Chapter 15

117 6 4
                                    


"Love, where are we going? Akala ko ba ihahatid mo na ako sa bahay?" Takang tanung ko nang makita na ibang daan ang binabaybay namin.

"You'll know later." Aniya at kumindat pa. Loko loko talaga.

"Yung kanina-" pinutol niya ako sa pagsasalita.

"I'm sorry Love. Hindi lang talaga ako nakapag timpi..I'm too territorial when it comes to you. I admit it. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito...." Diretso lang ang tingin ni Pio sa kalsada habang seryosong nagsasalita.

"Yung pakiramdam na ayaw kong may nagpapapansin sayo at ayokong naririnig na pinaguusapan ka ng ibang tao specially kapag lalaki kasi feeling ko binabastos ka nila. Ngayon lang ako naging ganito ka-possesive sa isang tao. Ngayon lang Ai, at sayo lang." Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Ako din Pi. Ngayon lang at sayo lang." Lumingon sya sandali sa akin saka ngumuso na parang pinipigilan mapangiti.

Hindi na talaga sya yung nakilala kong gangster na walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Hindi na sya yung Piolo na sobrang cold at sobrang sungit na isang maling salita o galaw mo lang ay masusuntok kana agad. Hindi na sya yung Piolo na laging nakasimangot at laging nakakunot yung noo.

Sya na yung Piolo'ng laging nandyan para makinig sa mga kwento mo, sasabayan yung mga kabaliwan mo, kukulitin ka kapag nastress kana at hindi ka titigilan hanggang sa mapatawa ka nya. Sya na yung Piolo na mas responsable at mas matured. At higit sa lahat, sya si Piolo Zachary Pascual na mahal na mahal ko.

"We're here!" Aniya at bumaba na para pagbuksan ako pinto.

"Wow!" Yan lang ang nasabi ko nang makababa na ako ng sasakyan.

Tumambad sakin magandang tanawin ng syudad. Nandito kami sa isang lugar na may playground at marami ding tao ang nagpi- picnic. Park? I guess. May batang nagpapalipad ng saranggola kasama yung tatay nya. Naalala ko naman bigla si Daddy.

"Love, what's wrong?" Alalang tanong ni Pio habang ibinababa ang basket at blanket mula sa compartment ng sasakyan.

"Hmm.. Ano nga palang gagawin natin dito?" Pagiiba ko ng usapan.

"Our first date?" Nakangiti nyang sabi.

"Ikaw ha! Ang cheesy mo na ang corny mo pa!" He pouted dahil sa biro ko. Tinawanan ko naman sya. Ang cute talaga.

"Grabe ka Love. Parang di ka kinikilig ha?" Aniya na kunwaring nagtatampo.

"Hindi kaya!" Pag de-deny ko pa.

"Oo nga Love. Grabe. Hindi obvious, pulang pula lang naman yung pisngi mo." Pang aasar nya. My ghaad. Hinampas ko naman sya sa braso at nagkunwaring naiinis.

"Asar ka! Mainit lang talaga 'no!" Ani ko habang nagpipigil mapangiti.

"Okay. Sabi mo eh. Tara na dito." Tinap nya yung space sa blanket na inuupuan nya.

"So ano nang gagawin natin?" Tanong ko.

"Hmm, bago ko sabihin kung anong gagawin natin.. sabihin mo muna kung ano yung bumabagabag sayo." Tinaasan nya pa ako ng kilay.

"Wala naman eh."

"Love, I know you. Tell me what's bothering you..." Aniya.

"Tss. Kulit!"

"Love..." Pilit nya pa.

"Namiss ko lang bigla si Dad." Malungkot kong sabi. Lumapit siya sa tabi ko at isinandal yung ulo ko sa balikat nya atsaka umakbay.

"Its okay Love. Binabantayan ka naman lagi ni tito eh, siguradong nandyan lang sya sa paligid at pinapanuod ka. Bahala ka baka malungkot si tito kapag nakita ka niyang malungkot. Kaya smile kana! Yieeee ngingiti na syaaa." Baliw talaga. Pagtapos magseryoso biglang mangingiliti. Hay nako, mas lalo akong naiinlove sa kanya eh.

"Hahahaha- Tama na! Hahahaha- Pi!" Tumigil sya sa pag kiliti sa akin pero tawa parin sya ng tawa katulad ko.

"Sorry na! I love you Love!" Malambing nyang sabi.

"Tss. Baliw ka talaga. Pero.. I love you too Love. Haha." Niyakap nya ulit ako at pinisil ang ilong ko.

"Ang ganda mo." Ayan nanaman sya.

"Tagal na." Biro ko kaya natawa sya.

"Haha. Kain na tayo tapos mamaya may gagawin tayo bago umuwi." Yaya niya.

Pagkatapos namin kumain ay nagyaya siyang maglakad lakad. Nagpunta kami dun sa swing at naglaro na parang bata. Nag habulan, nag picture at kung ano ano pa. Pagkatapos ay bumalik ulit kami sa ilalim nung puno kung saan nakalagay yung blanket.

"Napagod ka ba Love? Pahinga muna tayo?" Umupo ako sa blanket katulad nya pero maya maya lang ay humiga na sya sa lap ko.

"Sunset na pala... Ang ganda no?" mangha kong sabi.

"Oo ang ganda.. mo." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Sa akin pala sya nakatingin at hindi sa view. Pinisil ko naman yung ilong nya.

"Baliw ka talaga!"

"Oo, sayo." Aniya at kumindat pa.

"Ewan." Ngumiti lang sya at saka pumikit.

Ang sarap nya panuorin matulog. Napaka peaceful niyang tignan. Mukha syang anghel na gangster. Joke lang haha. Papatapos na yung sunset nang magising sya.

"Oh god! Nakaidlip pala ako! Nangalay kana ba Love? Sorry sorry." Umayos na sya at umupo na sa tabi ko. Inakbayan niya ako at isinandal ulit yung ulo ko sa balikat nya.

"Ano ka ba! Okay lang 'no! Uuwi na ba tayo?" Tanung ko.

"Yup. Maya maya. Sabi ko sayo diba may gagawin pa tayo?" Aniya at nag taas baba pa ng kilay.

Wala na gaanong tao dito sa park dahil medyo gabi na. Ano naman kaya ang gagawin namin? Wag naman sana tagu-taguan diba? Takot po ako sa multo. Huhu.

"Hello? Yes, gawin nyo na." Aniya sa kausap nya sa cellphone.

*Boom *Boom *Boom

Napatingin ako sa kalangitan at doon nakita ang nag gagandahang iba't-ibang kulay ng fireworks.

"Surprise Love!" Aniya at saka hinila ako patayo.

"Pi......." grabe nakaka speechless. Effort. Ang effort nya.

"Nagustuhan mo ba Love?" Niyakap nya ako mula sa likuran at naramdaman kong may isinuot sya sa leeg ko. Necklace. A heart shaped necklace. Nakaukit sa likod non ang pangalan nya.

"Couple necklace." Aniya at iniharap ako sa kanya. Inilabas nya ang isa pang kwintas na katulad noong sa akin. Nakaukit doon ang pangalan ko.

"Wow. Thank you Pi! I love you!" Niyakap ko sya at doon umiyak sa dibdib nya. Tears of joy.

"Hey! Hey! Stop crying! Love?" Itinaas niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Nginitian ko lang sya.

"Uwi na kita? Kakausapin ko pa si Kuya at Tita eh?" Tango nalang ang naging sagot ko. Napangiti naman sya.


xx

A/N: Kinikilig ako habang tina-type 'to. Kinilig din ba kayo? Vote and comment! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon