Chapter 31

82 6 0
                                    

Naalala ko lahat ng nangyari nung panahong nawala yung kompanyang pinaghirapan ng pamilya nila Mommy. Depress na depress si mommy at tita Des nung mga panahong iyon. Maging ako at si kuya. Si Cj ang dumamay sakin nung mga panahong iyon. Tinulungan kami ni Dr. Scott. Pinag aral nila ako ni Tita Amanda. Isa ako sa mga naging scholar ng mga Scott. Dahil masyadong mahal yung tuition fee ng university na pinapasukan ko. Inalok ako ni Cj na tumira muna kami sa bahay nila ngunit sobra sobra na ang naitulong nila sa amin. Tinulungan ni Uncle John si Kuya Ry na makahanap ng trabaho. Doon kami tumira sa bahay nila dahil malaki naman ito at masyado atang natrauma si Mommy kaya iniwan muna namin yung tinutuluyan naming bahay.

Masyadong marami ang problema ko kaya hindi ko na sila naisip pang kontakin. Wala rin naman akong alam kung paano sila kontakin.

"Jaz..."

"Alam ko Ai.. Alam ko kung bakit. Kinontak ako ni Ryan noon. Pero ang sabi nya ay samin lang muna ito at wag ko munang sasabihin sa barkada. Alam rin ni Jhen. Alam mo naman na may pagkadetective yung kapatid kong yon."

"Pero Jaz.. si Pio?"

"Nagbago na sya. Hindi naman namin sya mapigilan. He love playing with girls feelings and in the end.. He'll just throw them like a trash. Masyado na syang mataas ngayon. Na kahit kaming mga kaibigan nya ay sobrang layo na."

"Pero yung pictures na sinasabi mo? Pwede ko bang makita?"

Magsasalita sana sya ng biglang nagring yung phone nya. Tumingin siya sakin at sumenyas na sasagutin nya ang tawag.

"Ang lakas ng radar.." bulong niya bago sagutin yung tawag

"Hello?" Umiiling niyang sabi habang parang natatawa ng bahagya.

"Where are you?"

"Somewhere down the road?" Tawa niyang sabi kaya natawa din ako.

Samantala, umalis naman saglit si Mommy para kumuha ng marienda.

"You freak! Are you with- are you with..."

"With?" Mapang asar niyang sabi sa kausap sa kabilang linya. Bahagya niyang nilayo sa tenga niya yung phone at may pinindot dito.

"Mag Hi ka nga.." sabi niya at nilapit sa akin yung phone nya na naka loud speaker na pala.

"Hi?" Patanong kong sabi.

"Are you freaking kidding me Jaz Gutierrez?! Si Aina Georgina ba talaga yan?!" Sigaw ng nasa kabilang linya.

"Ai, si Jhen yang nasa kabilang line." Ani Jaz. Nakita niya sigurong medyo naguluhan ako.

"J-Jhen.. I miss you.." wala sa sariling sabi ko.

"Oh my ghaaaad! I miss you too Georg!!! Hintayin nyo ako dyan! Babush. Lagot ka sakin kuya!" Ayun lang at natapos na ang tawag.

Lumabas na kami galing sa mini library ni Mommy at dumiretso sa sala. Kumain kami ng bagong bake na cookies habang hinihintay si Jhen.


Wala pang ilang minuto ay narinig ko na ang nakakabinging sigaw mula sa front door.



"AINA GEORGINAAAAA!!!" Agad kaming tumayo ni Jaz para salubungin si Jhen. Halos di naman ako makahinga dahil sa higpit ng yakap niya sakin.


"Woah! Jhen!" Natatawa kong sabi.



"Bruha ka! Saang lupalop ka ba ng mundo nanggaling? At bakit biglaan ang engagement huh? Hindi man lang nang imbita." Patampo niyang sabi. Na ikinatawa namin ni Jaz.


"Ano ka ba! Wala nga rin akong alam. Kaya ako pumayag dahil naka set na daw ang lahat at gusto ko rin maisalba yung companya." Tumango naman sya at lumipat ang tingin sa kapatid nya na nakatayo sa gilid ko.

"Hoy ikaw kuya! Bakit hindi mo ako sinabihan na nandito ka?! Nako nako!!" Aniya at pinaghahampas yung kuya nya. Brutal talaga hahaha.


"Ouch! Jhen- aray!! Tama na-" Napatigil si Jhen ng marinig akong tumatawa.


"Ikaw! Tatawa tawa ka pa dyan. Marami ka ng utang sakin ha! Saka kailan ka nga pala titira sa bahay niyo ni Pi- oops! Zach pala." What?! Titira? Bahay? Wala atang nabanggit si Mommy.


"What do you mean bahay namin?" Takang tanung ko. Nakita ko namang pinandilatan ni Jaz si Jhen.


"Ah-eh.."


"Oh! Jhen hija!" Ani mommy na kagagaling lang sa kwarto niya.



"Hello po tita!" Medyo awkward na sabi nya.



"My, anung bahay yung sinasabi ni Jhen na titirhan daw namin ni Pio?"



"Wala pa naman nabanggit ang tito mo tungkol sa bahay anak. Pero tatanungin ko. Bakit mo nga pala nasabi Jhen?" Paliwanag ni Mommy ar bumaling sya kay Jhen.


"Ah eh ano po kasi tita.. Kapag po kasi arrange marriage kadalasan po pinapatira sa iisang bagay yung couple para magkakilala pa bago ang kasal." Aniya.



"Oh sya. Kakausapin ko pa ang tito Alex mo tungkol dyan. Mauna na ako. Baka mamaya ay matraffic pa kami ni Tatay Tom. Ingat kayo dito." Nag paalam na sa aming tatlo si Mommy at umalis na.


Sumunod ng umalis si Jaz dahil may aasikasuhin pa daw sya sa company nila. Kami naman ni Jhen ay pinagkwentuhan yung mga nangyari sa akin sa New York. Yung pag galing ko, pag aaral, pagkawala  ng kompanya ng pamilya nila mommy, at yung mga naging kaibigan ko.


"So may something kayo nung Callyx?" Mapang asar niyang sabi. Baliw talaga.


"We're just friends okay?!" Ani ko at kinurot sya ng mahina sa tagiliran.



"Okay! Okay! Mabuti na yung malinaw at nag kakaintindihan. Fan kaya akong Piona! Hahahahaha!" Maloloka ata ako ng wala sa oras dahil dito sa babaitang ito.


"Piona ka dyan! Ewan ko sayo-"



"Cous!- Oh! Hi there." Bati ng pababa na si Mira kay Jhen.


"Mira, this is Jhen my bestfriend. Jhen, this is Almira my cousin." Pagpapakilala ko sa kanila.



"Hi Mira, nice to meet you." Bati ni Jhen at nakipag kamay sa pinsan ko.


"Hi, nice to meet you too." Bati pabalik ni Mira at nakipag beso pa kay Jhen.



"Bakit mo nga pala ako tinatawag? You need anything?" Tanung ko. Dahil mukhang balisa sya.


"I just want you to know that next week is Jayson's flight back here in the Philippines... So it means.."



"It means?" Tanung ko. Pabitin eh.


"Lahat sila ay pupunta kasabay ni Jayson!!" Excited niyang sabi.








XX

A/N : Hope you enjoy reading Loves! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon