Chapter 28

82 5 0
                                    

January 28. Hindi ko alam kung bakit, pero may gusto akong malaman. Anong meron sa date na 'yan? Yan ba yung araw na naaksidente ako? Kanino galing 'yan? Anong koneksyon niyan sa nakaraan ko?


*tok *tok *tok


Napapitlag ako sa pagiisip ng makarinig ako ng mahinang katok mula sa pinto ng kwarto ko.


"Bukas yan." Sigaw ko dahil tinatamad pa akong bumangon.


"Good morning anak, bakit hindi ka pa nagbibihis?" Si mommy pala.


"Good morning mom. Kanino po galing yung box na 'to?" Ipinakita ko sa kanya yung green na box.


"Ah. Nakalimutan ko na anak. Baka may nagregalo lang sa iyo noon." Napansin ko na parang may iba kay mommy ng ipinakita ko sa kanya yung box. Ano ba talagang hiwaga ang mayroon 'yon?


"Maligo kana. Nakabihis na si Almira. Excited 'yong pinsan mo kaya bilisan mo na dyan." Nagiwas ng tingin si Mommy at lumabas na sa kwarto ko.

Bakit parang may mali? Hay nako. Nevermind.


"Good morning." Bati ko sa kanila pagbaba ko.


"Good morning hija." Ani Tita Des.


Umupo na ako sa tabi ni Almira at nagmadaling kumain dahil mahuhuli na daw kami sa flight namin.


"Bye mom, bye daddy." Pagpapaalam ni Mira. Niyakap nya si tita Des at si Uncle John. Pagkatapos ay sabay sabay na kaming pumasok sa sasakyan.







Kabado akong bumaba ng eroplano. Nauna na si Mommy kasama si Tatay Tom at ang asawa nito. Mabagal ang pagbaba ko kaya naman napalingon na yung pinsan ko na nasa unahan ko lang pala.


"What's wrong cous?" Alalang tanung ng pinsan ko. Inalalayan nya pa ako sa pagbaba.

"Ah.. Don't mind me cous. Lets go?" Niyaya ko na sya dahil alam kong marami nanaman siyang tanung.

"Girls! Lets go." Sigaw ni Mommy.

Pagkalapit namin sa kanila ay sinalubong agad ako ng yakap ng isang may katandaan ng lalaki.

"Hija! Kamusta ka?-" Napatigil sya sa pagsasalita ng napansin niyang nakatitig lang ako sa kanya.

"Oh! Anak, he's your tito Alex. Sya yung sinabi ko na kapatid ng Daddy mo." Pagpalaliwanag ni mommy. Ngumiti naman yung lalaki sa akin kaya nginitian ko din sya.


"Nga pala, nasaan na ang unico hijo mo?" Baling ng Tito Alex kay Mommy habang naglalakad papunta sa sasakyan.


"Hay nako Alex. Nagpapaka-busy sa opisina. Dun sya nagtatrabaho sa oposina ng Uncle John niya. Yung asawa ng kapatid ko?"

"Ah, yeah yeah. Wala pa bang asawa ang pamangkin ko? Nako baka masyado nang nalibang sa trabaho iyon ha! Kailangan nya na magkaanak ng madagdagan naman yung mga Fulgar!" Biro ni Tito kaya nagtawanan naman sila.


Sabi ni Mommy ay dalawa lang na magkapatid si Daddy at si Tito Alex. Mas matanda daw si tito kay Dad at may isang anak daw ito. Maricris Fulgar. Wala akong matandaan pero tingin ko kalaunan ay babalik na yung mga alaalang nawala sa akin.



"Cous!" Napapitlag ako ng kalabitin ako ni Almira sa tagiliran. Pilya talaga 'tong pinsan ko. Alam nya kasi na doon yung kiliti ko. Pasaway.



"What?" Inis kong sabi. Nagpout at puppy eyes naman sya. Aba't nagpacute pa.


"Are you with us? We'll be going to your company, may mga gwapong mala model ba 'don? " Aniya at nagtaas baba pa ng kilay.


"I dont know Mira. Alam mo naman na.."


"Okay okay. I know. Im so exciteeed!" Tili nya pa.



Kaming dalawa lang ni Almira ang nandito sa sasakyan. Ang driver ni Tito Alex ang maghahatid sa amin papunta sa Fulgar Corp. Si Mommy at Tito ay may paguusapan pa daw at susunod nalang. Si tatay Tom naman at yung kanyang asawa ay nauna na sa mansion.


"Nandito na ho tayo Maam." Sabi nung driver.

"Wag po muna kayong bababa maam. Baka pagkaguluhan po kayo." Sabi nung body guard na nakaupo sa shotgun seat.


Ngayon lang namin napansin na marami palang tao sa labas ng sasakyan. Bakit may mga camera? Anung meron? May mga posters din like WE LOVE YOU Aina Georgina Fulgar! and WE LOVE YOU Almira Hanna Gray!


"Maam, kumalat po kasi yung paguwi nyo dito sa Pilipinas kaya ayan yung mga supporters nyo sumugod dito para makita kayo. Sobrang sikat nyo ho kasi. Pupwede ho bang magpapicture? Para lang ho sa anak kong babae, idol na idol po kasi kayo." Ani Manong Driver.


"Woah! So we also have fans here? Aww. Its so touching." Masayang sambit ni Mira na nakayakap na sa akin.

"Okay lang naman kuya. Mira? Is it okay if-" Nagliwanag naman yung mukha ni manong ng marinig yung sagot ko.

"Oh! No problem!" Ani ng pinsan ko. Hindi man lang ako pinatapos.

Nagpicture kami kasama ni manong at nakisali na rin yung masungit na body guard na kasama namin. Nagpa autograph pa si manong sa panyo nya para daw sa anak niya. Nakaramdam naman ako bigla ng lungkot. Ganito din kaya ang Daddy ko sakin? Spoiled din kaya ako sa kanya? Haaaay.


"Cous, I need to pee." Bulong ni Almira sakin.


"Mister, kailangan ko sya samahan sa restroom.." sabi ko sa body guard na kasama namin.

"Okay maam." May tinawagan sya saglit at agad naman na nagsulputan yung mga unipormadong lalaki sa labas ng sasakyan.

Naunang lumabas yung body guard at pinagbuksan kami ng pintuan. Iginiya niya kami papasok sa loob ng company pero may mga taong humarang sa amin at pilit na hinaharangan ng mga unipormadong lalaki.

"Aina! Papicture! Mira! Ohmygosh! Papicture pooo! Sige na." Pilit ng babaeng hinaharang ng mga guards.


"Its okay manong. Hayaan nyo ho sya makalapit sa amin." Tumango naman si Mira sa sinabi ko habang nakayakap parin sa akin.

Hinayaan naman makalapit ng mga guards yung babaeng halos paiyak na.

"Hello po. Pwede po yumakap?" Tumango naman kami at niyakap din sya. Woah. Nanginginig sya.

"Miss, okay na." Pinaaalis nanaman sya ng mga guards pero pinigilan ni Mira dahil nagpapapicture pa yung babae at nagpapa autograph.

"Thank you Aina and Almira. We love you so much." Sabi nya bago pumunta sa gilid. Nginitian naman namin sya.

Nagmadali na kaming pumasok sa loob para makapunta na sa restroom. Sakto naman pagkalabas namin ay naghihintay si Mommy at Tito Alex sa lobby.

"Let's go hija. We're going to your engagement party."


xx

AN: Omg! Kanino ie-engage si Aina?

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon