PASSWORD : Realization

Start from the beginning
                                    

"Y-yvon..."



Nahawi ang daan, siyang lingon naman ni Yvon nang marinig ang kanyang pangalan.



"Shery?" Agad siyang napatayo. Nahabag siya sa nakitang kalagayan ni Shery dahil halos matumba ito pero pilit lumalakad dahil sa pangako nito sa kanya. Agad niyang naitaban ang kamay sa bibig, "Huwag kang mag-alala Yvon. Kasama mo ako, si Shery. Ang password ay hindi aalis hangga't hindi kita naililigtas."



Sa unang pagkakaton dumaloy ang luha sa pisngi ni Yvon. Kahit halos hilahin na ni kamatayan si Shery ay pilit itong lumalaban upang patunayan na ililigtas siya nito.



"Hangal ka Shery!"



Tumawa nang pagak si Shery saka huminto, "Siguro nga hangal ako dahil nagawa kong iligtas ka kahit ganito ang kalagayan ko. Hangal ako dahil ang dami mong ginawang kasalanan sa akin pero pinatawad kita. Hangal ako kasi para iligtas ka nagawa kong patayin ang taong mahal ko." Halos pumiyok sa bandang huli si Shery kaya napahinto ito upang pahirin ang kumawalang luha sa kanyang mga mata.



"Bagaman marami tayong dahilan para manakit, pumatay o maghiganti, walang mas sasaya kapag naranasan mong may taong handa kang patawarin sa kabila ng laki ng kasalanan mo sa kanya. Handa siyang ibuwis ang buhay niya para lang ipaunawa sa'yong pinapatawad ka na niya. Na hahayan ka niyang bigyan ng pag-asang baguhin ang hinaharap..."



Nanlambot ang mga tuhod ni Yvon nang maalala ang sulat na nakita niya noon sa kwarto niya. Sulat iyon galing sa kanyang ama. Daddy. Patawarin mo ako. Ito na 'yon, naranasan ko na siya. Napakasaya ko po. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang naranasan ang ganitong saya.



Agad nawala ang saya sa puso niya nang mabakas ang panghihina kay Shery. Naalala niya tuloy bigla na kapag natapos niya ang pagsubok o kung mamamatay man siya'y babalik na ito sa puting kwarto. Ibig sabihin maililigtas pa niya si Shery.



Agad niyang tinakbo si Shery upang yakapin.



"Napakasaya ko ngayon Shery. Sayang hindi maikukumpara kanino man. Pero-" Humiwalay siya sa pagkakayakap kay Shery at tinitigan ito sa mukha, "Patawarin mo ako sa pasya kong ito."

















NABIGLA si Shery noong bitawan siya ni Yvon. Ang saya sa labi niya ay agad nabura nang agad makuha ang ibig patukuyin ni Yvon, nagpapaalam na siya sa akin!



Agad siyang napasalampak noong nagawa pang ngumiti ni Yvon at kumaway siyang bangga ng truck dito at tumilampon.



Tulalang lumuluha si Shery habang minamasdan ang unti-unting paglaho ni Yvon kasabay nang pagpalit ng lahat patungo sa puting kwarto.

















"Oh gising na si Miss Shery!"



Agad nagsilapitan ang lahat upang tignan siya. Nanghihinang pinilit niyang ma-upo kaya inalalayan siya ni Mr. Run.



"Miss Shery welcome back," korong pagbati ng Paperdolls na siyang nagpapikit ng kaliwang mata ni Shery, "Ang tining ng boses mo Paper, pwede iwas-iwasan ang pagsigaw." Tumango si Paper nang may ngiti sa labi, "Hindi ko maipapangako. Miss ka na namin Miss Shery."





"Hay ang boring kayang magbasa ng aklat mag-isa." singit ni Cage habang tahimik sa isang gilid. Napangisi si Shery dahil sa inasta ni Cage. "Sinungaling! Alam kong naging malaya ka para lumandi dahil walang nanggugulo sa'yo para magpasama sa library," bwelta ni Shery na siyang nagpahaba ng nguso ni Cage, "Just a bit!" pahabol pa nito.



PASSWORD  (Completed) (Raw)Where stories live. Discover now