Chapter 17

7.1K 221 15
                                    


***

Nanatili kaming ganoon hanggang lumabas ang nurse.

"Gising na po ang pasyente, ikaw ba si Mara?" aniya kaya tumayo kami agad, at pumasok.

"My!" sabi kong yumakap dito.

"M-mara a-anak" aniyang hirap sa pagsasalita kaya sinabihan ko ng wag ng masyadong kumilos.

Para akong nabunutan ng isang tinik sa dibdib ng gumising si Mommy, ineksamin siyang muli ng doktor at sinabing stable naman siya, maari na rin siyang ilipat sa sarili niyang kwarto ngunit kinakailangan niyang maggamot.

Hindi ko maitago ang ngiti ko kahit na may pagaalala pa rin ako, hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap niya.

Habang prinepare ng nurse ang mga aparato ni mommy sa katawan para makaakyat na kami sa kwarto ay hinigit ako ni Jake sa gilid.

" I'm glad at ngumiti ka na kahit papaano" aniyang humawak sa magkabilang pisngi ko.

Ngumiti akong muli sakanya.

" Na relieve ako Jake, kahit papaano at least makakastart na si mommy ng treatment niya"

Tumango ito.

" You will not face this alone, andito ako para alalayan ka, you can always count on me okay?" aniyang alam kong pinapalakas ang loob ko.

"Thank you"

Kumuha kami ng sariling private room ni mommy.

"A-anak" tawag nito sa tabi niya kay umupo ako sa tabi nito.

" S-sorry at nagalala ka, s-sorry k-kasi di ko nasabi a-agad s-sayo" ani nitong hirap na hirap.

"Okay lang my, wag na po kayog magpaliwanag, nasabihan na po ako ni Tita Maricar importante po magpagaling kayo...aalagaan ko po kayo" sabi kong nakangiti dito na siyang ikinangiti ni mommy ng tipid.

Tulog siyang muli dahil tinurukan ito ng gamot, kahit mahinang mahina pa siya ay nagawa pa rin nitong magpaliwanag. Sinabi niyang kailangan niyang ilihim dahil hindi ito pwedeng malaman ni tito Rene, kapatid ni daddy at member ng board sa kumpanya.

Di pa rin ako umuwi kumuha na lamang ng bihisan ko si yaya, binantayan ko magdamag si mommy ganundin si Jake na nasa tabi ko lamang.

Kinahapunan dumating sina tita Maricar at tito Ben.

"Mara umuwi ka muna...nandito si yaya, bumalik ka lang mamya pag nakapagpahinga ka ng konti, ako muna ang bahala dito" ani ni Tita Maricat at saka bumaling kay Jake.

"Jake, take her with you, naghihintay ang kuya Jax ninyo sa sasakyan"

Pumayag akong umuwi dahil alam kong di rin uuwi si Jake kapag nasa ospital din ako, wala kaming tulog pareho, kailangan ko ring umidlip at makaligo ng maayos.

Tulog pa rin si mommy. Hinalikan ko na lamang ito sa noo bago umalis.

Nakahawak ako sa bisig ni Jake palabas at kita ko nga ngang nag iintay na si Kuya Jax.

Iginiya ako ni Jake sa likod habang siya naman ay umupo sa harap.

" Matulog ka muna, gigisingin na lang kita pa nasa inyo na tayo" aniya habang sumandal sa upuan niyo. Alam kong pagod si Jake kaya wala pa atang kalahating minuto ay nakatulog na ito... pagod din ako kaya lamang may sa pagaalala ako para kay mommy na wala ako sa tabi niya ngayon, inisip ko ang mga sinabi niya tungkol sa kumpanya ni daddy na nanggigipit sila kay mommy na siyang tumatayong CEO.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now