Chapter 3

10.4K 271 18
                                    




***

Chapter 3


"Bakit ka naandito?"

Nakasalampak lang ito sa sofa.

"Jake!" sabi kong kuha sa atensyon niya.

"May bisita si Kuya, bagong girlfriend yata niya at ayaw kong makaistorbo kaya dito muna ako." Aniya.

Kinabahan ako.


Dalawang taon na ang lumipas pero ganun pa rin ang pakiramdam ko.

Magmula ng nangyari ng gabing yun, ay para akong kabado tuwing nakikita ko si Kuya Jax. Hindi ko siya matingnan sa mata, at lagi rin akong nacoconscious  kaya madalas ay umiiwas ako.

"Bago?maganda ba?" tanong kong.

"Oo, medyo nag improve na ang taste na ni Kuya e, this time maganda talaga, seksi rin, mukha namang disente" sagot ni Jake.

Tumango ako at napatingin sa aking katawan. Maganda rin naman ako, sabi nga lang ni Mommy, yaya at ni Jake. Pero seksi? parang hindi medyo maliit ang hinaharap ko. Sa edad kong kinse ay maliit pa rin ito. Nakakainis!

"Anong nangyari sayo? Ba't ka umiikot dyan?" kunot noong tanong ni Jake.

"W-wala, maputi ba?makinis ba?" tanong ko.


Ano bang nagyayari sa akin? Masyado akong affected?


Kumunot ang noo lalo ni Jake na lumapit sa gawi ko.

"Bakit ka interesado? May gusto ka ba kay kuya?" tanong nitong salubong ang kilay.

"Huh? Para nagtanong lang, may gusto na agad? Hindi ba pwedeng curious lang?" biro ko.

Masyado ba akong obvious?

"Tsss! Ewan, bigla ka kasing nagbago, tapos lagi kang tulala pag nakikita mo si Kuya, nagblublush ka pa nga, hindi ka na makakain ng maayos pag kasabay natin siya sa pagkain tapos lagi kang nagtatanong kung sinong bagong dinedate ni Kuya, lagi ka ring uutal utal pag kausap ka niya... hindi ka naman masyadong halata" iritang sagot nito.

Di ako nakaimik.

"Mara, He's not the guy for you, sa age pa lang di na kayo bagay, at ang mga tipo ni Kuya ay ang mga katulad niya, masasaktan ka lang" sabi nitong sumalampak muli sa sofa at pumikit.

"Ang harsh mo naman, nagconclude ka agad, para nagtanong lang" sabi kong lumapit para suyuin dahil mukhang stressed ito ng wala namang dahilan.

"Saka bakit ka ba nagagalit?" mahinahon kong tanong na humawak sa braso niya.

Di ito umimik.

"Psst! Jake..."

Humarap ito sa akin.

"Ayaw ko lang na masaktan ka, pag nagkataon makakaaway ko si Kuya" sabi nitong humawak sa magkabilang pisngi ko.

Kinurot ko siya sa pisngi.

"Ang sweet mo talaga bestfriend! Aawayin mo si Kuya Jax para sa akin?, e kapatid mo kaya yun, ako nama'y dakilang bestfriend mo lang at halos ampon ng magulang mo" biro ko saka tumayo at pumunta sa kitchen para mag handa ng kakainin namin.

"Di lang kita bestfriend okay? Mahalaga ka sa akin Mara" sabi nitong seryoso.

Natigilan akong nilingon.

Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Don't fall in love with him, you'll get hurt" seryosong sabi nitong humawak sa braso ko.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon