Chapter 22

112 6 0
                                    


Nagmadaling bumaba ng eroplano ang grupo nila Pio at saka sumakay na sa naghihintay na sasakyan na inihanda ng ina ni Aina.

"Bakit di nyo ko sinabihan na pupunta pala kayo sa bestfriend ko ha? Kung hindi pa ako inutusan nitong kapatid ko ay hindi ko malalaman! Hmp!" Umirap si jhen sa apat na lalaking kasama niya sa sasakyan.

"Biglaan kasi Oreo. Ang lungkot kasi nitong si Pareng Pio eh. Baka mamaya mag suicide sa sobrang pagkamiss kay Aina!" Si Charlie na ang sumagot kay jhen dahil tahimik ang tatlong at mukhang walang balak na magsalita.

"Idiot! Di yan magbabalak mag suicide 'no! Paano na ang forever nila diba? Its free to use your brain. Monkey." Inirapan ni Jhen si Charlie na nagtaas ng kilay.

"Tss. Me? Monkey? Asa ka, Pig." Nakangising sabi ni Charlie.

"What the! Anong pig? Ang kapal mo huh? Kuya Oh!" Napailing nalang si Jaz sa dalawa. Sa tabi ni Jaz ay si Charles ay nakatuon lang sa bintana at pinapanood ang mga tao at gusaling nadaraanan nila. Samantalang si Pio ay nasa tabi ng driver na sumundo sa kanila at nagtitipa ng mensahe sa kanyang cellphone.

"Kamusta na Hijo?" Natigil ang pagaasaran ng dalawa ng biglang magsalita ang nagmamaneho ng sasakyan.

"Filipino po kayo?" Ani Jhen.

"Halos magdadalawang taon palang ang nakakalipas pero hindi nyo na agad ako nakilala? Gumagwapo siguro ako lalo." Natatawang sabi ng matanda.

"Tatay Tom?!" Manghang sabi ni Pio. Buong akala niya ay hindi na ito nag tatrabaho sa pamilya nila Aina pero mukhang nagkamali sya.

"Kamusta hijo? Long time no see?" Ani ng driver.

"Mabuti naman po kahit papaano. Kayo po? I thought you're no longer their family driver. Matagal ko po kayong hindi nakita."

"Ah ganun ba? Isang buwan matapos nang nagyari kay Aina ay pinayagan akong lumuwas sa probinsya ni Maam Emily. Bago sila pumunta dito sa New York ay tinanong nya ako kung gusto kong sumama. Sinabi nya rin na isama ko ang aking asawa kaya naman pumayag ako. Dalawa nalang kami ng asawa ko kaya bakit naman hindi ako papayag hindi ba? Napakabait ng pamilya nila."

"Eh kamusta naman po ang buhay nila dito sa New York? Masaya naman po ba sila?" Singit ni Jhen.

"Oo naman Hija. Pero sa aking palagay ay hindi yung saya na tulad May companya ang mga Fulgar dito. Yung sa side ng pamilya nina Maam Emily."

"Eh paano po yung company nila sa Philipinas?" Singit nanaman ng makulit na kapatid ni Jaz.

"Si Alexander muna ang namamahala roon habang wala sila Maam Emily. Si Alex ang ama ni Maricris. Yung pinsan ni Aina?"

"Ah! Si Ate MC po." Tango naman ang naging sagot ng matanda.

"Nako, malayo layo pa ang ibabyahe natin. Baka gusto nyo munang kumain? Ihihinto ko muna sa malapit na resto. Tanghalian na rin naman." Aniya.

"Naku! Mabuti pa nga po! Gutom na yung baboy na kasama namin eh!- ouch!" Nagtawanan naman sila dahil kinutusan ba naman ni Jhen si Charlie.

"Tara na tatay Tom. Kailangan na po nito maka kain ng saging. Yung totoo? Unggoy ka ba? Or minion?" Baling ni Jhen kay Charlie. Natawa nanaman sila sa pagbabangayan ng dalawa.

"Tara na po tatay Tom at nang makapunta na agad tayo sa hospital. Ako naman ang patay kay Aina dahil nagising syang wala ako." Natatawang napakamot sa batok si Pio.

"Malamang sa malamang Hijo! Lagot ka dun sa batang iyon. Katakot takot na suntok siguro ang makukuha mo dahil late ka." Nagtawanan naman ang lahat sa tinuran ng matanda.

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon