Chapter 30

84 6 0
                                    

Katatapos lang ng party. Papasok na ako sa sasakyan ng makita ko yung babaeng kasama nung fiance ko. Magkayakap silang dalawa. Girlfriend niya kaya iyon?

Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa isiping iyon. Bakit ba ganito kalaki ang epekto ng lalaking iyon sakin? Sya lang naman si Zach Pascual na naging fiance ko dahil sa isang fix marriage.

"Hija, halika na.." tawag ni mommy na nasa loob na din pala kasama si Mira.

"Opo.." Habang papasok ako ay hindi ko parin maalis ang tingin ko sa dalawa.

"Anak, are you okay?" Nagtatakang tanung ni Mommy ng makapasok na ako.

Nakatingin ako sa labas ng bintana ng madaanan namin yung fiance ko at yung babaeng kasama niya. Hinalikan niya ito sa pisngi at pinagbuksan ng pinto. Ngiting ngiti sya. Bakit kanina parang ang seryo-seryoso niya na para bang once in a blue moon lang sya ngumiti.

"Y-yes ofcourse mom. Im okay." Pilit na ngumiti naman ako kay mommy.

"Mom, can I talk to you later? Its about Zach." Nagbago naman ang ekspresyon ni mommy ng marinig niya yung pangalan ni Zach. May kakaiba talaga kay mommy simula pa kanina ng makita niya si Zach.

"O-oo naman. Mamaya natin pag usapan ang tungkol dyan pagdating sa bahay." Ilang niyang sabi. Ipinagkibit balikat ko nalang yon at pumikit na.

Pagdating namin ay dumeretso na ako sa kwarto ko para makapagbihis na ng pantulog.. Si Mira ay nasa guestroom at si mommy ay nasa master's bedroom.

"Mom?" Kumatok ako sa kwarto ni mommy pagkatapos kong makapagbihis. Gising pa kaya siya?

"Come in." Ani mom.

"Mom? Can we talk now? Or bukas nalang?" Tanung ko habang nakaupo sa edge ng kama ni mom. Kalalabas niya lang galing sa bathroom.

"Aren't you tired? We'll talk about that tomorrow. Magpahinga kana anak." Aniya. Tumango naman ako.

"Good night mom. I love you." Lumapit ako kay mommy at niyakap siya.

"Good night anak. I love you too." Aniya at hinalikan ako sa noo.

Lumabas na ako sa kwarto ni mommy at sunod ko naman pinuntahan ay yung kwarto kung nasaan si Mira.

"Still up?" Bungad ko kay Mira pagkabukas ng pintuan. Nakatutok siya sa laptop niya.

"Nagscroll lang ng konti. Nakachat ko sila. Jayson said, he'll come back here in the philippines as soon as possible. And guess what!" Masayang sabi ni Mira.

"Nako Almira! You're being childish again."

"Just guess what cous!" Aniya.

"Fine. What?"

"Jayson's with the group! They'll have a vacation here." Sabay pa kaming napatili dahil sa sinabi niya.

"That was great! Kelan daw?" Excited kong tanung.

"Maybe next week? As soon as possible daw eh?" Aniya at pinatay na yung laptop.

"Okay. Good night cous." Tumayo na ako at dumeretso sa pintuan ng kwarto.

"Good night cous. Sweet dreams." Aniya. Nginitian ko sya bago ko isinara yung pintuan.

Dumeretso na ako sa kwarto at natulog. Haaayy.. its a very tiring day..







"Good morning Mom. Good morning cous." Bati ko sa kanila pagkababa ko ng hagdan.

Naka upo sila sa sala habang naghahanda ng breakfast yung mga kasambahay namin.

"Good morning cous." Bati ni Mira nang nakababa na ako.

"Good morning anak. I have something to tell you. We'll talk later after breakfast, is that okay?" Tumango naman ako bilang sagot.



Nang matapos kaming kumain ay umakyat muna si Mira sa kwarto nya para magbihis dahil maya lakad kami mamaya. Dumeretso kami ni Mommy sa mini library slash office niya.

"Okay, anak.. hindi mo ba naaalala or namumukhaan si Pi-  I mean Zach?" Panimula ni mommy. Napakunot naman yung noo ko sa tanung niya. What does she mean?

Naalala ko naman bigla si Zach. Kung gaano kabilis yung tibok ng puso ko nung nakita ko sya. Kung gaano maghuramentado yung puso ko tuwing magdidikit yung mga kamay namin. Hindi ko alam, pero iba yung nararamdaman ko kapag nandyan siya.

"Hindi po My. Why?" Naguguluhan kong tanung. Naghuhuramentado nanaman ang pakiramdam ko habang hinihintay yung sagot ni Mommy.

"Naalala mo ba yung mga bumisita sayo nung nagising ka mula sa pagka-coma?" Tanung niya ulit. Tumango ako bilang sagot.

Pumikit naman ako at pilit na inalala yung mga mukha nila pero hindi ganoon kalinaw. Anim na taon na ang nakalipas. Sa anim na taong na iyon ay hindi ko na sila nakita ulit. Kamusta na kaya sila?

"Si Jhen, your bestfriend. Yung kambal. Si Jaz yung kuya ni Jhen na bestfriend ni Kuya Ry mo. At yung boyfriend mo.." pagpapaalala niya.

"Si Zach hija..." tumigil si mommy sa pagsasalita na para bang nagdadalawang isip sa sasabihin niya.

"Spill it out my, please." Kabado kong sabi.

"Si Zach ay si Pio." Parang nagulantang ang buo kong pagkatao sa narinig. Si Pio..

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Shit. Bakit hindi ko sya namukhaan. Dahil ba sa laki ng pinagbago nya o sa way ng pagtrato niya sakin?

*tok   *tok   *tok

Habang nagpupunas ng luha ay nagkatinginan kami ni mommy dahil sa pagtayaka. Sino naman ang kakatok? Nagbibihis pa si Almira sa kwarto kaya paniguradong hindi sya yan.

"Tita? Si Jaz po ito."

"Come in hijo." Ani mommy. Pumasok naman agad si Jaz at niyakap si Mommy. Sya nga.

"Alam ko po ang lahat tita." Aniya.

"J-Jaz!" Tawag ko. Ngumiti naman sya at yumakap sa akin.

"Ai, namiss kita. Na miss ka namin."

"Jaz.. si Pio.." mahina kong sabi.

"Malaki na ang pinagbago niya.. Ayaw na niyang tinatawag siyang Pio, Ai. Siguro ay ayaw ka na niyang maalala... Nasaktan sya eh. Nadurog. Durog na durog sya." Nakayukong sabi ni Jaz na parang inaalala ang nangyari sa kaibigan. Parang nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. Gusto niya akong kalimutan?

Bigla naman luminaw ang lahat ng pinipilit kong alalahanin noong nasa hospital kami sa New York. Umiyak sya. Sinabi niyang mahal niya ako at maghihintay siya.. Pero bakit nya ako balak kalimutan?

"Nag hintay kami ng ilang buwan na matapos ang theraphy mo Ai.. Pero limang buwan ang lumipas at hindi parin kami kinokontak ni Tita. Nagpapunta na si Zach ng tao sa New York na maghahanap sa inyo pero.."

"Pero ano Jaz!" Sambit ko.

"Pero yung pinadalang picture sa kanya ng tauhan nya ang dumurog ng husto sa kanya.. sinabi ng tauhan niya na lagi may naghahatid sundong lalaki sa iyo. May picture kayong nakayakap ka dun sa lalaki at mayroon din magkaholding hands kayo. Nakita ni Zach na parang ang saya saya mo. Ang saya saya mong wala siya. At akala niya ay pinalitan mo na sya dyan sa puso mo.."


xx

AN: namiss ko mag update! Haha.

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon