Chapter 20

132 7 1
                                    


Pio's POV


Two months had passed but she's still unconsious.


Araw-araw akong nandito sa hospital para bantayan siya. Galit si tita at si Kuya Ryan sa akin pero alam din naman nila ang totoong nangyari. Kinuwento namin ang lahat sa kanila. Naunawaan naman nila na hindi ko ginusto o nang grupo namin na mangyari iyon. Kinuwento rin ni Jhen kung paano nila nalaman at kung paano nila kami natunton.



Hindi ako madasalin at pala simba. Sa madaling salita ay hindi ako malapit sa taas. Pero simula nung araw na iyon, lagi akong nasa chapel ng hospital para ipagdasal ang pag gising niya. Hindi ko ininda ang pagod o kahit ano dahil alam kong basta kasama ko sya ay magiging maayos ako.



Araw-araw, wala akong paki kung makita nila akong umiiyak habang kinakausap si Aina at nagbabaka-sakaling sumagot ito. Wala akong pakialam kung magmukha akong mahina sa harap nila. Wala akong pakialam sa kahit anong sabihin nila. Basta ang gusto ko lang ay magising sya. Ang gusto ko lang ay makasama ko ulit sya. Ang gusto ko lang ay marinig muli yung tawa niyang nakakapagpasaya sa akin at masilayan ang magandang ngiti nya. Ang gusto ko lang ay iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko.

"Pio, gising na hijo. Umuwi kana muna at magpahinga." Ani Tita na pugto parin ang mga mata katulad ko.


"Okay lang tita. Kayo po ang magpahinga.- excuse me po." Tinapik lang ni tita yung balikat ko bilang sagot.


Tumayo ako at pumwesto sa bandang dulo ng kwarto.


*ring *ring *ring


"Hello?"


"Piolo nasaan ka na? Nakalimutan mo ba na ngayon 'yong enrollment natin?" Si Jaz.


"Crap! Oo nga pala. Pero baka next week na ako mag enroll bro. Alam mo naman na ayokong umalis dito hindi ba?" pabulong kong sabi dahil baka marinig ni tita at pauwiin pa ako.


"Ano ka ba! Hanggang ngayon na lang 'to. May twenty seven na kaya!"


"Sige sige. Hahabol nalang ako. Salamat sa tawag bro. Ingat kayo dyan."


"Sige bro. Ikamusta mo nalang ako kay tita."


Pagkatapos ng tawag ay umupo na ulit ako sa gilid ng kama ni Ai.


"Sino ba iyong tumawag hijo? Bakit ganyan ang mukha mo, hindi maipinta." Komento ni Tita na naka upo sa sofa sa kabilang gilid.


"Si Jaz po tita. Kinakamusta nga po pala kayo."


"Oh- eh bakit ganyan nga ang mukha mo?" Takang tanung niya na medyo nakakunot yung noo.


"W-wala po tita." Pagsisinungaling ko.


"Piolo hijo..." I think kilala na talaga ako ni tita.


"Kailangan ko na po kasi pumunta sa school para mag enroll. Pero baka magising si Aina. Magtatampo 'yang Love ko tita kapag hindi ako ang unang nakita." Napangiti naman si tita sa sinabi ko.


"Puro ka kalokohan hijo. Hala sige, mag enroll kana. Bumalik kana lang dito kapag natapos." Bago pa ako itulak ni tita palabas ay niyakap ko muna si Aina at hinalikan sa noo.


"Bye Love. I love you so much."


"Tama na 'yan! Uwi na Pio." Hinampas naman niya ako ng mahina sa balikat.


"Bye tita. Sabihin nyo po kay sleeping beauty na babalik din ako agad ah? And paki sabi na din po na mahal na mahal sya ng gangster na'to." Tinuro ko pa ang sarila ko na ikinatawa ni tita Niyakap ko muna siya at saka umalis.

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon