Chapter 11

132 9 1
                                    


"HAPPY BIRTHDAY PIO!" Bungad nila Jaz pag punta namin ni Pio sa garden kung saan gaganapin ang party.

"Thank you guys!" Masayang sabi niya.

Isa isang lumapit ang mga kaibigan ni Pio at nag man to man hug. Sumunod naman si Jhen at ate MC na bumati at si kuya Ryan na may sinabing ikinatawa naming lahat.

"Happy birthday Dude. Ingatan mo yang kapatid ko kung ayaw mong malintikan sakin ha?" Nakangiting sabi ni kuya Ry habang pinapat ang balikat ni Pio. Napatango naman ito at napa ngiti.

"Thank you! Hahaha." Natatawang sabi ni Pio.

"And last but not the least! Ang aking napakagandang bestfriend na nahawa sa kagandahan ko. At ang 'love of my life' ng nag iisang Piolo Pascual.. Bwahahahaha! Ikaw naman Georg!" biglang singit ni Jhen kaya napuno ulit ng tawanan ang garden.

"Baliw!" Siniko ko ng mahina si Jhen.

"Aina hindi ka pa nag sasalita kinikilig na si Pareng Piolo oh! Nako nako!" Biro ni Jas na sinuntok naman ng mahina ni Pio sa braso.

"Pi, Happy birthday. Ang tanda mo na hahaha-"

"Isang taon lang ang tanda ko sayo no!" Pabiro niyang sabi.

"Hahaha. Patapusin mo muna kasi ako!" Kunwaring inis na sabi ko.

"Fine, Sorry na." Naka pout niyang sabi. Hahaha. Cute.

"AY! MAY GANON?! Grabe ha, kinikilig ako sheeet!" Pang aasar ulit ni Jhen na pinitik naman sa noo ni Jaz. Haha, baliw talaga to!

"Eto na kasi! Graduating kana Pi. Ayusin mo na yung pag aaral mo para naman tumaas taas yung grade mo. Wag ka na mag cu-cut ng class mo. Iwasan mo na mang bully ng mga students sa school. Proud ako sayo kasi nagagawa mo ng iwasan ngayon ang pakikipag basag ulo na nakasanayan mo ng gawin. Sabi nga nila, 'old habbits die hard' pero nagawa mo! Keep it up Pi. I love you!" Nakita kong gulat ang reaksiyon nilang lahat. Ngayon palang kasi namin balak i announce na kami na. Niyakap naman ako ni Pio at bumulong.

"I love you more Love. Thank you." Aniya at naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo.

"Ehem! Ehem! Ehem!" Sabay sabay nilang ubo kaya naghiwalay kami sa pagkakayap sa humarap na sa kanila.

"Oooops! Bago kayo magsalita ay maupo muna tayo okay? Pagod na ako no!" Pabirong sabi ni Jhen na nauna nang maupo sa mga nakahandang mesa.

May nakahandang isang mahabang lamesa at may mga bilog. Hindi ko alam kung para kanino iyong mga bilog na mesa dahil kasya naman sa amin yung pahaba.

"Explain." Sabay sabay na sabi nila. Katakot.

"Kami na." Simpleng sagot ni Pio sa kanila. Niyakap niya ako mula sa gilid na ikinasigaw naman ni Jhen. For the nth time! Geez. Baliw talaga.

Nag high five silang lahat pwera lang kay kuya Ry. Tumayo siya at lumapit sa amin ni Pio na ikinatahimik naman ng lahat. Tumayo kami ng makalapit na si kuya.

"Seryoso ba to?" Naguguluhan niyabg tanong.

"Uh, yeah. Bro alam mo naman na seryoso ako kay Aina eh. At pinapangako ko na iingatan at aalagaan ko sya. Mahal na mahal ko sya bro. Kaya kung iniisip mo na-"

"Nagtanong lang ako kung seryoso ang dami mo nang sinabi. Tss. Lika nga dito Ai!" Lumapit ako kay kuya at niyakap sya. I'm so thankful na may kuya akong kasing bait ni kuya Ry.

"Ingatan mo 'tong baby girl ko ha? Kung away mong malintikan sakin. Wag na wag mong lolokohin-"

"Nako kuya Ry! Manloloko yan!" Singit ni Jhen na nagpakunot sa noo ni Pio at Kuya.

Napatingin ako kila Jaz na nagpipigil ng tawa at si Jhen na humahagikgik ng palihim kasama si Ate mc.

"No! Hindi totoo yan! Mahal ko talaga si Aina bro. Promise! Si Aina lang ang mamahalin ko. Mark my words." Dipensa ni Pio kaya namula nanaman yung pisngi ko. Jusme. Ang cheesy niya ata ngayon. Hihi. Kakilig.

"Pfft! HAHAHAHA!" Nanlaki ang mata ko ng tumawa si kuya Ry na nakahawak pa sa tiyan niya. Sumunod na din sa pagtawa yung mga tao sa table.


"Grabe si Piolo Pascual HAHAHAHA masyadong seryoso HAHAHAHAHA! Whoooo! Grabe! Inhale,exhale. Inhale,exhale- HAHAHAHAHA!" namumula na na si Pio dahil sa inis o sa hiya? Hahahaha.

Napatingin si Pio sa akin ng medyo hindi ko na mapigilan yung tawa ko. Nag pout siya. Pogi haha.

"Pati ba naman ikaw tatawanan mo ako? Ouch naman Love." Umaarte niyang sabi at humawak pa sa bandang dibdib niya.

"Love? Baliw ka. Tara na nga. Kain na tayo." Yaya ko sa kanya ng medyo humupa na yung tawanan nila. Nagsimula ng mag handa yung mga waiter. Ewan ko kung saan naghanap ng magca cater si Jhen. Siya na daw kasi bahala eh.

"Love?" Pansin ko na yan na yung tawag niya sa akin simula kanina.

"Hmm. Why?"

"Yan lang ba talaga kakainin mo? Kumain ka pa." Aniya habang nilalagyan ng ulam yung pinggan ko. Pansin ko na parang lutong bahay yung pagkain. Masarap siya.

"Uhm. Pi? Bakit nga ba love na ang tawag mo sa akin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Kasi Mahal kita. As simple as that." Aniya at nagawa pang kumindat. Haha. Baliw talaga. Napangiti nalang ako sa mga kilos niya.

"Hmm. Sige na nga. Love!" Napangiti naman siya.

Nagpatuloy na kami sa pagkain at sa pagkwe kwentuhan. Napuno nang tawanan ang hapag dahil kay Jhen. Ang baliw kong bestfriend. Hahaha.

Nagsimula na ang munting programa na hinanda nila Jaz para kay (ehem) Love. Kumanta sila isa isa at infairness ha! Maganda boses nila. Except Jhen. Hahahahah. Joke lang.

"Oy! Si Georg naman pakantahin nyo! Uulan na oh! Maawa kayo, magsibaba na kayo dyan." Suway ni Jhen kila Charlie. Nag peace sign naman sa akin yung mga boys at nagsibaba na.

"Hoy Oreo! Ayoko kumanta no!" Umiling ako pero hindi nila ako tinantanan.

"Sige na Love. For me? Please?" Ani Pio sa tabi ko.

"Tss. Pasalamat ka birthday mo!" Biro ko sa kanya.

Inaya na ako ni Pio papunta sa mini stage sa harap. Napilitan syang makipag duet sa akin dahil di ako pumayag kumanta ng solo haha.





*Beep *beep *beep

Nagkatinginan kami ng biglang may dumating na babae sa garden. Nakalugay ang kulot na buhok nito, matangkad at mukhang mataray. And naka floral dress at naka high heels, mukhang ka age lang din namin.

xx

AN: Vote and comment guys! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon