Chapter 18

116 6 0
                                    

Today's Kuya Ryan's graduation day.

Nandito kaming lahat sa bahay dahil nagpahanda si Mom. Kahapon ay graduation din nila Pio kaya lumabas kaming barkada. Doon kami sa park na lagi naming pinupuntahan para mag picnic at kung ano ano pa. Di ako makapaniwala na grumaduate sila haha. Mga basagulero at mga pasaway na gangster ba naman eh. Magcocollege na sila next year at kami naman ang ga-graduate ni Jhen.

"Kamusta namam yung little sister ko?" Ani kuya na nasa likod na pala namin ni Pio.

Nakaupo kami ngayon dito sa sofa sa loob ng entertainment room kasama sila Jaz at nagmo-movie marathon. Masyado kasing maraming tao sa labas dahil may mga ka-batch si kuya na imbitado rin.

"Kuya! Congrats!" Tumayo ako at niyakap sya. Ganun din ang ginawa ni nila Jaz at ang huling tumayo ay si Pio.

"Congrats bro! Magna! Magshare ka naman ng talino mo!" Biro ni Pio.

"Kung pwede lang magshare eh haha. Salamat bro. Yung bilin ko ah? Di ko na mababantayan 'tong prinsesa. At yung mga sinabi ko sayo!-"

"Ano yan ha?" Singit ko sa usapan. Tinakpan ni Pio yung tenga ko at saka nagsalita si kuya habang tumatawa.

"Don't worry bro. Ako ang nag iisang knight in shining armor nitong mahal na prinsesa." Nag high five pa sila. Mga baliw talaga.

"Ewan ko sa inyo!-"

"Haaaay! Ano ba yan! Bakit ang iingay nyo? May natutulog dito eh!" Nakabusangot na sabi ni jhen na kagigising lang.

"Pft! HAHAHAHA!" Sabay sabay na tawa namin na lalong nagpasimangot kay jhen.

Kinagabihan ay sabay sabay kaming nagdinner kasama parin ang barkada. Napuno ng tawanan at halakhakan ang hapag sa tuwing nag aasaran sina Jhen at Charlie. Boto naman daw si Jaz kay Charlie sabi niya nung tinanong ko sya kanina. Si Charles? As usual seryoso parin pero tumatawa din naman sya minsan. Si Pio? Ito at lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko. Balak akong patabain nito eh.

"Hey Love. Tama na. Ikaw kaya ang kumain ng marami, puro ka work out eh. Payatot kana oh!" Natatawa kong sabi na ikinasimangot naman niya.

"Anong payat? Tita payatot po ba ako?" Baling nya kay mom at pinakita pa yung muscles nya sa braso. Aba!

"Hindi naman gaano." Natatawang sagot ni mom habang napapailing dahil sa kakulitan ni Pio.

"You see? Sabi ko sayo love eh. Ikaw kaya ang taba na ng pisngi mo!" Ako naman ang napasimangot ngayon.

"Nakakainis ka!" Hinampas ko sya sa braso na ikinatawa naman nya. Asar.

"Magda-diet na talaga ako! Akala mo ah!" Inis na sabi ko.

"Hala ka! Ginalit mo si Georgina! Lagot ka Piolo Pascual!" Mapang asar na sabi ni Jhen.

"OREO!!" sabay na sigaw namin kay Jhen.

"Hahaha. Tama na. Kumain na muna at nang maka-uwi na kayo dahil gabi na." Ani mom.

"Aye aye tita!" Sabay na sabi nila Pio , Jaz , Charlie at Jhen na ikinatawa ulit ni Mom.

"Excuse me." Napatingin kaming lahat kay Charles na tumayo at sumagot ng tawag.

Bumalik sya ng nakakunot ang noo at lumapit kay jaz. Napakunot din ang noo ni Jaz dahil sa binulong ni Charles. What the f! Ano bang nangyayari?

"Tita pwede bang dito muna si Jhen? Wala po kasi sila Mom sa bahay eh. May pupuntahan pa po kami." Pagpapaalam ni Jaz kay Mom.

"Oo naman hijo. Teka nga, saan ba kayo pupunta? Gabi na ah." Ani mom.

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon