Chapter 16

116 6 0
                                    


"So ano nang balak mo kapag bumalik at nanggulo ulit iyong babaeng iyon?" Mataray na tanong ni Mom kay Pi.

Nandito na kami ngayon sa bahay at nagdi-dinner. Nasabi na namin kay mom ang lahat ng dapat sabihin tungkol sa amin pati na rin yung nangyari sa party. Natuwa si Mom para sa amin pero hindi nya mapigilan ang inis nang ikinuwento na namin yung nangyari sa party.

"Kakausapin ko po siya na tigilan-" naputol sa pagsasalita si Pio dahil sa biglang pag sabat ni Kuya Ry. Galit parin sya.

"Tigilan ka? Eh nung party pa nga lang ay wala kang nagawa para pigilan yung paglingkis sayo nung babaeng yun! And worst, sa harap pa nang kapatid ko!" Mariing sabi ni Kuya na medyo tumataas na yung boses.

"Ryan! Nasa harap tayo nang hapag." Suway ni Mom.

"Kuya, please. Pakinggan mo muna si Pio." I begged. Naging malambot naman ang ekspresyon ni kuya ng tumingin sya sa akin.

"Fine. I'm sorry. Ayoko lang na nasasaktan ka lalo na't sa harap ko. Nangako ako kay Dad. Nangako ako na hindi ko hahayaang masaktan kayo ng kahit sino. Na lagi ko kayong poprotektahan at aalagaan. Ai, nasasaktan ako kapag nasasaktan ka." Ani kuya. Tumayo sya at niyakap ako mula sa likod. Pinat nya naman si Pio na nasa gilid ko.

"I love you Kuya! Mag ayos na kayo, please?" I pouted. Alam ko naman na hindi makakatanggi si kuya sa akin eh. Bumaling sya kay Pio at saka nagsalita.

"Di ako magso-sorry sa nagawang kong pagsuntok sayo ha? Pero Piolo ingatan mo 'tong prinsesa namin, dahil kung hindi malalagot ka talaga." Natatawang pagbabanta ni kuya. Napatango naman ang nakangiting si Pio kay Kuya.

Tumayo si Pio at nakipag bro hug kay kuya. Napangiti naman ako dahil sa pagiging maunawain ni kuya. The best kuya ever.

"Thank you Kuya Ryan, tita. Salamat sa pagtitiwala. Sorry sa nangyari nung party ko. Nagulat lang kasi ako sa pagdating ni Monique. Kakausapin ko sya sa oras na magkita kami. Ipapaintindi ko sa kanya na si Aina lang ang mahal at ang mamahalin ko." Nagtawanan naman sila ni kuya. At si Mom naman ay hinawakan ang kamay ko at halatang masaya sya sa nagyayari.

"Iyan naman pala. Mas maganda nang nagkakaintindihan tayo. Oh sya sige, magsi-upo na kayo mga hijo." Ani Mom.

Natapos ang gabi nang lahat kami ay nakangiti. Busog eh. Joke haha. Ayos na si Kuya at si Pio. Alam na ni Mom ang lahat at hindi sya nagalit sa halip ay natuwa pa sya dahil may magbabantay na daw sa akin pag wala sila ni Kuya. At isa pa, masaya sila para sa amin ni Pio. Yun ang mahalaga.







Kinabukasan.

Sinundo ako ni Pio sa bahay at sabay kaming pumasok sa school. Dala nanaman nya yung sasakyan nya. Tsk. Sinabihan ko na syang wag na muna magdrive dahil wala pa syang lisensiya. For god's sake! Sixteen years old palang sya! At graduating na sya kaya lapitin sya ng disgrasya. Ayon sa pamahiin ni Mom. Ganun din kasi ang sinabi nya kay kuya Ry dahil graduating na nga din.



"Love?" Pukaw ko sa kanya.

"Hmm?" Diretso lang ang tingin nya sa daan.

"Diba sabi ko sayo wag ka muna magdrive?" Mahinahon kong sabi.

"Love, okay lang naman na magdrive ako eh. Maingat naman ako mag drive eh. So please Love? Gusto ko maihatid at masundo ka." Aniya.



"Love, graduating kana. At sabi ni Mom lapitin daw-"

"Ng babae? Sus! Nandito na yung reyna ko maghahanap pa ba ako ng iba?" Binatukan ko naman sya at natawa. Hindi naman kasi yun yung sasabihin ko eh!


Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon