Chapter 10

130 8 1
                                    


Today's Pio's birthday. We're all here at their mansion, kami lang at kasama ang barkada. Kuya Ry and ate mc are also here. Pero umalis sila para bumili ng mga kakailanganin para sa party. Balak kong surpresahin si Pio sa pagbibigay ng isang mahalagang regalo. Ang OO ko. Handa na ako. I'll take the risk. It's my first time to feel this strange feeling. And now I admit, I'm deeply in love with Piolo Zachary Pascual.

"Hey beautiful young lady." bati niya habang papalapit sa akin. Nagbago na talaga siya. I'm so glad that he changed for the better.

"Hello young man! Happy birthday." Ani ko ng makalapit na siya at sinalubong ako ng yakap.

"Thank you. Hmm. Bakit wala pa sila?" Aniya ng kumalas na ako sa yakap.

"Its too early. Your party starts at five. Four palang oh?" Ani ko na medyo natatawa.

"Yeah right." he rolled his eyes.

"Bye the way Pi, where's your parents?" Tanong ko. Kanina pa kasi akong three dito pero hindi ko nakikita sila tita at tito.

"Business trip." Simple sagot.

"Pi! Four thirty na! Bakit hindi ka pa nakabihis? At bakit parang maingay sa labas?" Tanong ko ng marinig na parang may kung anong nangyayari sa labas ng mansion nila.

"Opo. Magbibihis na ako pero gusto ko ikaw mamili ng damit ko.." he pouted. His childish side again.

"Tss. Ang arte mo ngayon ha? Pasalamat ka mahal kita!" Pabulong kong sina bi yung huli. Pero nanlaki yung mata niya at medyo natulala. Shocked, i guess.

"What? What did you say Ai? Oh god! I can't believe this!" Masaya niyang sabi. Narinig niya? May powers ata to eh!

"Ha? A-ah! Sabi ko pasalamat ka birthday mo ngayon!" Medyo awkward kong sabi. Crap. Malakas ba yung pagkakabulong ko? Ano daw? Malakas na bulong? Tss.

"Ai? Yung sinabi mo kanina? Please.." aniya.

"Alin dun? Yung ang arte mo ngayon?" Maang maangan kong tanong. Okay. Medyo kumukunot na yung noo niya hahaha. Ang sarap talaga niyang asarin kapag nagseseryoso na siya.

"Ai naman!" Maktol niya. HAHAHA.

"Ano ba Pi? Hindi kita maintindihan eh! Ano ba yung pinapa ulit mo sa akin?" Kunwaring inis na tanong ko sa kanya. Ang epic talaga grabe nahawa na ata ako kay Jhen. Sa sobrang mapang asar.

"Yung mahal kita..." aniya. Yumuko siya dahil nahihiya siyang makita ko yung namumula niyang mukha. Pero kahit naka yuko siya kita pa rin dahil pati yubg tenga niya ay namumula. Ghad! he's so cute.

"Mahal din kita!" Sabi ko na nakapagpa tingala sa kanya. Mukha siyang ewan. Nakangiti at nanlalaking mata siya sa akin. Mukhang naloloading pa yung sinabi ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

"A-aina...." aniya.

"Pi! Ano ka ba! Sige wag na. Di na pala kita maha-" bago ko pamatapos ang sasabihin ko ay niyakap na niya ako.

"Don't you ever say that Ai. It hurts, big time. Mahal mo ako. Yun lang. I love you so much Ai. You dont know how happy I am now. This is the best birthday gift ever." Aniya at niyakap ulit ako ng mahigpit. I hugged him back.

"So does it mean.. tayo na? Are you willing to be my girl now?" Medyo kabado niyang tanong. Sinuklian ko lang siya ng isang matamis na ngiti at saka tumango.

"YESSSS! KAMI NAAAA!" Sigaw niya habang nagtatatalon pa.

"Hey! Pi. Tigilan mo na yan!" Suway ko habang tumatawa dahil sa pinag gagagawa niya. Baliw talaga.

"Congrats sir!" Bati sa kanya ng mga trabahanteng nag aayos ng venue. Tinanguan niya naman ang mga ito.

Humarap siya sa akin at kinuha ng kamay ko. Hinatak niya ako papunta sa isang room. Kwarto niya ata ito eh. Pagpasok namin ay pinaghalong black, gray at white ang kulay na sumalubong sa mga mata ko. Ang ganda ng combination, halatang panglalaking kwarto ito. At infairness mabango, malinis at maayos ito. Akala ko magulo ang kwarto niya dahil nga 'boys will always be boys' lagibg magulo ang kwarto. Well except my kuya Ryan. Pero nagkamali ako dahil napaka ayos ng kwarto niya.

"Ai. Tara dito." Pumasok siya sa isang kulay itim na pinto sa loob nang kwarto niya. May tatlong pinto kasi dito sa kwarto niya. Yung isa ay kulay itim, yung isa ay puti na malapit sa pinto mismo ng kwarto niya at yung isa ay gray na malapit naman sa balcony.

Sumunod ako sa kanya sa pinasukan niyang pinto. Nanduon ang lahat ng damit niya. Collection ng sapatos. Sa kabilang banda ay may mga naka display na iba't-ibang klase ng neck tie.

"Ano ba ang mas maganda dito sa dalawa?" Tukoy na dun sa dalawang polo na kulay itim at kulay dark blue.

"I think mas bagay yung black?" Tumango naman siya at itinabi yung dark blue polo.

"Mag ne-neck tie pa ba ako?" Tanong niya habang pumupunta sa side ng mga naka display na neck tie sa corner ng kwarto.

"Ahm. Wag na. Masyado ka naman pong pormal Mr.Gangster!" Biro ko sa kanya.

"Ganun po talaga Ms.Dean's Lister. Kailangan kasi mapantayan ko yung kagandahan ng diyosa kong girlfriend." Naramdaman ko agad yung pag init ng pisngi ko.

"Hey. Your cheeks.. bakit namumula?" Aniya ng naka ngisi. Nang aasar ba siya o ano? Hinampas ko naman siya sa braso kaya napatawa siya.

"Ewan ko sayo Pi! Magbihis kana nga. Tignan ko muna sa baba kung okay na lahat ha?" Naglakad na ako papunta sa pinto pero hinawakan niya yung kamay ko kaya napahinto ako.

"Wait! May bibigay ako sayo." Aniya at pumunta sa isang cabinet at may kinuhang isang paper bag.

"What's this?" Takang tanung ko.

"Open it." Aniya.

Pagbukas ko ay nakita ko ang isang itim sa dress. Simple yet elegant. Napangiti ako at napatingin sa kanya.

"You like it?" Tanong niya.

"No..." nanlaki ang mata niya sa sagot ko. "I LOVE IT!" Napangiti naman siya na parang nakahinga nang maluwag.

"Akala ko.. ikaw talaga! Pinakaba mo ako. Sige. Magbihis kana dun sa guest room. I love you girlfriend." He kissed me on my forehead.

"Bye boyfriend. I love you too." Lumabas na ako kwarto niya at saka dumeretso sa guestroom para makapagbihis.

xx

AN: Hoooray! Nakapag update din sa wakas! Natagalan dahil naging busy sa moving up ceremony haha. Hope you enjoy this! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon