"Ms. DEMI!" Mukhang nagagalit na rin ang bruha.

"Ma'am let the HR department handle her misconduct. Everyone has the right to explain himself. And you know what Mrs. Sawako? She can file you for kicking her and she have witnesses." Tumingin ako sa paligid ko na gulat na gulat sa mga pangyayari. "Maybe we can get this over and move on to our round Ma'am." Nginitian ko siya.

"Let's go!" Parang walang nangyari at naglakad na lang siya papuntang elevator. Narinig ko ang malalalim na pag hinga ng mga staff na nanunuod.

Maski si Yina nakahinga rin ng maluwag. "T-thank you Ms. Demi."

"You don't have to. I'm going to report this to the HR department. You're still going."

Tumango lang siya at hindi ko nakita ang pag-aalala sa kaniya.

Samatalang yung ibang mga staff hindi pa rin bumabalik sa trabaho nila. Aba't nag-enjoy sa little show ni Mrs. Sawako.

"All of you, get back to work!" Nasigawan ko sila kahit na ba Accounting and Finance department sila. Kilala naman nila ako, at alam nilang ako ang Reyna ng kasungitan sa company na ito.



<3



Naka-uwi rin ako ng matiwasay. Nakakapagod lalo na't napag-iinitan na rin ako ni Mrs. Sawako. Buti na lang dumalaw lang siya sa company at hindi magi-stay doon forever kung hindi, magre-resign ako.

Napaupo ako sa sofa. Wala pa si Mama. Dito na lang muna ako magpapahinga.

"DEMITRIA!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Kakahiga ko pa lang may sumisigaw na sa pangalan ko at kumakatok ng pagkalakas-lakas sa gate namin.

Kaagad akong sumilip sa bintana.

"DEMING! PAGBUKSAN MO KAMI! DALI!"

I closed my eyes in frustration. Seriously? I forgot about them. Mga walang paramdam tapos sa isang idlap nandito na naman sila?

Pinagbuksan ko pa rin sila ng pinto. Okay, I admit, I missed them. "Beatris, Edwin! Himala at nagawa niyo pa akong dalawin."

Kaagad akong niyakap ni Beatris. Napakahigpit na parang masisira ang ribcage ko. "Deming!"

"Stop calling me 'deming' and...huh.. I can't...br..eath."

"AW! SORRY SORRY!"

Kahit kailan talaga ang lakas ng boses ni Beatris. "Hinaan mo naman ang boses mo pwede? Tara na't pumasok sa bahay." Niyaya ko sila papasok.

Both Beatris and Edwin are my bestfriends. We've been friends since we first use diapers. Ganun katagal. Beatris is my cousin and Edwin's family are closest to us.

"DEMI HINDI MO MAN LANG KAMI BINALITAAN TUNGKOL SA KASAL MO."

"Yan ba ang pinunta niyo dito? Well, gumaganti lang ako."

Gumaganti ako kasi bigla na lang silang nagtanan noong collage kami at nagpunta sa America ng hindi ko man lang nalalaman. Talk about bestfriend huh!

"Demi naman. Alam mo namang ayaw ka naming madamay pa. Siguradong ikaw ang mapapagalitan kung sinabi namin." Ngayon nagsalita na rin si Edwin. Buti pa itong lalaking ito malumanay kesa sa asawa niyang si Beatris.

"Pero bestfriend niyo ako!" Tampo-tampo effect ako. Nagagawa ko sa kanila yung ganito kasi inii-spoiled talaga nila ako. Pareho silang mayaman kaya parang sabit lang ako sa aming tatlo. Lagi nilang libre. Tapos ng naging sila, ginawa naman nila akong anak-anakan.

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon