Chapter 27

80 6 0
                                    

"Good morning anak.. May sakit ka daw?" Bungad ni mommy pagkapasok sa kwarto ko.

"Good morning My. Pagod lang po siguro 'to.." Nanghihina kong sabi.

"Namumutla ka anak. Kaya mo bang bumangon? Or you want breakfast ni bed?"

"No need My. Sa baba nalang po ako kakain. Shower po muna ako." Tumayo ako at bumeso kay mommy.

Papunta na sana ako sa cr para mag shower ng maalala ko yung passport at yung ticket na nakita ko kagabi.

"Nakita mo na?" Tanong ni mommy.

"Yeah. I saw it yesterday. Para saan po yung plane tickets?" Takang tanung ko.

"We'll be going back to the Philippines." Nakangiting sabi ni mom.

"But why?" Naguguluhang tanung ko.

"Hindi pa sinasabi ng tito Alex mo anak. Pero kailangan na daw nya tayong makausap as soon as posible. Para daw 'yon sa company ng Daddy mo." Hindi maitago ng puso ko ang halo-halong emosiyon. Nervous, Fear, and Excitement. Hindi ko alam kung bakit pero 'yan ang nararamdaman ko.

Umalis na si Mommy sa kwarto ko at dumeretso na sa baba para magprepare ng breakfast. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para sumabay sa kanila sa pagkain.

"Good morning tita and tito. Oh! Where's Mira?" Tanong ko ng mapansing wala ang pinsan ko sa hapag.

"Don't mind your hard headed cousin, Lady. Take a seat now and eat your breakfast." Umiiling na sabi ni Uncle John. Asawa sya ng kapatid ni Mommy na si tita Des.

Natawa naman ng bahagya si tita at mommy sa reaksyon ni Uncle John.

"Hay nako, hija. Yung pasaway mong pinsan tinatamad nanaman bumangon. Inaantok pa daw sya. Ano bang nangyari kagabi? Maaga naman kayong umuwi hindi ba?" Litanya ni tita Des.

"Hindi naman po kami nag party kagabi tita. Pero may mga sini-serve na alcohol drinks. Baka po naka inom? Pero hindi naman po sya lasing nung umuwi kami eh."

"Anak hindi ba't may sakit ka? Baka nahawa naman si Almira sa'yo?"Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy. Oo nga pala! Baliw talaga si Mira. Yumakap yakap ba naman bago pumasok sa kwarto nya. Ayan tuloy.

Kahit bully yung pinsan ko na yun ay super sweet naman. She treated me as her elder sister. Mas matanda kasi ako sakanya ng ilang taon. Feeling baby yun kapag naglalambing eh. Nagkasakit tuloy.

"Baka nga po? Puntahan ko po muna tita, ako na magdadala ng breakfast."

"Mahirap pakainin yung pinsan mo kapag may sakit hija. Sigurado ka ba?" Ani tita Des.

"Yes tita. Kaya ko na po." Pumunta ako sa kitchen at pinaghanda na ng breakfast si Almira.

Dumeretso na ako sa kwarto ni Mira na nasa tapat lang ng kwarto ko. Kumatok ako pero walang sumagot kaya binuksan ko nalang yung pinto. Sakto naman hindi nya ata nai-lock.

"Baby Mira.." Natatawa kong sabi habang ginigising sya.

"Hmmm.." ungol nya lang. Umikot sya patalikod sa akin. Tamad na tamad talaga 'tong bumangon. Buti wala kaming work ngayon dahil katatapos lang ng fasion show kagabi.

"Wake up cous! Tanghali na!" Kiniliti ko sya pero umungol lang din at nagtago lalo sa ilalim ng comforter.

"Inaantok pa ako.."

"You need to eat breakfast Mira. Lalo kang manghihina nyan." Pagpipilit ko pa.

"I don't want to eat breakfast cous. Inaantok pa talaga ako." Nakapikit na sabi ni Almira.

"Ayaw mo talaga?" Nakangising sabi ko habang tumatango tango pa.

"Ayaw- Ouch! Ah! Alis! Aina Georgina!" Sigaw nya ng dinaganan ko sya sa kama nya. Napabangon naman sya agad.

"Ang bigat mo!" Inis nyang sabi habang tumatawa ako at nakahiga sa dulo ng kama nya.

"Oh! Kumain kana.." inabot ko sa kanya yung pagkain at kinain nya naman. Nagdala na rin ako ng gamot para gumaan pakiramdam niya

"Thanks cous. Did you take your meds on time?" Aniya pagkatapos kumain.

"Yes Doc." Nagsalute pa ako na ikinatawa naming dalawa.

Pagkatapos ay nanuod nalang kami ng kung ano anong palabas sa T. V. hanggang sa magsawa kami at hindi na namin namalayan na lunch na. Kung hindi pa kami tinawag ni Mommy.

Bumaba kaming dalawa habang tumatawa dahil kay Mr. Bean. Hahaha. For goodness sake, I'm 23 and She's 21 years old! Tapos Mr. Bean pinanuod namin? The hell. Hahaha.

"Hmm." Pagpukaw ni Uncle John samin habang bumababa ng hagdan. Nagtatawanan padin kasi kami.

"Your tita Emily will have an announcement.. take your seat.." Pagpapaliwanag ni Uncle kay Almira.

Tumingin naman sa akin si Mira na parang nagtatanong kung ano yung announcement ni Mommy. Nagkibit balikat nalang ako at umupo sa tabi ni Mommy na kaharap ng inuupuan ni Almira.

"We're going back to the Philippines. Tomorrow. First thing in the morning...-"

"WHAT?!" Halos pasigaw naming sabi ni Mira.

"My? Akala ko.." Naguguluhang sabi ko. Hindi ko kasi alam na bukas na pala agad yun.

"I'm sorry anak. Minamadali na tayo ng Tito Alex mo."

"Can I come tita? Manghihingi po muna kami ng vacation leave! Diba cous?" Aniya at nagpuppy eyes pa. Nagpapaawa sya ngayon sa parents nya hahaha. Baliw talaga.

"Ah.. eh.." Pinandilatan naman agad nya ako ng mata.

"Oo nga, My. Uncle? Tita? Please allow this little girl to come with us?" Natatawa kong paalam kila tita dahil bigla nalang naninipa si Mira sa ilalim ng dining table.

"May magagawa pa ba ako?" Uncle John sighed. Suko na agad haha. Hindi talaga sya maka hindi kapag nagsama kami ni Mira. Napapatagalog sya ng wala sa oras pagdating sa kakulitan namin. Hahaha.

"YESSS!" sigaw naming dalawa at nag apir pa.

"Basta bawal ang makulit. Sumunod ka sa tita Emily mo." Pagpapaalala ni tita Des.

"Mabait naman ako mom. Right tita?" Naf beautiful eyes naman sya ngayon. May sapak na ata talaga 'tong pinsan ko.

"Oh, sya sige. Oo na. Pagkatapos kumain ay mag ayos na kayo ng gamit ha."

"Yes ma'am!" Natawa naman sila Mommy dahil sa ka-hyper-an namin.

Pagkatapos kumain ay nagligpit na ako ng mga gamit na dadalhin ko. Pagbukas ko ng drawer sa gilid ng kama ko may nakita akong isang kilay green na box. May mukha ko pa.

"For my Princess" Mas lalo naman akong naintriga kaya walang sabi sabing binuksan ko ito.

Nakita ko ang isang heart shaped na kwintas at isang sing sing. Kinuha ko 'yon at tinitigan ng mabuti. May nakita akong naka-ukit na numero doon sa sing sing.

"January 28." Basa ko sa nakasulat. Hindi ko alam kung bakit. Pero bumilis yung tibok ng puso ko.

xx

A/N: Do you think her heart still remembers her love for someone who gave that promise ring to her? Vote and comment loves! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon