Chapter 9

138 9 4
                                    


Huminto ang kulay pulang sasakyan sa harap namin at bumaba ang bintana nito. Nakita ko ang lalaking nakangiti at naka tingin sa akin.

"PIO!" Bungad ko sa kanya pagbaba na pagbaba palang ng bintana ng kanyang sasakyan.

"Hey.. I missed you!" Aniya bago tuluyang bumaba sa sasakyan. Napangiti naman agad ako. Ganyan siya lagi ka sweet simula nung nagsimulang manligaw siya sakin.

Ramdam ko naman na siniko ako ni Jhen ng bahagya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi habang iiling-iling pa. Mapang asar talaga.

"Hey! Piolo Pascual!" Bati ni jhen kay Pio na nakangiti parin ngayon.

"Hey Oreo! Thanks for the help!" Sarkastiko niyang sabi kaya napatingin ako kay Jhen at tinaasan siya ng kilay. As usual, she just shrugged her shoulders.

"Ehem.." sabay na ubo ni ate MC at Quir.

"Pio, this is my cousin Ate Maricris. Ate MC this is Pio." Naglahad si Pio ng kamay at tinanggap naman iyon ni Ate.

"Hi." Nakangiting bati ni Pio.

"So ikaw pala ang manliligaw nitong pinsan ko. Hmm, not bad." ani ate MC.

Napangiti naman si Pio pero napasimangot agad ito at napakunot ang noo niya nang madako ang tingin niya kay Quir. Uh oh.

"Quir this is Piolo, Aina's suitor. Piolo this is Quir. Our new friend." Ani jhen. Naglahad ng kamay si Quir pero hindi iyon tinanggap ni Pio.

"Oh! May nanliligaw na pala sayo Aina." nakangiting sabi niya.

"Oh bakit? May problema ka ba dun?" Maangas na tanong ni Pio. Crap.

"Pio..." warning ko sa kanya.

"Let's go." Aniya. Hindi niya ako pinansin at dirediretso na naglakad patungo sa sasakyan niya. Mukhang badtrip nanaman siya.

"Bye Quir." Sabay sabay na paalam namin kay Quir. Ngumiti naman ito ng alanganin. Sumakay na sila sa back seat. Pasakay na sana ako sa frontseat ng tawagin ako ni Quir.

"Aina! Can I.. Can I get your number?" Tanong niya habang inilalahad yung phone niya sakin.

"Ah, yeah sure." Inabot ko iyon at tinype ang phone number ko.

"Thanks.. ugh.. are we friends now?" Nahihiya niyang tanong.

"I think so?" Ani ko at sabay kaming natawa. Mga tanungan neto eh. Hahaha.

"Aina Georgina. Come in!" Ani Pio na nakakunot na ang noo. Oh no. Galit na siya.

"Bye friend!" Paalam ko kay Quir at tuluyan nang sumakay.





Tahimik lang na nagdrive si Pio. Nagulat ako ng hampasin niya ang manibela.

"Damn this traffic!" Inis na sabi niya.

Napatingin ako sa likod at mukhang nakatulog na ata sila. May naka salpak na earphones sa tenga nila kaya siguro hindi man lang nagising.

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik saka ano yung ginawa mo kanina? Bakit ka nag walk out?" Dirediretso kong tanong. Pero hindi ako nagtaas ng boses.

"Wala." Aniya ng hindi tumitingin sa akin.

"Anong wala? Anong wala Pio? Ha? Bakit di moko pinapansin?" Inis sa sabi ko sa kanya.

"Wala nga." Ugh. Naiinis na talaga ako.

"Zachary..." seryoso kong sabi.

"Fine. I'm sorry okay? Naiinis kasi ako. Yun lang." Aniya.

"At bakit ka naman naiinis?" Tinaasan ko siya ng kilay habang naghihintay sa sagot niya. Tumingin siya sa akin saglit bago mag salita.

"Whole day. I'm waiting for your messages pero wala. Hindi ka man lang nag reply sa mga text ko. Tinawagan kita pero hindi mo sinasagot. I'm worried. Hindi ko alam kung iniiwasan mo ako o sawa kana o ayaw mo na ako man ligaw..." mahina niyang sabi. I can see pain and sadness in his eyes everytime na sumusulyap siya sa akin.

"No. Ugh. I'm sorry. Look, na lowbatt yung phone ko kaninang umaga dahil kinalkal ni Jhen. Tapos kanina naman naka silent yung phone ko. Actually lagi yung naka silent, kaya hindi ko napansin. I'm sorry Pi..." ani ko. Crap. Dapat talaga hindi ko sa sinilent.

"It's okay Ai. Namiss lang talaga kita. Tapos yung lalaki kanina, ano ngang pangalan nun? Queen? Is he a gay? Tss. Mukhang may gusto sa iyo yun." Inis sa sabi niya. Hahahahahaha. Ang epic ng mukha niya habang sinasabi yung pangalan ni Qui- wait!

"Anong Queen?! Si Quir yon! Hahahahaha. Baliw ka talaga! Hindi yon gay no! Ang gwapo kaya nun at mabait pa." Nakita ko siyang umirap kaya bahagya akong natawa.

Ang laki na ng pinagbago niya sa loob ng halos pitong buwan na nanliligaw siya sa akin. Hindi na siya yung dating Pio na nakabusangot, suplado, laging may pasa sa mukha, nakakatakot at laging nakikipag away. He changed a lot. He's now my sweet, loving, caring, toughtful and protective suitor.

"Queen! Quir! o kahit ano pang pangalan nung asungot na yun! Tss." Ayan nanaman siya.

"Oh bakit nagagalit ka nanaman?" Hay nako. Parang bata nanaman tong gangster na to.

"I'm not mad. I'm jealous." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Diretso siyang nakatingin sa kalsada pero kitang kita ang pamumula ng mukha niya.

"For the first time in forever! ANG NAG IISANG PIOLO ZACHARY PASCUAL AY NAGSESELOS! Hahahahahahaha!" sigaw ni Jhen na nakikinig pala sa usapan namin. Loko talaga to. Mababadtrip nanaman niyan si Pio eh.

"Fuck." Mahinang bulong niya.

"Pi.." kinalabit ko siya pero di niya ko pinansin. Patuloy pa rin sa pagtawa sa likod si Jhen. Nabaliw na ata.

"Jhenren. Umayos ka nga dyan." Saway ko. At sumenyas na badtrip nanaman si Pio.

"Hahahaha oo na! Sorry na okay? Hahahaha." Nagpeace sign pa siya..

"Oy Pi! Di ka naman dapat mag selos kay Quir eh. Magkaibigan lang kami non! Kakakilala ko nga lang dun kanina eh. Wag kana magselos."

"Sino mas gwapo samin?" Gusto kong matawa sa tanong niya pero pinigilan ko.

"Syempre-" di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil.

"Pfft! HAHAHAHAHA!" Si Jhen nanaman yan. Jusme! Baliw na ata tong babaeng to!

"JHENREN!" suway ko ulit. At nagpeace sign nanaman siya. Pasaway. Buti nalang tulog parin yung pinsan ko.

"Tss. We're here." Ani Pio.

"Hoy Pi! Wag kana mag selos okay? May gwapo ka dun!" Medyo napangiti naman siya pero halatang pinipigilan.

"Oh! Mas gwapo ka pala dun Piolo Pascual! Hahahahaha! Selosong gangster! Hahaha!" Hay nako. Kulit talaga ni jhen.

"Bumaba kana nga dun!" Ani Pio sa kanya dahil nauna nang bumaba si ate MC.

"Okay. Byeee guys!" Kumindat pa siya sa akin.

"So mas gwapo talaga ako dun ha?" Nakangisi niyang tanong.

"Oo nga! Sige na. Bababa na ako. Mag ingat ka." Ani ko.

"Yes boss!" Aniya at nagsalute pa.

"And oh! Thanks for the ride. Goodnight Pi!" I kissed him pero sa cheeks lang. Wag kayong ano.

"G-goodnight Ai." Nakangiti niyang sabi. At tuluyan ng pinaandar yung sasakyan.

xx
AN: Satisfied? Hahaha. Hello sa Kristel Lovers na nagbabasa nito!

Vote and comment guys! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon