Prologue

633 14 0
                                    


Amnesia. Isa sa pinaka nakakainis na sakit na kahit kailan ay ayokong ma-encounter.

Pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko lang basta na encounter ang sakit na iyon dahil sa kasamaang palad ay nagkaroon ako nito. Anong magagawa ko? Di ko naman kayang pigilan ang pagkakaroon noon.

Paano nalang yung mga kaibigan at ang pamilya ko? Iniisip ko palang na hindi ko sila kilala parang imposible na. Pero wala naman akong magagawa eh.

Paano nalang kung may mga bagay na dapat ay ginawa ko pero hindi ko nagawa? Paano nalang kung may mga taong kailangan kong layuan at iwasan? Paano ko malalaman kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan? Kung nikatiting sa nakaraan ay wala akong matandaan.

I'm Aina Georgina Fulgar, have forgotten memories.

Aina's Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon