Chapter 42

8.2K 281 37
                                    


***

Tinurukan ako ng pampakalma at pantanggal ng hilab ng tiyan pagdating sa ospital.

Nagising ako sa na saktong rounds ng doktor, nakita kong nasa magkabilang gilid ko si Anne at Kier.

"Tinawagan ko si Anne, wala akong alam sa medical records mo bukod sa buntis ka, ni hindi ko nga alam ang blood type mo" sabi nitong nagpapaliwanag.

Ngumiti lang ako, hindi naman iba si Anne sa akin, wala lang talaga akong panahong sabihin ang sitwasyon ko sa kanya.

"Why didn't you tell me? i'm just one phone away Mara" sabi nitong humahaplos sa pisngi kong may lungkot sa mga mata.

Napahawak ako sa aking tiyan, pero bago pa ako mabalik sa ulirat ay inunahan na ako nito.

"You're safe, safe kayo ng baby mo" sabi pa nitong yumayakap sa akin at nahihikbi.

Napatingin ako sa doktor para maconfirm ito.

"Your baby is safe Mrs. Villegas, pero maselan ang pagbubuntis mo, hindi pa ganun kakapit ang bata, that's why you need to be careful....extracareful. You need to rest and stay away from any stress, you have asthma right?" tanong pa nito habang sinusuri ako.

Tumango ako.

"Are you under maintenance?"

Tumango akong muli.

"Pero not oral doc, nag veventolin po from time to time especially po pag malala ang trigger ng hika ko" paliwanag ko.

"Okay noted, then you have to stay away na pwedeng makatrigger ng asthma mo, remember anything that you do, it will always affect your baby, so if hinihika ka at nauubusan ng oxygen sa katawan, literal din na nauubusan ng hangin ang baby mo... and we don't want that to happen" sabi nitong dirediretso.

"Lahat ng actions mo, remember na may recipient ka sa lahat ng ginagawa mo, what i'm trying to say is you have to be careful, stay away from stress and problems that may cause you or your baby stress especially that you're in first trimester" dagdag pa nito.

Tumango akong nakikinig sa mga sinabi ng doktor.

Pinaultrasound din ako.

"Doc, babae po ba o lalake?" di mapigilang tanong ni Kier na nasa tabi ni Anne na mukhang excited.

Napangiti akong napailing.

"It's too early to tell, sa second trimester pa yun, heartbeat lang ng baby ang makikita pa natin" sabi nitong naglalapat ng probe sa tiyan ko.

Napangiti akong nakita ang baby ko sa ultrasound ganundin ang heartbeat nito.

Di ko napigilang mapaluha, sa sobrang saya na may kasamang lungkot. Kung sana lang ay maayos kami ng daddy niya.

Pinalis ko ang luha sa mata ko.

"Remember what i've told you, no stress, take a break from all the problems you're having right now" sabing muli ng doktor na tinapos ang ultrasound at binigyan ako ng kopya ng picture.

"We need to keep you here for two days more, para mas monitor ang baby mo because of the bleeding, and magpreprescribe din ako ng pampakapit ng bata bukod sa vitamins na tinetake mo ngayon" sabi nitong ikinatango ko.

Napasapo ako tiyan ko, kailangan kong pangalagaan ang anak ko. Kailangan kong ipriority ang ikabubuti niya.

"What's your plan? di mo sasabihin sa asawa mo?" tanong ni Anne na nakapangalumbaba sa tabi ko.

Umiling ako.

"May problema kami Anne, he hurt me and i need to make a wise decision for us, it is not about me anymore, kailangan ako ng anak ko" sabi ko.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now