Chapter 4

232 9 3
                                    


Bigla nalang bumulagta yung lalaking nanghila sa akin kanina. Pio's here.

"PIO! What a pleasant surprise!" Nakangisi ang lalaki habang tumatayo mula sa pagkakabagsak dahil sa suntok ni Pio.

"Fuck you Janus!" Sinugod siya ni Pio at pinaibabawan. Maraming suntok at sipa ang pinakawalan niya. May dugo na ang mukha ng lalaki. Nakakatakot.

"Aaaaaahhhhh!" Kasabay ng pagsigaw niya ang huling napaka lakas na suntok na pinakawalan niya. Nawalan na ng malay ang lalaki.

Agad na tumayo si Pio at lumapit sa akin para tanggalin ang busal sa bibig ko at ang tali sa kamay ko.

"God! Aina! What happened? May ginawa ba siyang masama sayo? GOD DAMN IT! sorry hindi agad kita nahanap-" niyakap ko siya ng mahigpit at saka humagugol.

"Thank you Pio..."  hinigpitan niya pa lalo yung yakap niya sa akin. I felt secured. Thanks to Pio.

"Shhh. Stop crying. Im always here to protect you. I.. I love you Ai..." Oh my gosh. Mag coconfess na ba talaga siya? Oo alam ko, sinabi sa akin ni Jhen na may gusto daw si Pio sakin pero hindi ko naman alam na totoo pala.

"Oo gangster ako pero di naman ako bato. Di ko alam kung paano lumambot ng ganito yung puso ko pag dating sayo. You're my weakness. Di ko nga alam kung kelan nagsimula to pero pag gising ko isang araw gusto na kitang protektahan. Ayaw na ayaw kong may ibang lalaking dumidikit sayo.-"

"So..-"

"Yes Aina. Tama kayo. Sakin galing yung rule na walang dapat makipag kaibigan sa inyo na lalaki. Dinamay ko lang si Jhen para hindi mo mahalata. Ang barkada lang ang nakakaalam tungkol dun. I'm sorry. Di ko rin alam kung saan ako humugot nang lakas para sabihin sayo to...."

"Nung sinabi sa amin ni Jhen na bigla kang nawala sa likod niya ay tumakbo agad ako para hanapin ka. Alalang alala aki sayo ni hindi ko na nga hinintay sila Jaz na matapos sa mga  kalaban nila. Pakiramdam ko hindi ako makahinga habang iniisip na baka napahamak ka. Hindi ko kaya Ai, mapapatay ko siguro kung sino man ang gagawa sayo ng masama. Muntik kana dun.. I'm sorry. Nadamay ka.." hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko na wala paring tigil.

"S-sino ba sila Pio? Sino siya?" Tinuro ko yung lalaking wala paring malay na nakabulagta sa sahig.

"Sila yung kaaway naming grupo na taga ibang school. Si Janus yan kapatid ni Arkin yung lider ng grupo nila." Aniya.

"Arkin? Yung pangalan na narinig ko noong tumawag si Jaz.. nakipag away nanaman kayo.."

"Yung tumawag kay Charles kanina habang nasa caf tayo, sila yun. Sinabi ni Charles na natipuhan ka daw ni Arkin. At may binabalak silang masama sayo. Nakipag kita sila sa amin. Kung sino ang matatalo ay lalayo sayo pero hindi namin alam na may patalim silang dala at higit sa lahat ay may nagaabang sa iyo dito. I'm sorry Aina. I'm so sorry." Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko.

"No Pio. Thank you. Thank you dahil dumating ka. Thank you dahil iniligtas mo ako. Thank you dahil kung hindi ka dumating ay baka may nangyari ng masama sa akin.." niyakap niya ako ulit.

"Hep hep hep! Tsansing kana ata ah?" Nagkatinginan kami at sabay kaming natawa. Its feels good. Para akong nakayakap sa malaking teddy bear na may muscles hahaha. Nakakagaan ng loob.

"Ai.. pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at tumingin sakanya. Napaka seryoso niya.

"Of course ano 'yon?"

"Can you give me a chance to prove my love to you? Ahm. Can I.. can I court you? Pero di mo naman kailangan na sagutin agad ako eh. Gusto ko lang na-"

Natatawa ako sa reaction niya. Kinakabahan na ewan. After all this years na pagprotekta niya at pagpaparamdam na espesyal ako ay ramdam ko na sincere siya, kaya bakit naman hindi ko siya pagbibigyan? After ng pagligtas at pag amin niya sa feelings niya?

"Are you willing to wait?" Tumango naman siya.

"Then its a Yes. Yes, you can." Nakangiti kong sagot. Lahat ng inis ko sa kanya ay nawala sa isang iglap. Nakita ko lang ang good side niya.

Dati ay ayaw na ayaw ko sa kanya dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi ang makipag basag ulo, makipag yabangan, at mambully ng mga estudyante. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala siyang side.

"YESSSS! WHOOOOO!! thank you Aina! Oh god! Thank you!" Napayakap nanaman siya sakin. Aba't sobra na ha!  Mukhang masaya siya no? Hahaha.

"Ahm. Pwede na ba tayo umalis? Medyo nakakatakot dito eh? Ano na mangyayari dyan sa lalaking yan?" Baka kasi may mga dumating pang ibang tao dito na kasamahan nung Janus na yun eh.

"Pinatawag ko na ng mga pulis sila Jaz. Tara na. Nasaan yung gamit mo?" Tanong niya. Oo nga 'no? Naiwan ko pala yung gamit ko sa locker kakamadali.

"Nasa locker pa eh. Yaan mo na pwede naman bukas nalang. Hindi ba natin pupuntahan sila Jaz doon?" napatingin siya saakin.

"Kaya na nila yon. Ihahatid nalang muna kita sa bahay niyo.-"

"May klase pa ako!" Singhal ko sa kanya.

"Ehh. Fine. Hihintayin kita sa harap ng room niyo." Aniya.

"At bakit? Wala ka bang klase?" I raised an eyebrow at him.

"W-wala na." Eh bakit nauutal siya?

"Pio?" Pagbabanta ko.

"Okay fine. Meron pa nga. Pero nagaalala ako sayo Ai. Hayaan mo muna ako ngayon sa gagawin ko. Please Ai?" He pouted his lips. Cute.

"Ang pangit mo magpa cute! Tara na! Male late na ako!" Tumakbo na ako papunta sa school. Masyadong mainit ang panahon at halos nakakasunog na ng balat.

"Hahaha. ikaw talaga Ai! Hintayin mo ako. Wag ka magpainit dyan, may payong ako oh!" Huminto naman agad ako. Hahaha. Mainit kaya no!

"Dalian mo Piolo Pascual! Ang init!" Bulyaw ko sa kanya na nagpakunot ng noo nya hahahaha.

"Oh! Ito na! Dont call me Piolo Pascual again Aina. Alam mo namang-"

"Naiinis ka? Hahaha! Okay. Tara na Pio!" Sinabayan nya ako sa paglalakad at pinayungan niya ako.

xx

AN: Hello there! Sana kinilig kayo dito hahaha. Hindi ako expert sorry na. Enjoy reading! XOXO

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon