Kanina matapos kaming mag usap talagang sinabi ko sa kanya na gusto ko muna syang makasama.

Ayoko munang umuwi.

Kaya nandito kami.

At totoo hanggang ngayon, ayoko parin talagang umuwi. I just can't face my mom.

"Ayos na kayo?" Tanong nya.

"Oo naman. Tinulungan nya ako nung inaway ako nung babae sa school. Baste mend my.." tinuro ko sa kanya ang noo ko na nagkasugat.

Marahan nyang hinaplos ang noo ko na may gauze pad. "Does it still hurt?"

Inilingan ko sya at iniwasan ng tingin. "Hindi na."

"I love you, Naya." Bulong nya. Paulit ulit nyang hinalikan ang pisngi ko at niyakap ulit ako ng mahigpit. "I love you. If only I can marry you at this moment just for us to escape everything, I will. You don't have to experience everything such as this."

"Alam mong hindi pa muna sa ngayon. Too early to get married." Sabi ko sa kanya.

Natahimik sya sa sinabi ko ng sandali at napakunot ang noo.

"Hindi ka pa pwedeng matali sa akin, bata pa tayo para sa ganoong bagay. Marami ka pa dibang pangarap? Hindi mo iyon tutupad kung magpapakasal tayo ngayon."

Hinawakan nya ang pisngi ko at ibaling ang mukha ko papaharap sa kanya.

"Pero ikaw na mismo ang pangarap ko, Naya." Seryoso ang mga mata nyang nakatingin sa akin, nangungusap ang mga iyon.

"Calix."

Wala na akong ibang masabi. Hindi ko makailang kinikilig ako sa mga sinasabi nya. Pangarap nya ako?

Tinanggal nya ang pagkakasandal ng baba nya sa balikat ko at natawa ng mahina. Natawa ng peke. "Ayaw mong matali sa akin."

Napaayos ako ng upo sa sinabi nya at agad na hinawakan ang magkabila nyang pisngi. "Mali ka."

Hindi sya nagsalita.

Nakatingin lang sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Ikaw ang ayokong matali sa akin. Ayoko na sa bandang huli magsisi ka, marerealize mo na maraming mas better kaysa sa akin. Kailangan muna natin makilala ng lubos ang isat isa."

"I already know you, every piece of you. I know, Naya." Dahilan nya.

"Gusto kitang pakasalan." Sagot ko sa kanya. "Kung ano mang dinadahilan ko, siguro takot yun, Calix. What if hindi kita masatisfy pag naging wife mo na ako, pano kung hindi ako matanggap ng mommy mo bilang daughter in law nya? Pano, Calix? Marami pa akong dapat matutunan. Hindi mo pa ko kasing galing magluto ano."

"Damn those reasons, love." Bulong nya. "I just want to be with you, what's wrong with that?" Tanong nya.

Inilingan ko sya at isinandal ang ulo ko sa balikat nya. "Nothing's wrong." sagot ko sa kanya.

Tinanggal nya ang pagkakayakap nya sa akin. "I'll send you home, let's go." Matiim ang boses nya. Halatang nagbago ang mood.

Akmang tatayo sya ng ipalupot ko ang braso ko sa bewang nya at muling ipinaupo sya. "Hindi na muna ako magpapahatid sayo, uuwi na lang ako mag isa."

Narinig ko ang pag'tsk' nya kaya naman hinalikan ko sya. Ni hindi nagtagal ay naramdaman ko rin ang pagtugon nya doon.

Ayaw kong tapusin, hanggang sa naramdaman kong kapusin ako ng hangin kaya huminto ako.

"Calix."

Hindi lumipas ang matagal na segundo ay hinalikan nya ulit ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan sya.

Naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko at paulit ulit na hinahaplos ang buhok ko. Hinawakan ko ang pisngi nya. Ipinalupot ko ang isa ko pang braso sa leeg nya.

"Please, Naya. Don't ever stay away from me." Bulong nya sa pagitan ng halik namin. "I'm afraid." Dagdag nya pa.

Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi nya. Kaya naman agad akong napalayo sa kanya. Yung basang iyon ay mga luha nya. Lagi na syang nagiging emosyonal.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya, pinapahidan ko ang mga luha nya.

"I'm not."

"Oo."

Isinandal nya ang likod nya sa bench na inuupuan namin.

Nakapatong ang mga binti ko sa hita nya at nakayakap parin ang braso ko sa leeg nya. "Uuwi na ako. Ngumiti ka naman para sa akin." Sabi ko.

"I cant." Halos nakanguso na sya.

Calix will always be my Calix. He'll always be adorable.

"Calix, wag kang malungkot. Sinasabi ko parin kay mommy na ikaw lang, na sana tanggapin ka nya Calix. Kasi hindi na ako makakakita ng ibang lalake na makakapantay sayo. Kasi hindi na ako makakamahal ng ibang lalake tulad ng sayo." Hinalikan ko sya sa pisngi. "Calix, alam ko naman na marerealize din yon ni mommy. Siguro hindi ngayon pero malapit na malapit na."

Hindi sya sumagot, napabuntong hininga lang sya. "Cheer up! Kaya mo yan, kaya ko to, nothing to be sad about." Ngumiti ako sa kanya.

"If it's not because of you baka matagal na kong sumuko." Ibinaling nya ang tingin sa akin. Nakaharap ang gwapo nyang mukha sa akin.

Napangiti ako at kumandong sa kanya. My arms wrapped around his neck. Matagal kong pinagmasdan ang mukha nya.

Itong physical features nya, yung gwapo nyang mukha, bonus sa pagmamahal ko sa kanya. Kasi ang ugali nyang ito talaga ang minahal ko. He's not failing to make me feel that I'm so important.

Yumuko ako at marahang dinampi ang labi ko sa kanya. Kissing him is best thing in the world. I kissed my man as if its the only thing I can do.

"I love you." Paulit ulit kong hinaplos ang pisngi nya as I planted little kisses on his lips. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sa bewang ko.

"I want to marry you right away, Naya." He whispered brushing his nose against mine. Bumaba ng bumaba ang labi nya sa leeg ko. He planted little kisses there.

Napangiti ako. "I want too."

Inangat nya ang tingin nya sa akin. He stopped and then again kissed me. Nanatili naka palupot ang braso ko sa leeg nya.

"I want to have you in every morning of my day, to see your face before falling asleep." He continued kissing me while continuing to utter words. "I want to have you as my night grew dark and as the sun rises up for us. I want to give you all the riches I could ever offer you. I want you alone to myself."

I responded to Calix' kisses. Every moment with him is the thing that I will always be thankful of. Calix gently ended the kiss as he rested his head on my shoulder.

"Tumakas na tayo dito, Calix." Napakagat ako ng pang ibaba kong labi. Ngayon ako naman ang nagsasalita ng ganito. Parang kanina lang sobrang positibo ko ngayon. Ngayon biglang naisip ko na pano kung hanggang ngayon nalang to. Pano kung dumating ang panahon na nangyari ang gusto ng mga magulang namin? "Ayokong mawala ka sakin, let's just escape."

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora