Chapter 25

8K 258 15
                                    


***

"Where are we going?" kunot noo kong tanong dito sa katabi ko.

Di ito umimik bagkus nakatingin lang sa kalsada habang nagmamaneho.

Di ko na rin ito kinibo at tumingin na lang din sa gilid ko. Napatingin ako sa daliri ko. Nakakapanibago! Kahit na sakto lang ang sukat ng bagong singsing sa daliri ko ay nakakapanibago pa rin, madalas noon ay kapag kinakabahan o may tensyon akong nararamdaman ay humahawak o nilalaro ko ang singsing na bigay ni Jake. Kahit doon man lang ay kumakalma ako ng kaunti, pero ngayon wala na ito sa daliri ko, wala na ang pakiramdam ng seguridad ko. Napuna kong mas malaki ang bato ng engagement ring na bigay nitong katabi ko kaysa ng bigay ni Jake, ngunit para sa akin ay mas mahalaga ang singsing na nasa bulsa ko ngayon.

Nakakalungkot ang isipin ngunit wala na akong magagawa,ako ang higit na mas nangangailangan sa sitwasyon namin.

Napalingon ako dito ng mapansin kong pasulyapsuyap ito sa gawi ko na nakatitig din sa mga kamay ko.

Ano bang problema nito? Wala na ang singsing ni Jake at ang wedding ring namin.

Kinuha ko ang singsing mula sa bulsa ko at isinilid ko sa wallet ko. May naramdaman akong bahagyang kirot. Ngayon at kailangan ko ng itago ito o hindi ko na makikita sa daliri ko ay para akong nawawala na naman. I felt lost! I'm not in my comfort zone anymore... napapikit ako sa pwedeng mangyari sa mga susunod pang araw. Wala akong choice kundi tanggapin ito, maiisip ko pa lang si yaya na mahihirapan o pwedeng mawala sa akin,nanghihina na ako, I can't bear to feel that pain again,losing someone...someone you love.

Pagdilat ko ay nasa basement parking na kami. Alam ko kung saan ito, sa parking ng isang high end mall sa Makati. Anong ginagawa namin dito?.

"Why are we here?" tanong ko ng napansin kong magpapatay na ito ng makina ng sasakyan.

"Don't ask, just follow me" maotoridad nitong sabi.

Natahimik ako. Para kong ligaw na batang sumusunod ditto, at ang nakakaasar pa ay naka simpleng t shirt at jeans lang ako at malaking shoulder bag pa dahil minor subject lang naman ang klase ko dapat ngayon. Samantalang ang kasama ko at naka pang opisina ang suot na kahit walang neck tie ay mukha pa ring kagalang galang at mabango sa hitsura niya.

Mukha akong katulong na sumusunod sa amo.

"J-jax, ano bang ginagawa natin dito?" bulong ko habang nasa lift kami paakyat.

Di ito umimik kaya niyugyog ko ng bahagya para lingunin ako.

"Jax... tingnan mo naman ang hitsura ko, e pangpalengke nga lang ang soot ko, sana man lang ay pinagbihis mo ako kahit papaano" nayayamot kong sabi.

LUmingon ito ng bahgya at kumunot ang noo.

"Kahit ano naman ang damit mong suot, wala ka pa ring ipinagbago" masungit na sabi nito.

Nakakainis! Bwisit na to!

Nakasimangot akong tumahimik dito hanggang huminto sa isang floor ang lift na may mga sumakay. Lalo akong nanliit sa hitsura ko, ang gaganda at ang babango nilang tingnan. Halatang mga alta sosyal! At ako kahit PA or dakilang alalay nitong kasama ko e hindi papasa.

Bahagya silang napapalingon kay kuya Jax, halata namang mga nagpapacute ang mga ito, buti na lang din at isang baitang lang ang mga ito at bumaba rin agad.

"Kita mo na? nakakainis ka talaga, mukha mo akong alalay nito!" sabi kong sinisita itong katabi ko ngunit binalewala lamang ako.

Paghinto ng isa pang floor ay may mga pumasok na naman, mga lalakeng siguro halos kaedaran ko lang din, mga yuppies siguro.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Место, где живут истории. Откройте их для себя