Chapter 17

105 5 0
                                    

Nag aayos na ako ngayon dahil maya maya lang ay dadating na si Pio para sunduin ako. Si kuya Ryan ay hindi makakasama dahil sa thesis. Si Mom naman ay susunod nalang daw dahil hindi pa tapos yung meeting nya. Si Oreo? May plano kami ni Pi para sa kanya. *evil laugh*

Nag lagay na ako ng kaunting make up then, tadaaaah! Okay na ako. Isinuot ko na din yung earrings at yung necklace na bigay ni Pi. Actually halos di ko na nga hinuhubad yung kwintas, pwera nalang kapag maliligo.

*beep  *beep  *beep

Narinig ko na yung busina sa labas at siguradong si Pio na yan. Sa sobrang excited ko ay halos magkanda hulog hulog na ako sa hagdan kaka madali.

Napatayo ng tuwid ang papaupo palang sana na si Pio. Mukhang medyo lutang pa sya habang nakatingin sa akin. Crap. May dumi ba ako sa mukha? May mali ba sa suot ko? Suot ko lang naman yung itim na dress na binili namin sa mall. What's his problem?

"Love!" I snap my fingers on his face. Natauhan naman sya dahil sa ginawa ko.

"Hi miss, ang ganda mo naman!" Biro nya.

"Ahm. Thanks Mister." Ano nanaman kayang trip nito? Hahaha.

"May boyfriend kana ba miss?" Ngating tanung nya.

"Ahm. Meron na eh. By the way, sino ba ang hinahanap mo dito mister?" Natatawang tanung ko.

"Ay, yung misis ko." Pinanlakihan ko sya ng mata. Namumula nanaman ako for sure. Pinalo ko sya sa braso para maitago yung kilig. Shetlungs.

"Baliw ka talaga 'no!" Ani ko.

"Oo sayo." He winked.

"Ewan hahaha. Tara na nga." Nauna na akong nag lakad papunta sa front door ng bahay.

"Pero seryoso,ang ganda mo love." Aniya at umakbay nang nasa tabi ko na sya.

"Kaya nga bagay tayo eh." Tinaasan ko sya ng kilay. Sya naman yung namula ngayon. Wtf! Si Piolo Pascual nag blush!  Ang gwapo sheeet!

"Ah-eh. Ano, ahm." Kanda utal utal na sabi nya. Hahaha. Ano ba ginawa ko? Sinakyan ko lang naman yung trip nya ah. Hahaha.

"Ano Love? Hahaha." Asar ko sakanya ng makapasok na kami sa sasakyan nya. Buti naman at may driver na sya.

"Suko na ako. Ikaw lang talaga nakakagawa sakin nito." Tinuro nya pa yung mukha niyang medyo namumula pa. Hahaha.

"Gwapo mo." Ani ko.

"Kaya nga bagay tayo eh." aniya at hinagkan yung ulo ko isandal sa dibdib nya.

"Okay lang ba yung suot ko?" Biglang tanung nya.

He's wearing a black semi-fitted long sleeve polo paired with maong pants. Take note, naka bukas pa yung dalawang butones. Parang model.

"Pwede na." Asar ko sakanya.

"Yun lang?" nagtatampo niyang sabi.

"Pwede na maging model." I winked at him. Napangiti naman sya agad.

"Where's your phone?" Tanong niya. kahit nagtataka ay kinuha ko yung phone ko at iniabot sa kanya.

"Anong gagawin mo?" Hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sa pag pindot sa phone ko.

"There! Let's take a picture!" Si Pio ba talaga 'to? Hindi sya mahilig mag picture eh at kung papayag man ay napilitan lang.

Gamit ang phone ko ay nag picture kaming dalawa. May solo din sya. At yung picture nya na yun ay yung ginawa niyang wallpaper sa phone ko. Pagkatapos ay sa phone nya naman kami nag picture. Pinagselfie nya din ako para daw mai-wallpaper niya. Ewan ko ba dito kay Pio.

"May sakit ka ba?" Tanong ko sabay lagay ng kamay ko sa noo niya.

"Wala ah. Oh! Tara na." Aniya.

Nauna siyang bumaba at pinagbuksan na niya ako ng pinto. Ang daming tao. Sobrang sikat pala ang Le Chavez. May mga business men, mga pulitiko at mga sikat na mga artista. Pag pasok namin ay sinalubong agad kami ni Quir.

"Thank you for coming Love birds." Bati nya sa amin. Nag beso kami at nag bro hug naman sila ni Pi.

"Congrats Quir! Thank you for inviting us." Bati ko. Ngumiti naman sya.

"Congrats pare." Ani Pio at tinapik sa balikat si Quir.

Iginiya na kami ni Quir papunta sa table na naka reserved sa amin. Late na pala kami at tapos na din yung ribbon cutting. Nandun na pala sila Oreo. Hihihi. Success kaya yung plano?

"Hi Oreo. Hi Charlie!" Napatingin naman silang dalawa sa amin ni Pio.

Umupo ako sa tabi ni Jhen na masama yung tingin sa akin hahaha. Sa tabi ko naman ay umupo na si Pio na nakipag apir pa kay Charlie.

"Hoy babae napaka ano mo ah! Sabi mo dadaanan nyo ako sa bahay? Bakit itong unggoy na'to ang sumundo sa akin?" Inis na sabi nya.

"Di ka ba nasurprise? Hahaha." Asar ni Pio sa kanya na sinamaan niya lang ng tingin.

"Che!" Inirapan nya lang si Pio.

"Type ka ata ni Charlie Tim eh. Yiee." Tukso ko sa kanya.

"Mag tigil ka dyan Georgina ah!" Pagalit na sabi nya.

"Ang gwapo kong unggoy diba Ai?" Biglang singit ni Charlie.

"Ahmm. Pwede na para kay Jhen." Natatawa kong sagot. Sumama naman ulit yung tingin sa akin ni Jhen. Kunwari pa, for sure may crush din 'to kay Charlie eh. Hello! Bestfriend nya kaya ako kaya ramdam ko yun.

"Yon naman pala eh!" Ani Charlie. Siya naman ngayon ang tinignan ng masama ni jhen.

Sakto naman yung pagdating ni Mommy. Kakilala nya pala yung Parents ni Quir dahil sila yung nag Cater nung Anniversary ng company namin.

Sinerve na nung mga waiter yung food. Ang sasarap promise. Pilipinong pilipino yung lasa para ka lang nasa bahay. Lalo na yung Chicken Adobo and yung Caldereta.

"Hello guys. Enjoying the food?" biglang sulpot ni Quir sa likod.

"Ehem." Si Mommy.

"Ahm. Quir! This is my Mom. Mom this is Quir." Ani ko.

"Oh, Hello Mrs. Fulgar! Nice to meet you po!" Magalang na bati ni Quir kay Mom. Na ikinatawa niya.

"Ano ka ba naman hijo. Tita nalang." Nakangiting sabi ni Mom.

"Okay po Tita. So nagustuhan nyo po ba yung pagkain?"

"Oo hijo! Paki sabi sa parents mo napaka sarap." Ani mom.

"Nako salamat po tita. Sige po mauna na muna ako. Guys, enjoy." ani Quir at tumungo naman sa ibang table.

Natapos ang gabi ng masaya. Ang sweet ng parents ni Quir. Nag enjoy kaming lahat. Medyo okay na sila Charlie at Jhen. M.U. na to hahaha. Kami ni Pio? Ayun nagplano kami na mamasyal ulit doon sa Park na pinuntahan namin nung first date namin pero this time ay kasama na ang barkada.

Hinatid na ako ni Pio at nagpaalam na. Si mom at kanina pa nauna dahil may kailangan pa siyang tapusin na trabaho.

"I'll text you later Love. I love you." Aniya at niyakap ako.

"Okay. I love you too. Mag ingat ka sa pag d-drive."

"Yes boss!" Aniya at nag salute pa.

xx
A/N: Vote and comment. XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon