Chapter 14

7.1K 237 24
                                    


***


Nakakatamad!" sabi kong sumandal sa sofa naming sa bahay habang nanonood kami ng series sa TV.

"Oo nga, mag mall kaya tayo?" tanong ni Jake.

"Ayoko, tsaka gagastos na naman tayo e kagagaling lang natin dun kahapon, mauubos ang allowance natin"sabi kong nakapangalumbaba.

Umpisa na ng sembreak namin.

"Pasyal na lang tayo, somewhere na hindi tayo masyadong gagastos" ani nitong katabi ko.

"Sayang gasolina ng sasakyan mo, tsaka di pa nga napapacarwash sasakyan mo, gagala na naman tayo" kontra ko dito.

"Kunsabagay, e di maglinis na lang tayo ng sasakyan ko!" sabi nitong ikinangiti ko.

"Sige! Tapos yung pambayad dapat sa carwash, libre mo ako ng ice cream" nagingiti kong sabi.

"Okay"

"Intayin mo ako at magbibihis lang ako" sabi kong umakyat sa kwarto ko para magbihis.

Nag sando at short shorts lang ako dahil alam kong mababasa ako.Di naman ito kaiklian gitna lang siya ng hita ko. Mas kumportable ito.

"Tara" aya ko dito kay Jake na di naman kumikilos. At nakamasid lang sa suot ko.

"Jake!"

"Magbihis ka" aniyang nakakunot noo.

"Nakabihis na ako" muwestra ko sa suot ko.

"I don't like it Mara, it's too revealing, change your shorts, wala ka bang capri pants?" iritang sabi nito.

Tumawa ako.

"Jake, maglilinis tayo ng sasakyan okay? Hindi naman tayo magpupunta ng mall, saka di naman tayo lalabas ng gate ninyo di ba?" natatawa kong sabi.

" Basta magbihis ka" matigas na sabi nitong iginiya ako pabalik sa taas.

"Ano ba naman Jake, masyado kang conservative, si Mommy pa nga ang bumili nito nung nasa business trip siya, so ibig sabihin pwedeng isuot, tsaka naman jake,di naman ganon kaiklian na kita ang undies ko, mas marami nga diyan na nagpupunta ng mall na mas maikli pa talaga dito."

"Still maikli pa rin yan, I don't want other people ogling on you, change Mara" sabi nitong nakahalukipkip.

Nakasimangot akong di kumikilos, dahil ayaw ko ng magbihis at aakyat na naman sa itaas. Masyadong lang talaga itong konserbatibo tulad noon ng nanood kami sa sinehan.

"Mara..."

HIndi ako umimik.

" O sige na nga" sukong sabi nito na ikinangiti ko.

"Sabi na eh, di ka mananalo sa akin" ngisi ko ditong umangkla palabas bago pa magbago ang isip nito.

Halos ayaw buksan ni Jake ang gate namin, dalawang kanto ang kailangan naming lakarin papunta sakanila.

Hinarap ko ito.

"Jake, ano bang problema mo? Nagsusuot naman ako ng shorts noon pa, nagover react ka na naman!" yamot ko dito at nakakapikon na.

" Okay! Okay... damn! Ang tigas ng ulo!" sabi nitong hinila akong palabas.

Napangisi ako dahil pag ganitong nagtatalo kami laging ako ang panalo.

Maigi na lamang at walang masyadong tao sa subdivision.

Nagumpisa kaming maglinis ng sasakyan habang naglabas ito ng stereo para may tugtog. Panay ang kanta ni Jake kahit sintunado ito at pasayaw sayaw pa.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now