Chapter 6

8.8K 265 11
                                    




***

Nagising ako sa amoy na anti septic. Alam kong nasa ospital ako, madalas akong maospital noong bata pa ako. Sinubukan i-work out ni Mommy ang aking hika pero sadyang nakakabit na yata ito sa akin. nagswimming lesson din ako, sinubukan din naming mamuhay sa probinsiya pero ganoon pa din, kaya nagdecide si Mommy na Maynila kami pumirmi. Bukod sa mas kumportable siyang manirahan dito dahil mas malapit sina tita Maricar ay mas maraming maganda at modernong ospital dito.


Maraming bawal sa akin tulad ng sobrang pagod at sa mauusok na lugar, madali akong maghyperventilate at ang kasunod noon ay trigger ng asthma ko. May mga bawal ding pagkain sa akin pero yun naman ay nakokontrol dahil may mga gamot akong pwedeng inuming pangontra . Sa araw araw kong buhay ay di nawawala sa akin ang portable nebulizer ko or inhaler, kapag malala ito ay nebulizer sa bahay ang kailangan para makontrol.


May nakakabit akong oxygen sa ilong, at swero sa kamay . Ramdam kong may nakahawak sa isang kamay ko at nakatungo . Si Jake.


"Gising ka na..." aniya na humalik sa noo ko, at nagbuzz ng nurse.


Ngumiti ako.


"I'm sorry. I'm for what happened, it's all my fault dapat hindi kita iniwan, sorry talaga" aniyang punong puno ng pag aalala at pagsisi ang mukha habang nakahawak sa akin.

" J-jake, wala kang kasalanan okay?" pilit kong alo at hinawakan ko ang kabilang pisngi niya. Kilala ko si Jake, may mga pagkakataon na hindi siya mapakali kpag nagkakatampuhan kami at gagawa at gagawa siya paraan para magkabati kami. Madalas siya ang sumusuyo sa akin.

" No, it's all my fault, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo. I'm really sorry... I promise hindi na mauulit iyon" mahinang boses niyang humaplos sa aking palad na nakahawak sa kanyang pisngi.

Ngumiti ako. " Okay na, wag ka ng maguilty medyo mahina lang talaga ako sa usok, siguro kailangan kong magwork out uli" sabi ko para maibsan ang nararamdaman niya.

" Mara, I don't want that to happen again. I will do everything and anything para di na maulit yun" aniyang paulit ulit kasabay ng kanyang paghingi ng tawad.

" Oo na, okay na talaga, alam mo namang minsan talaga nagtritrigger ang hika ko, matagal na kaya akong di naospital, baka namimiss na ako" biro ko. Wala naman siyang kailangang ihingi ng tawad, wala siyang kasalanan.

"Don't joke, it's not funny. Kamusta na ang pakiramdam mo?" aniyang saktong padating na ang nurse.

"Okay naman ako, where's mommy?" tanong ko.

"Nasa baba lang bumili ng food kasama si Yaya Lusing" ani nitong tumayo at gumilid para bigyang daan ang nurse. Tumawag siya kina Mommy at Tita Maricar.

Pag alis ng nurse ay bumalik muli siya tabi ko. Pansin kong ito pa rin ang suot niyang naka slacks at puting polo na nakatanggal na ang butones sa taas. Medyo gusot gusot na rin  iyon at may mantsa pa nga sa gilid .

" Ilang oras na ako dito? " tanong ko.

" Last night ka dinala and past 8 in the morning na, nagugutom ka ba? sandali tatanungin ko sa nurse kung pwede kang kumain" aniya  pero pinigilan ko.

"Mamaya na, nauuhaw lang ako" sabi ko.

Kumuha naman ito ng tubig at nagbukas ng bote. Naglagay siya ng unan sa likod para makaupo ako ng ayos.

" Umuwi ka muna mamya, mukhang di ka pa umuwi since last night"

"Okay lang, maybe later atleast nabawasan ang kaba kong nagising ka na" sabi nitong humaharap sa akin.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now