Chapter 29

7.9K 242 32
                                    


***

"Nakakainis! gaano ba kasi katangkad ang taong ito't napakataas ng lagayan ng cupboard niya!" naiinis kong sabi habang nagaabot ng mug para maihanda ang almusal ng kamahalan.

Halos nakatingkayad na ako ng sobra ngunit di ko pa rin maabot ng naramdaman ko na lang na may umabot na para sa akin. Ramdam ko ang presensiya nito sa likuran ko.

"Anong nangyari rito?" tanong nito sa medyo makalat nitong kusina.

" Sorry, aayusin ko mamya, nagluto ako eh"

Umupo naman ito sa tapat na countertable at nagbukas ng mga nakatakip na pagkain.

"What's this?"

"Food? " sagot ko.

Pinaghirapan ko kayang lutuin yun, ilang talsik ng mantika at paso sa kaldero kaya ang natanggap ko mula roon.

Ang tinutukoy nito ay ang scrambled egg hotdog at bacon na niluto ko.

Napailing lang ito ngunit umupo naman sa hapag.

"Kumain ka na rin,sabayan mo na ko" aniya.

"Uh eh, mamya na lang wala pa naman akong pasok ngayon" sagot ko.

"Gusto mo ba ng kape? o tubig na lang?o juice?" tanong kong muli sakanya.

"Coffee" sagot lang nito habang sumusubo na pansin ko ay parang di mapakali habang kumakain.

"O-okay lang ba?" tanong ko.

Tumango naman ito at prenteng kumakain lang.

"Matabang ba? di ko kasi alam sukatin yung asin eh, tiningnan ko lang kanina sa youtube kung paano sana gawin yang omellete kaso naging scrambled egg na lang" alanganin kong sagot habang inaabot ang kape nito.

Paghigop nito ng kape e halos maningkit naman ito.

"Sobrang init ba?" tanong ko uli.

"No, it's okay medyo ano lang-" aniyang pinutol ko.

"Kulang ba ng asukal?" sabi kong nagaambang buksan ang lagayan ng asukal.

"Hindi, ilang kutsaritang asukal ba ang nilagay mo dito?" kunot noo nitong tanong habang sinisimsim ang kape.

"Kutsarita?ah eh dalawang kutsara" alanganin kong sagot.

" Kaya naman pala, sa susunod isang kutsarita lang, kundi tutubuan ako ng diabetes, isang kutsaritang kape,cream at asukal" ani nito.

Napaka arte naman!

"Turuan mo nalang akong gumamit ng coffee maker" sabi ko.

"Nah, ayoko ng coffee sa coffee maker" sabi lang nito.

"Eh ba't meron ka nito? display?" medyo irita kong tanong pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko para wala nang mabigat na argumento.

Di naman umimik at nagpatuloy lang sa pagkain.

"What's that?" aniyang nagtatanong ng mapansin ang baunan sa mesa rin.

"Huh? ah e wala" sagot kong madaling itinatabi yon.

"Ano nga yan Mara?" Irita nitong tanong na tumayo para tingnan.

"Is this for me?" tanong nitong muli na hawak na ang tupperware.

"U-uhm, oo sana kaso wag na lang" nahihiya kong sagot, na binabawi yon.

" This is for me, then it's mine" sabi nitong isinilid ang tupperware sa lalagyan at iniilgay sa tabi niya,

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now