Chapter 15

8K 237 15
                                    


***

" Let's go"

Tiningala ko si Jake na nakasimangot at kunot noo. Tumingin siya sa akin at bahagya kay Bryan na study partner ko sa ilang major subjects.

" Saglit lang... uhm Bry kita na lang tayo-" baling ko kay Bryan pero hinila na ako agad ni Jake na kinuha ang ilang gamit at bag ko.

"Let's go Mara Grace!" aniyang padabog na lumabas ng study hall.

Wow! Mara Grace?! galit nga ito!

Madalas niyang buuin ang buong pangalan ko kapag galit siya.

Sumunod ako hanggang parking at hinigit ito bago pa bumuhay ng makina ng sasakyan niya.

"Jake!saglit nga! "

Bumuntong hininga itong umirap sa akin.

" Galit ka ba?"

"No, i'm not mad" aniyang tumalikod sa akin kaya pinaharap ko siyang muli.

" Galit ka eh, may nagawa ba ako?"

"Hindi nga ako galit, just frustrated" aniya muling salubong ang kilay.

"Frustrated saan?"

"I don't know...stop asking" aniyang tinalikuran ako at pumasok sa driver's seat para bumuhay ng makina.

"Ang labo mo... " sabi kong naiirita  at umikot para makapasok sa kabilang upuan.

"Wag ka munang pumasok" aniya pero di ko ito sumunod umupo na ako agad at nag seatbelt.

" Ang tigas ng ulo! " aniyang iritableng iritable. Napahinga ko ng malalim para makakalma.

Anong ginawa ko?

Buong biyahe namin ay tahimik, kahit na sinusuyo ko na  ay di pa rin umiimik.

"Jake..." sabi kong kinakalbit pero di pa rin ako iniimik.

Paghinto sa gate namin ay hinarap ko ito bago bumaba.

"Jake, ano ba? ano bang ikinagagalit mo? sorry na please" ani ko.

"Nothing, sige na pagod lang siguro ako" sagot nitong pinapababa ako.

" I know you, mahigit sampung taon na tayong magkaibigan kilalang kilala na kita,alam kong galit ka" sabi kong sinusuyo pero di pa rin ako iniimik.

" Kilala mo nga ba talaga ako? " makahulugang sagot nito.

Di ako nakaimik.

"Maaring kilalang kilala kita Mara, pero i don't think you knew me too well, you don't even know and realize what's going on in my mind right now" aniyang tumitingin sa labas.

Di ako nakaimik sa pinupunto niya. Alam ko at may ideya ako sa ibig niyang pero ayaw kong pangunahan. Hindi naman ako manhid, medyo huli ko na lang siguro naisip at narealize ang mga bagay at sitwasyon mula noon. Hindi ko naisip na tama ang sinabi ni Anne noong highschool pa lamang kami.

Magmula nang sa insidente ng pagcacarwash namin ng sasakyan niya ay saka ko nabigyan ng kulay ang mga pinapakita nitong concerns at ekstra ekstrang pagaalaga sa kin, magmula sa school hanggang sa bahay, hanggang sa concern nitong atakihin ako ng hika ko, at sa mga pwede at hindi pwede sa akin, na kung maari lamang ay kasama ako nito ng bente kwatrong oras palagi, at magmula noong prom namin ay parang di na rin siya  tumingin sa ibang babae.

" Ipaintindi mo sa akin para maintindihan ko" sabi ko pero di pa rin ito naimik.

Bumuntong hininga lang ito at sumandal sa upuan niyang pumikit.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Where stories live. Discover now