"Okay, wait for me pause mo muna" aniyang tumayo naman agad.

Paglabas nito naisipan kong sumunod.

"Sandali lang I'll go with you" sunod ko.


Pagbaba namin medyo dim ang ilaw sa sala, naandon pa rin sina Kuya Jax at ang girlfriend niya, dahan dahan kaming tumungo sa kitchen at mukhang di naman nila kami napansin, paakyat na kami pabalik ng biglang takpan ni Jake ang mata ko.

"Ano ba Jake?!"

"Shh... ang ingay mo" mahinang sabi nito.

"Bakit ba kasi? Jake ayaw kong mabuwal sa hagdan" pilit ko itong tinatanggal dahil paakyat na kami sa hagdan at ayaw kong mabuwal.

"Tatanggalin ko wag kang titingin sa gawi nila ha" bulong niya.

Tumango ako pero out of curiosity ay lumingon pa rin ako. Kita kong naghahalikan ang dalawa at ang isang kamay ni Kuya Jax ay nasa loob na ng blouse ng babae na humihimas doon, halos laplapin ng babae ang bibig ni Kuya Jax,  ganundin din siya sa babae.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now