Chapter 30

8.4K 252 18
                                    


***

Nakakapanibago.

Nakakapanibagong ang naghatid sa akin ay si Jax pagpasok. Pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang muli kami nagkasama sa sasakyan nito papuntang eskwelahan ko. Those were bad memories!

" Mara!"

"O Anne, anong balita?"  bati ko ng magpang abot kami sa locker room.

"Sira, sayo nga ako makikibalita, kamusta na ang bagong maybahay? akala ko di ka pa papasok ngayon alam mo na, honey moon pa" tukso niyang  ikinailing ko.

"Ano kamusta? nagamit mo ba yun iniregalo ko sayo?" pangungulit niyang nanunukso pa.

"Sira ka talaga, hindi syempre, saka kahit yung ibang regalo di pa rin kami nagbubukas, naandon pa sa bahay nila Jax" sagot kong natatawa. Ang tinutukoy niya'y ang nighties na binili niya VS shoppe. Nang makita ko iyon, ay natawa ako sa sobrang halay ng hitsura.

"Ano, kamusta ang gabi ninyo? masakit ba? sabi kasi nila masakit daw pag first time, totoo ba yun?" sunod sunod niyang tanong na bumubulong sa akin habang naglalakad kami sa hallway.

"Sira, walang ganon, di pa ako handa" natatawa kong sagot.

"Ha? wala kayong toot toot?" tanong nitong medyo napalakas ang boses kaya iginiya ko ito sa gilid.

"Ang ingay mo, wala nga"sabi kong halos takpan ang bibig nito.

"Buti pumayag eh, parang nag aapurang magpakasal sayo nung kasal ninyo, para nga siya ang atat na atat na pakasalan ka at di na nakapagintay kaya sinalubong ka na, ang sweet nga e" sabi nitong kinikilig sa pagkakaalala sa kasal namin.

"Akala lang nun tatakbuhan ko, alam mo na ayaw mapahiya" sagot ko.

"Di naman siguro teh, palagay ko nga kung di ka lang nangangailangan sakanya gagawa pa rin ng paraan yun para mapilitan kang magpakasal sakanya, yung totoo mukha siyang in love sayo" sabi nitong napalingon ako sa kanya habang nagsasalita.

Napabuntong hininga na lamang ako, kung di sana niya sinira ang tiwala ko noon baka iisipin kong pwede pa ang sinasabi ni Anne pero hindi, masyadong masakit na halos ipagkanulo niya ako noon at kamuntik mapahamak, pero ganunpaman matagal ko na rin siyang napatawad.

"Ayan ka na naman sa mga obserbasyon mo, tara na nga at mahuhuli tayo ng klase" aya ko dito.

Pagtingin ko ng telepono ko pagkatapos ng huling klase ko ay may ilang missed calls at mga text messages, lahat galing kay Jax.  Nakasilent mode ang telepono ko.

10 missed calls and 5 messages.

I'll fetch you, meet me in the parking.

Where are you?

Why you're not answering my calls?

Where are you Mara? your class supposedly finished at 4 right?

Answer my calls!

Nagmadali kong nagtipa ng numero nito at sinenyasan si Anne na mauna ngunit nakatayo lang din ito sa gilid ko na naghihintay kaya lumayo ako kaunti.

"H-hello?"

"Asan ka?! I've been waitng here for amost two hours already! di ba dapat alas kwatro pa huling natapos ang klase mo?" sabi nitong medyo may kataasan ang boses na galit.

"Nandito pa ako sa school, di mo naman kasi sinabi agad na susundo ka" sagot kong naiirita na rin sa galit nito. Ano ako bata para may curfew at de numero ang galaw?

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now