---

Madali lang naming tinapos ang pagsubok. Nung mga nakaraang araw, sa bawat pagsubok na lumipas sa kanila ko ibinubunton ang galit at lungkot ko sa pagkawala ni Raxelle.

"Mackie, okay ka lang ba?"
"Tapos na diba? Pwede na ba tayong bumalik sa Semi-Boundary?."
"Ha? Aa. S-Sige sige." At sumunod na siya sakin sa paglalakad.

Kahit si Casie, hindi ako makausap ng maayos. Para ngang gumawa ako ng boundary sa pagitan ko at ng ibang Exceptional Learners pero hindi lang naman ako ang ganito ee. Siya rin, ganito. Si Jed.

"Mackie pare?" Walang sa mood kong tiningnan si Renz at August. "Ano ba naman yan? Dalawang linggo na kayong ganyan ni Jed. Kausapin nyo naman kami oh. Pwede nyo naman kaming hingahan ng nararamdaman nyo ee. Nag-aalala na kami sa inyong dalawa."
"Wala naman kaming dapat sabihin sa inyo."
"Pare alam namin yung nararamdaman nyo. Kahit kami nalulungkot sa pagkawala ni Raxelle pero sana wag nyo naman kaming ituring na walang lang. Magkakaibigan tayo oh. Hindi yung inilalayo nyo ang sarili nyo sa amin"- August
"Wag nyo na lang kaming pakelaman."
"Tsssk. Nag-aalala nga kami sa inyo. Pare-pareho nating hindi ginusto ang nangyari kay Raxelle. Kaya naiintindihan namin kayo pero sana intindihin nyo din kami na nag-aalala kami sa mga ikinikilos nyo. Hindi porque may nawala ng isa, mawawala na rin kayo." Napatayo ako sa sinabi ni Renz. May problema ba siya at ginagawa niyang big deal yun?
"Unang-una, hindi ko sinabi na mag-alala kayo sa amin, sa akin. Pangalawa, wala kayong pakialam kung nagkakaganito kami. Kung gusto ko mang lunurin ang sarili ko sa lungkot at galit, wala na kayong pakialam. Bakit? Kayo ba ang nawalan ng taong minamahal?" Napatigil silang bigla sa sinabi ko. Ngayon ay alam na nila ang nararamdaman ko. "Oo. Mahal ko si Raxelle. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung kailan to nagsimula pero ngayong wala na siya mas lalo kong naramdaman na mahal ko siya. Siya ang naging sandalan ko nung mga panahong kailangan ko ng kaibigan. Siya yung kahit hindi malakas physically ay matibay naman ang pusong magbigay ng opinyon at payo. Siya yung hindi ako itinuring na iba kahit na Exceptional Learner ako. Tinulungan niya kung pano manligaw at tinulungan niya rin ako kung paano makalimot. Hindi nyo ko masisisi kung nagkakaganito ako. Araw-araw kasama ko siya. Araw-araw nakakausap ko siya. Sa tingin nyo pano ko tatanggapin na ngayon ay hindi ko na siya makakasama, hindi ko na makakausap at hindi na siya babalik pa?" Yan. Pumapatak na naman ang mga luha ko. Para na akong bakla. Tumingin ako kay Jed na halatang nagulat rin sa pag-amin ko. "Hindi ko sinasadyang mahulog sa kanya pero dahil napakabuti niyang tao, hinayaan ko ang sarili ko. Alam kong lahat kayo nagulat dahil ang akala nyo ay si Casie pa rin pero hindi na. Tinanggap ko na, na hindi kami pwede at sa pagtanggap ko sa katotohanang iyon, minahal ko si Raxelle. Kung sana nandito lang siya, edi sana nasabi ko rin sa kanya. Pero dahil wala na siya, wala na akong magagawa kundi kimkimin muli ang nararamdaman ko. Para na rin akong pinatay ng kinuwa siya sa akin."

Napaka iyakin ko na. Kasi naman, isipin nyo. Kung kailan alam ko na na mahal ko siya bigla na lang siyang nawala. Siguro ayaw talaga ng tadhana na maging masaya ako.

"Mahal ko si Raxelle. Mahal na mahal. At ayoko ng mabuhay kung wala siya."

Booooogs.

"SIRAULO KA MACKIE BAKIT NGAYON MO LANG YAN SINABI? HA?"
"Jed?"
"BAKIT HINDI MO INAMIN YAN SA KANYA? BAKIT KUNG KAILAN WALA NA SIYA SAKA KA NAGKAKAGANYAN? ALAM MO, DUWAG KA MACKIE. DUWAG."
"Jed tama na." Pigil sa kanya ni August at Renz.
"ALAM MO, SA SOBRANG DUWAG MO NAGING KAGAYA NA KITA."
"Anong ibig mong sabihin Jed?" Tanong ni Casie na sinangayunan naman ng iba. Kahit sina Lei at Maddison may pagtataka rin sa mga reaksyon nila. Hindi pa pala nila alam.
"NGAYON MACKIE, TUMIGIL KA SA PAG-IYAK MO DAHIL ALAM NATIN NA HINDI GUSTO NI RAXELLE NA MAKITA KANG GANYAN. AYAW NIYA NG NALULUNGKOT ANG KUNG SINO MAN SATIN. KAYA MAGPAKATATAG KA. PAREHO TAYONG NAGSISISI PERO WALA NA TAYONG MAGAGAWA. KAYA TUMAYO KA DIYAN AT AYUSIN MO ANG BUHAY MO DAHIL HINDI KITA KAGAYA. WAG MONG ISAWALANG BAHALA ANG BUHAY MO DAHIL LANG SA PAGKAWALA NIYA. SA TINGIN MO BA MAGIGING MASAYA SIYA KUNG SISIRAIN MO ANG BUHAY MO? AKO MATAGAL NG GANITO, NABAGO LANG DAHIL KAY RAXELLE. NGAYONG WALA NA SIYA, MAGBABALIK ANG DATING AKO PERO AYOKO NA MATULAD KA SA KUNG ANO AKO."
"Pero..."
"Tumindig ka diyan Mackie. Galingan mo sa bawat pagsubok dahil igaganti mo siya."
"Ha?"
"Si Guido ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa kanya, wala tayo dito. Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo sasabak sa mga mapanganib na pagsubok at kung hindi dahil sa kanya, hindi mawawala sa atin si Raxelle. Kaya tumayo ka na at bumalik sa dati dahil alam kong iyon ang gusto nya."

At pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

---

Jed's P.O.V

Nakakaasar siya. Bakit ngayon, ang hina hina na niya? Sa tingin niya ba magiging masaya si Raxelle kung magkakaganun siya? Walang kwenta. - -

Hinagis ko sa ilog yung batong hawak ko. Hindi ko alam kung bakit ako dinala dito ng mga paa ko. Siguro ay dahil malimit na mamalagi dito si Raxelle. Ito ang ilog na konektado sa ilog na nasa may Boundary. Palagi kong napapansin dito si Raxelle pagkatapos ng mga pagsubok.

"Pang-asar kayo mga paa ko. Kung saan marami siyang alaala, dun nyo pa ko dinala." Napaupo na lang ako sa lupa at tumungo. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi siya. Nasaan na kaya siya?
"Jed..." Napatunghay ako agad ng makarinig ako ng boses. Isang pamilyar na boses.
"Raxelle?"
"Jed..." Tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid. Para akong baliw na naghahanap ng kung ano sa paligid ko.
"Raxelle, ikaw ba yan? Nasan ka? Raxelle?" Sigurado ako na boses niya yun. Siya yung tumatawag sa akin.
"Jed tulungan mo ako." Kinabahan akong bigla sa narinig ko. Hindi ko alam kung imahinasyon ba ito o telepathy. Bakit siya humihingi ng tulong sa akin? Ibig bang sabihin nito ay buhay pa siya?
"NASAN KA RAXELLE? SABIHIN MO KUNG NASAN KA? TUTULUNGAN KITA. NASAN KA?" Mas lalo akong nag-alala sa kanya. Umaasa pa rin ako na babalik siya kahit na may pagkaimposible. Masyadong magulo ang mga nangyari. Walang magandang paliwanag sa pagkawala niya. Ni walang kasiguraduhan kung buhay pa ba siya o wala na talaga. Pero mas lalo akong kinabahan at kinutuban dahil sa mga narinig ko. "RAXELLE?"

Hinintay kong muli ang boses na naririnig ko pero hindi ko na siya narinig pa. Imahinasyon ko lang ba yun?

"Leche. Guni-guni ba yun?" Napasabunot ako sa buhok. Litong-lito na ako. Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya pero hindi ko din magawang maniwala ng lubusan na buhay pa siya. "Raxelle, nasan ka na ba?"

Pakiusap, bumalik ka na.

***

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now