"If you say so tita, excuse lang po pupuntahan ko lang ang anak ko" magalang pa ding paalam ko sa kanya.

Bago pa man ako makalakad papalayo ay nagumpisa na ang pagpaparinig nito. "Yun ngang di kadugo at ni hindi kaano ano ay labas masok dito" medyo mapangasar na bulong pa nito.

Sobrang nagdikit ang mga labi ko dahil duon kaya mas binilisan ko na lamang ang lakad para makalayo na duon.

"Goodevening po ma'm" bati sa akin ng nagaalaga ngayon kay zeus.

Kagaya ng pinagutos ni Cassandra ay pinaalis niya ang yaya ni Zeus kaya naman tuloy nagsasalit salitan ang mga natirang katulong sa pagbabantay ng aking anak.

"Salamat" sabi ko sa kasambahay pagkasarado ko ng pinto ng aming bagong kwarto.

Kaagad kong nilapitan si Zeus na naliligo ang noo sa pawis dahil sa may kainitan. Nakaputing sando lang din ito at tsaka diapers, wala siyang pangibaba para maging presko sa kanya.

"Ok ka lang ba dito baby ko? May umaway ba sayo?...isumbong mo kaagad kay mommy ha" pagkausap ko dito habang marahang sinusuklay ang medyo may kakapalan at kahabaan niya ng buhok.

Napapangiti na lamang ako habang tinitingnan si Zeus, alam ko naman kasing di pa ito gaanong nagsasalita at nakakaintindi ng mga bagay bagay, kaya mas lalong mahirap na mapalayo sa kanya.

Buong gabi akong naghintay ng tawag ni Callum. Maging sa online ay nagbaka sakali din akong maabutan ko siya. Gusto ko na talaga siyang makausap. Maging ako kasi ay naguguluhan na sa mga nangyayari.

Bilang ko ang oras ng aking tulog nung gabing iyon. Mabuti na lamang at wala akong pasok sa opisina ngayon dahil sa paghahanda para sa gagawing paglipat ko ng ilang araw sa may manufacturing.

"Mommy! Up! Up!" Naalimpungatan ako dahil sa tili ng aking anak.

Nasa may bandang mukha ko ito at nararamdaman ko ang maliit niyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. May iilang beses din na nababasa ang aking pisngi dahil sa ginagawa nitong paghalik sa akin.

"Mommy Up" muli pa niyang pag gising sa akin tsaka siya sumumsob sa aking mukha at ngayon ay nakayakap na.

Ngumiti ito at halos mapatalon ng makita niyang nakadilat na ako. "Ang aga namang nagising ng baby ko" nakangiting puna ko sa kanya habang hinahaplos ang matambok niyang pisngi.

Nakangiti lamang ito sa akin at tsaka nagumpisa ng gumapang gapang sa may kama namin. Kaagad akong umayos ng higa at humarap sa kanya. "Zeus dito lang kay mommy" pagtawag ko sa kanya.

Nilingon ako nito at tsaka nginitian habang nakadapa siya. At nang mukhang di niya ako susundin ay kaagad akong napaupo at kaagad siyang hinila para makarga. Napatili naman siya dahil duon.

"Ikaw ha...pilyo ka na rin" wala sa sariling sabi ko at halos matigilan ako dahil duon.

Pilyo katulad nino sifia? Tanong ko sa aking sarili at ng kaagad kong maisip kung sino ay mabilis ko iyong inalis sa aking isipan.

Sandali akong nagayos bago kami lumabas ni Zeus. Tahimik ang buong bahay kaya naman tawa lang ni Zeus ang naririnig.

"Good morning po ma'm Sofia" bati sa akin ng isang kasambahay.

"Sila tita sonya?" Tanong ko dahil sa pagtataka.

"Tulog pa po sila ni ma'm Cassandra, umalis po kasi sila kagabi at madaling araw na ng umuwi" sagot nito sa akin.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon