Chapter 27

7.5K 259 19
                                    


***

Piling pili lang ang inimbitahang mga bisita. Mga close family and friends sa parte ni Jax at sa akin ay tanging si Anne lamang dahil hindi rin makakadalo si Yaya Lusing dahil naghahanda para sa operasyon niya.

Naandito ako ngayon sa isang kwarto habang inaayusan.

"Ma'am,ang ganda niyo po! kahit konting make up lang yata ang ilagay ay lumalabas pa rin ang ganda ninyo" sabi ng bading na make up artist ko kaya ngumiti lamang ako ng tipid dito.

Naandito na to, kailangan ko ng panindigan.

"K-kaya lang ma'am, sa lahat po ng inayusan ko ng kasal kayo po ang pinakamalungkot, smile po kayo para lalo kayong gumanda!" dagdag pa nito.

Di ako umimik at ngumiti na lang uli.

"Last minute wedding jitters po ang tawag dyan, siguro po kinakabahan kayo sa special night ninyo" bulong nitong humahagikgik.

Namula ako at biglang kinabahan nga. Di ko pa naisip yun, at di ko pa din natatanong si Jax.

Siguro naman ay di niya ako pupwersahin kung ayaw ko, ngunit alam kong parte yun ng pagpapakasal ko sakanya.

Lalo akong nalungkot, kung sana nandito si Jake... kung sana si jake ang naghihintay na groom ko.

Bago ako pumunta dito sa hotel ay dumaan muna ako kina mommy at Jake. Ang lungkot at ang sakit sa dibdib, naalala ko ang mga plano namin sa kasal ni Jake noon, hanggang sa honeymoon. Sana lang ay tama at hindi ko pagsisihan itong gagawin ko ngayon.

"Mara!"

Napalingon ako sa pinto at nakita kong ang ngiting ngiti na si Anne.

"O, pinapabigay ng asawa mo, ito daw ang suotin mo" abot nito sa isang naka box.

Hikaw at kwintas, regalo daw niya. Sa brand pa lang nito ay mamahalin ito tulad ng nasa daliri at palapulsuhan ko ngayon. Samantalang ako ay wala pang nabibiling regalo.

Ginamit ko ang hikaw na tinulungan ako ni Anne na magkabit ganundin ang kwintas, ngunit di ko hinubad ang kwintas na bigay ni Mommy at nakasilid din doon ang wedding ring ko dapat sa kasal namin ni Jake. Di naman niya siguro mapapansin yun.

Off shoulder ang gown ko, old rose ang motiff na kakulay ng suot ni Anne na nagiisang bridesmaid. Ipinusod din ng hairstylis ang buhok ko para mas maganda daw ang epekto sa gown ko.

"O nakasimangot ka pa rin?" puna ni Anne.

"Wala, i don't know Anne if this is the right thing to do..." buntong hininga ko.

"If you'll gonna ask me about your situation, this is the best solution... you know him all your life and ganundin siya sayo, siguro naman he will not hurt you-" sabi nito pero pinutol ko agad.

"He did it once before..." sa pagkakaalala ko sa mga nangyari noon.

Di siya umimik at lumuhod sa harapan ko.

"You have to do this, siya lang ang makakatulong sayo, you know how your tito works"

"I know... wala naman akong choice, wala talaga..." sabi ko habang humahawak sa nakakabit sa kwintas ko.

"Mara..." sabi nitong yumayakap sa kain, marahil ramdam nito ang lungkot ko.

Isang desisyon na pang habang buhay.

Naputol ang paguusap namin ng nagtawag na ang wedding coordinator, kaya lumabas na rin si Anne pagkatapos.

Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin bago bumaba papuntang simbahan.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now