Naging tahimik lang ako hanggang sa dumating ang pagkain at kahit din sa pagkain namin.

"So uhmm...kamusta si lola nenit? Nasa iloilo si lola ngayon, baka magkita sila duon pag nagkataon" tanong at kwento nito.

"Ayos lang sila" tipid na sagot ko sa kanya ng di ko man lang magawang tingalain siya.

Sandali siyang natahimik, pero he always want to start a conversation pero ramdam ko din duon ang kanyang kaba.

"When can we talk about us sofia?" Seryoso at may pagsusumamong tanong niya sa akin.

This tima ay sinuklian ko na ang titig niya at nilabanan iyon. "Talk about what?"

"Talk about our unfinished bussiness Ms. Hernaez" matapang na laban din niya sa akin.

"Im settled down...talking about your said unfinished bussiness is non sense" laban ko pa din sa kanya.

Muli ay naglabanan kami ng titig. "We're not yet done sofia..." may tunog iyon ng pagbabanta.

"Tapos na sir Zach...matagal ng tapos"

Parang nagbago ang mood nito at kaagad na natahimik na lang. Kahit sa paguwi ay nakatingin ito sa malayo at parang malalim din ang iniisip.

Imbes na isipin ko pa siya ay itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa kalsada. Gustong gusto ko na talagang umuwi at makasama si Zeus. Sa nakakapagod na araw ay si Zeus lang talaga ang stress reliever ko.

Pinagbuksan ako ng aming guard ng gate. Kaagad na kumunot ang noo ko ng mapansin kong bukas ang lahat ng ilaw ng bahay.

"Anong meron sa loob?" Kunot noong tanong ko sa guard namin at parang gusto ko na lang matawa dahil wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sa loob ng aking pamamahay.

"Eh ma'm sofia...dumating na po kasi si Ma'm Sonya, magkasama po sila ngayon ni ma'm Cassandra" balita sa akin nito.

Guato kong matakot, pero nangingibabaw sa akin ang namumuong galit dahil sa mga nangyayari.

"Good evening ma'm Sofia" medyo nangangamba pang bati sa akin ng isa sa mga natirang kasambahay.

Tipid ko lamang siyang tinanguan at kaagad na pukaw ng ingay sa may sala ang aking buong atensyon.

"That was si rude tita!" Natatawang hiyaw ni Cassandra kasunod nuon ay ang tawanan nilang dalawa.

Nilakasan ko ang aking loob at kaagad na dirediretsong naglakad patungo sa may sala kung saan duon ko nakuha ang atensyon nilang dalawa kaya naman bigla silang natahimik.

"Good evening po tita sonya" seryoso pero magalang na bati ko sa kanya.

Masama lamang ang tingin ni cassandra sa akin. Si tita sonya naman ay nakataas pa ang isang kilay habang nakahalukipkip.

"How's life sofia?" Nakangising tanong nito sa akin at tsaka siya tumayo mula sa pagkakaupo at tsaka unti unting naglakad papalapit sa aking pwesto.

Di ako sumagot, tinatansya ko pa kasi ang kanyang sinabi. "Anyway, i miss cassie so much kaya umuwi ako. Pero nalaman kong dito siya nakatira ngayon kaya dito ako dumiretso, wala naman sigurong problema duon di ba sofia?" Paliwanag at tanong nito sa akin na para bang isa lang ang hinihintay niyang isasagot ko at iyon ay oo.

"Mas maganda po siguro kung malaman mua ito ni Callum" pagsabat ko pa na lalong ikinataas ng kanyang kilay.

"For what? Im his aunt...alam niya o hindi i know that im very welcome here" pagyayabang pa nito na para bang siguradong sigurado siya.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon