Chapter 5

8.4K 268 10
                                    




***

                  

Naghire si Mommy ng stylist para sa aming Prom. First time ko sa ganitong okasyon samantalang pangalawa kay Jake.

Isang Baby blue ang kulay ng aking gown  na medyo hapit sa katawan. Nilugay ang aking buhok at kinulot sa ibaba. Naglalagay na ako ng sapatos ng pumasok si Mommy sa kwarto.

"Mara anak , naandyan na si Jake sa baba" ani ni Mommy, napatitig sa akin.

"My, okay lang po ba?" alanganing tanong ko.

"Ang ganda mo anak, dalagang dalaga ka na talaga! , wait here may kukuhain lang ako" aniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda mo anak, dalagang dalaga ka na talaga! , wait here may kukuhain lang ako" aniya.

Tiningnan ko ang hitsura kong natawa sa sarili, medyo nagtransform nga ako ng kaunti.

"Wear this" si mommy na kinalas ang suot ko ng kwintas at ikinakabit ang kwintas niya.

"Sa 18th birthday mo pa sana ko ibibigay yan, kaya lang parang this is the right time na ibigay ko na sayo" sabi nitong na sa likod ko. Isang kwintas na may pendant na hugis puso.

"Bigay sa akin ng daddy mo yan, yan ang unang kwintas na bigay niya sa akin, sayo na yan anak" sambit ni Mommy na mukhang emosyonal.

"My..."

"Ang laki mo na talaga, sorry anak at di kita masyadong naalagaan, at laging busy si Mommy, pero lagi mong iisipin na mahal kita at gagawin ko ang lahat para masecure ang future mo" sabi nitong naiiyak at namamaos.

Parang pati ako ay napapalunok at nahihikbi na rin.

"Okay lang po 'my, naiintindihan ko, basta andito lang po kayo, kuntento na po ako doon. Alam ko po kung gaano ninyo ko kamahal, mga sakripisyo ninyo at mas mahal ko po kayo" yakap ko na siyang lalong ikinaiyak niya.

"T-tama na nga, masisira ang make up at buhok mo! I'm just happy na nakita kita natulungan kitang mag ayos ngayong prom mo" ngiti nitong inayos ang buhok ko. Naantig ako sa biglang pagiging emosyonal ni Mommy.

" 'Lika ireretouch kita ng kaunti" hila niya sa akin.


Nauna nang bumaba si Mommy. Nag ayos ako ng pouch kong dala.

Nagmadali akong pababa ng hagdan.

"Sorry natagalan ako Jak-" sambit kong pababa pero hindi si Jake ang nabungaran ko kundi si kuya Jax na napatitig at nakaawang ang bibig ng kaunti.

"K-kuya, asan po si Jake?" tanong ko pero nakatitig lamang siya sa akin.

Iwinawagayway ko ang kamay ko.

"Kuya! yung laway mo, tutulo na!" biro kong sundot  na siya namang ikinagulat niya.

"Na mesmerize ka ba? ang ganda ko no?" tukso ko.

"Saan banda? wala namang pagkakaiba! Katukin mo na lang si Jake nasa banyo ninyo."sagot niyang lumabas ng bahay.

Napasimangot ako sa sinabi niya, akala ko pa naman nagandahan na siya sa akin!

Scent of Heaven (Jax and Mara )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon