Chapter 47 - test..

Start from the beginning
                                    

Natawa siya.. totoo naman eh.. simula ng magkasama sila ng anak nya, hindi na ko napansin ni Kirsten.. kumbaga ba sa manliligaw, ini-snob na ko.. outcast lang ang peg ko..

“mahal naman kita, mama eh.. kaso lang mas mahal ko ang anak ko..”

I pouted my lips.. “oo na.. obvious naman eh..”

Nagsalubong ang kilay nya.. “diba sabi ko sayo, wag kang magpo-pout ng lips?”

Pinout ko pa ng mas mabuti ung lips ko saka ako humarap sa kanya.. “at bakit?”

“bakit? Kasi may punishment yan.. and i know that hindi mo gugustuhin un..”

Napatawa ako.. “anong hindi? Sino may sabi?” sabay dila ko..

“aaahhhh! Ganun ah.. gusto pala ng round two ah..”

Hihirit pa sana ako ng bigla nya kong sinunggaban ng halik at napatawa na lang ako.. alam ko naman ung tungkol sa punishment na un, pero nag-mamaang maangan lang ako.. this past days, parang naaadik na ko dun sa mga halik nya.. parang kahit kumain pa siya ng kumain ng sibuyas at bawang, ok lang kasi halik naman nya un..

Adik na yata ako.. >_<

----------------

“hija! Kanina ka pa hinihintay ni Lola sa room nya! Naku! Bakit ba kasi kayo na-late na mag-asawa?”

Un kaagad ang sinalubong sa amin ni mommy Sandra pagkapasok pa lang namin sa bahay nila.. sumunod naman ang anak ko sa pagpasok at diretso kaagad sila ng ate Kayela nya sa play room na nandun.. nasa bahay na nga pala nakatira si Kayela, at tabi pa sila matulog ng anak ko.. parang ate talaga si Kaye at bunso naman si Kirsten kung magturingan ang dalawa..

At masasabi kong maswerte talaga ako sa mga anak ko.. :D

“na-traffic po kasi kami, ma..” sabi ko..

“o sige na.. dali na! I-fit mo na ung nandun..”

“i-fit po? Ang alin?”

“basta.. pumunta ka na dun.. dali na! Galit na si Lola..”

Nagmadali naman ako kaagad nun pagkasabi na nagagalit na daw si Lola.. may phobia na kasi ako pag si Lola na ang sinabing topic.. natakot na ko kapag magagalit si Lola..

Pumunta naman ako kaagad sa kwarto nya at agad na kumatok.. binuksan na iyon ng isang bakla at hinatak na ako kaagad papasok sa loob.. nakita ko naman si Lola na inaayusan ng isang ang bading dun sa may vanity table nya at nang makita ako, ngumiti siya sa akin at kinawayan ako..

“paupuin mo na yan, Jera.. ayusan mo na siya.. the party will start by 7..”

Pinaupo naman ako bigla nung bading at inalis na ung pigtails ko.. inalis din nila ung salamin ko sa mata at ung pearl earings ko.. hinarap ko si Lola.. “lola.. aayusan, ako? Para saan? Tapos what party? Parang hindi ko yata un nabalitaan?”

Napahinto siya sa pagkutkot ng daliri nya.. “hindi mo alam? Hindi ba sinabi sayo ni J.P?”

“ang alin po ba lola?”

False AlarmWhere stories live. Discover now