Chapter 26

7.9K 246 14
                                    


***


" Let's go" matigas na sabi nito sa akin na nauna nang lumabas sa kwarto.

Panay pa rin ang punas ko ng luha ko sa gilid at tahimik na lamang akong napahikbi. Wala akong magawa kundi ang sumunod, at inaasahan ko ng sa mga susunod pang mga araw ay ganito rin, na ako ang susunod sa gusto niya.

Paglabas ko ng jewellery shoppe ay nagtetelepono itong nakatingin sa akin habang papalapit ako sakanya.

"I told you to cancel all my meetings, i don't have time for today" sabi nitong nakakunot noo, alamkong si Tita Sol ang kausap nito.

Matiyaga lang akong naghihintay sakanya at lumayo ng kaunti habang nakatingin sa isang katabing shop. Bookstore na may mga magagandang stationaries, napangiti ako ng mapait nang naalala kong muli si Jake na matiyaga ring sumasama sa akin para maghanap lang ng pandagdag ko noon sa collections ko ng stationary pad. Kung naandito lang siya ngayon ay matagal na niya akong niyaya sa loob at nabilhan ng mga ganung klase papel, ngunit wala na siya. Iniwan na niya ako, alam kong di na siya babalik kahit may isang parte sa puso kong umaasang babalik siya sa akin, at pakiramdam kong nagbakasyon lang siya sa malayo. Naalala kong muli ang mga tawa niya at pagkamot sa ulo tuwing kukulitin ko itong tulungan ako kung ano ang pipiliin ko sa nga napili kong bibilhin... napailing akong wala sa oras, di na muling maibabalik ang mga pangyayaring yun.

Lumingon ako sa gawi ni Jax ngunit nakahawak pa rin ito sa telepono niyang iritableng iritable, malamang pinapagalitan na naman si Tita Sol.

Lumapit pa akong muli sa labas ng bookstore, at sinilip mula sa salamin ang iba pang tinda nila, may mga iba pang collectibles sila at mga iba't ibang klase ng pens, gel pens at mga iba't ibang design ng ballpen at mga bookmarks. Kung si Jake ang kasama ko ngayon malamang nagtatatalon na ako sa tuwang hihilahin siya sa loob ng tindahang ito, naandito ang mga bagay na akma sa mga collections ko.

Napabuntong hininga ako. Dapat kong ipaalala sa sarili na nagpapahinga na si Jake at tahimik at masaya na siya Doon.

May kirot pa rin sa dibdib.

Naaksidente si Jake ng may nakabungguan siyang isang sasakyan dapat ngunit iniwas daw niya ang sasakyan niya kaya tumama siya sa isang malaking poste at nagpagulong gulong ang sasakyan niya. Ang sakit maalala ng mga nangyari, na sa isang iglap lang ay nawala siya sa akin, di pa man din ako ikinakasal sakanya ay pakiramdam ko nabiyuda ako ng maaga... at ngayon ako pa ang nakikiusap kay kuya Jax na pakasalan ako.

"Do you want to check the store?"

"Huh?" nagulat ako na nasa tabi ko na ito, ni hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya at kung gaano na siya katagal na nakatayo dito.

"Do you want to go inside?" sabi nitong iginigiya ako sa may pintuan ng shop pero tumanggi ako.

"No, hindi na" sabi kong tumanggi.

"Uuwi na ba tayo?" tanong kong baling.

"We'll eat first, nalipasan ka na ng lunch ganundin ako" sagot nito.

"Then after, iuuwi mo na ba ako?"tanong ko.

"What do you mean? kung iuuwi na kita sa bahay ko?" ngisi nitong nakakaloko.

"What I mean is kung ihahatid mo na ba ako pauwi?" irita kong tanong.

"Yes, why may pupuntahan ka pa ba? diba dalawang subjects ka lang naman today? till 4 pm ka lang diba?" tanong nito.

Tiningnan ko ito, di ko alam na kabisado niya ang schedule ko pero binalewala ko na lamang.

"P-pwede mo ba akong ihatid muna sa hospital, then kahit iwanan mo na ako dun, i just want to check on yaya" sabi ko na siyang ikinatango naman nito.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now