Chapter 32

68 5 1
                                    

"Couuuuuus! Wake up!" Sigaw ng pinsan kong kanina pa nanggugulo dito sa kwarto ko at pilit akong pinapabangon.

"Ano ba Mira?" Dahan dahan akong dumilat at inabot yung alarm clock kong hindi pa naman nagaalarm. Nakita kong 7:30am palang at 8:00am ko inalarm ito. Ugh. Ang aga paaaa.

"You have a visitor downstairs. So you better-"

"Visitor?! Sino naman? Ng ganito kaaga? Seriously?!"

"Basta bumaba kana daw ng malaman mo." Medyo kinikilig pa niyang sabi at kumaripas na palabas sa kwarto ko.

Nagmadali akong maligo at magbihis para makababa na. Likod ng isang lalaking naka long sleeve polo ang nadatnan kong nakaupo sa sofa.

"Good morning Anak, mabuti naman at nagising kana. Kanina pa naghihintay si Pi-... I mean si Zach.." Nag aalangang sabi ni Mommy.

"Good morning my. Bakit daw sya nandito?" Nakakahiya naman na naka pambahay lang ako. Im just wearing plain white loose shirt and white denim short shorts.

"You better ask him anak." Ani mommy at umalis ulit patungong garden.

Dumeretso na ako sa sala kung saan nakaupo sa sofa si Pio. Agad naman syang tumayo at agad na nangunot ang noo habang tinitignan ako ng paulit ulit mula ulo hanggang paa. Wth. What's his freaking problem?

"What?" Tanong ko ng tumingin sya sa akin ng nakataas ang isang kilay. Bakit ang gwapo nya?

"We have to talk.. but you have to change your clothes first." May otoridad niyang sabi. Agad namang nag huramentado ang dibdib ko ng magsalita sya.

"What's wrong with my clothes? Mag uusap lang naman tayo di ba? Eto na nga't nag uusap na tayo eh, bakit ko pa kailangan mag palit?" Litanya ko na ikinakunot naman lalo ng noo niya.

"We're going somewhere. So you better change your clothes now Aina Georgina..." Kalmado pero halatang naiirita na niyang sabi.

"Tss.. Fine!" Inis kong sabi.

Mabilis akong pumunta sa staircase at nag madaling tumakbo papanik pero sa di inaasahang pagkakataon..

"Kyaaaaaaaaaah!" Tili ko habang hinihintay ang pag lagapak ng aking katawan sa steps ng staircase.

"Be careful Aina Georgina!!" Ani ng lalaking nakayakap ngayon sa akin at inaalalayan akong tumayo.

In shock parin ako. Nangunot nanaman yung noo niya ng makitang nakatingin lang ako sa kanya na parang walang naririnig.

"Aina Georgina..." Kalmado na niyang sabi habang nakatitig at yakap yakap parin ang bewang ko.

Agad naman akong bumalik sa ulirat ng winagayway niya ang kamay nya sa mukha ko.

"Huh? O-oh! I'm sorry!" Agad akong tumayo at lumayo sa kanya dahil sa hiyang naramdaman ko. Grabe. Natulala ba naman ako eh.

Tumayo naman agad sya ng tuwid at inayos ang nagusot niyang damit. Hindi ko alam kung guni guni ko lang o totoong napangisi sya ng bahagya. Parang pinipigilan lang niyang ngumiti. Tumalikod na sya at nagmadali na akong pumanik para magpalit ng damit.

Pagbaba ko ay kausap nanaman niya si mommy. Mukhang seryoso naman yung pinaguusapan nila kaya naman ng nakita nilang pababa na ako ay tumigil sila sa pinaguusapan nila at saka tumayo.

"Hija..." panimula ni Mommy.

"Yes my? Ano pong pinag uusapan nyo? Bakit mukhang seryosong seryoso kayo kanina?" Pang iintriga ko kay mommy.

"Anak.. kasi.." halata ang pag-aalangan sa mukha ni mommy kung itutuloy nya ba yung sasabihin niya o hindi.

"Kasi ano my?" Nagtataka kong tanung.

"Dun kana titira sa bahay na para sainyo ni Zach.. kasi kailangan nyo muna mas makilala pa ang isa't isa.. Nasabi ko na naman sa iyo yung tungkol dito hindi ba?"

"Yeah. But you didn't informed me about this, that I need to get up early and go to that house today. Hindi nyo nasabi na ngayon na pala ako lilipat-"

"Hindi pa naman ngayon hija." Pagputol ni mommy sa dapat sanang sasabihin ko.

"Pero dadalhin ka ni Zach sa magiging bahay ninyo ng malibot mo na ngayon palang. At kung may mga gusto kang ipaayos or ipagawang design sa bahay ay nandoon naman ang interior designer." Tumango na lamang ako at sumunod na kay Zach na kanina pa pala lumabas. Wala talagang modo tong lalakit ito! Arghhh! Hindi man lang nagpaka gentleman-

"Get in." Aniya. Binuksan niya ang pintuan sasakyan niya at pinasakay muna ako sa front seat bago umikot papuntang drivers seat.

Okay fine. Mali ako. Kahit pala masungit, suplado at nakakatakot siya ay gentleman din naman pala. Hahaha.

"Thank you.. Pio.." Binulong ko lang yung huling salitang binanggit ko kaya napatingin sya sa akin habang nagmamaneho.

Magtatanong sana sya kaso pumikit na ako kaya hindi na sya nag salita pa. Hanggang sa tuluyan na akong hinilia ng antok. Pero bago 'yon...

"I miss you Love.. Even if it hurts. Even if you choose that bastard over me. Even if you already moved on. Even if you don't remember me. I still love you.." bulong niya at naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

"Wake up Aina Georgina.. we're here!" Aniya habang tinatapik ang kamay ko upang magising.

"Kanina pa ba tayo nandito?" Tanung ko habang nagkukusot pa ng mga mata.

Hindi niya sinagot yung tanung ko at lumabas na ng sasakyan niya. Suplado! Sumunod na ako sa kanya papunta sa front door ng bahay. Teka? Totoo kaya yung narinig ko kanina? O baka naman nananaginip lang ako? Hay nako, Pio.

"Hurry up." Masungit nyang sabi.

"Eto na!" Irap ko sa kanya.

Huminto kami sa napakalaking sala at nagtipa sya sa phone nya.

"Hello Sir?" Ni-loud speaker nya pa. Tss. As if may pake ako? Diba?

"Kysha.. Where's Cyrus?"

"Kasama po ata yung interior designer na nag ayos ng kwarto niyo Sir.."

"Okay bye. I'll call him."

"Okay-"  Bastos talaga 'tong lalaking 'to. Binabaan ba naman yung kausap.

Tumaas ang kaliwang kilay niya ng mapatingin sa akin.

"What?" Iritang tanung ko.

"Bakit nakabusangot yang mukha mo? Are you jealous?" Walang emosyon niyang tanong.

"In your dreams!" Napailing lang sya dahil sa pagsusungit ko at dumeretso na sa hagdan.

"Cyrus!!" Sigaw niya.

"Yes Zach?" Agad na may bumabang isang lalaki mula sa itaas.

"Tapos na ba lahat ng rooms?"

"Yup, kahapon pa. Yung kwarto mo nalang ang tinatapos. Yung inerequest mong wallpaper ang inilagay. At yung mga pic-"

"Okay, I'll just show to Aina Georgina her room." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa taas kung nasaan yung sandamakmak na kwarto.

xx

AN: Tambak ang gawain sa school kaya natatagalan updates huhu. Thanks for reading Loves! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon