18. Plaza Independencia!

Start from the beginning
                                    

"Look what have you done. Inilayo ko nga si Khalil para matigil na ang mga pang aalipusta sa kanya ng mga taong malalapit sayo. Pero pinagpilitan mo pa din ang sarili mo. At ano ngayon? Si Khalil pa ang masama?" galit na sabi ni Cross.

"Ginawa ko lang ang alam kong tama,ang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya! I can give up everything for him! Ganun ko sya kamahal." sagot ni Flexter.

"Yeah,nagawa mo nga igive up ang career mo,lalo naman nasira si Khalil,ganyan ba ang sinasabi mong pagmamahal?" muling sabi ni Cross.

"Uhm,teka! Huwag kayong magsagutan ng ganyan dito. Mahiya kayo sa mga magulang ni Khalil." pag awat ni Crayon sa dalawa.

"Tumigil kayong dalawa,umisip na lamang tayo ng solusyon. Huwag kayong mag away." ang pag sabat ko na rin.

"What do you know about love? Hindi ba't lagi mong binabara at pinapasama ang loob ni Khalil noon? And now youre acting as if youre his love sick boyfriend?" ang parang walang narinig na sabi ni Flexter.

"And you were saying? Ikaw din naman diba? But let me remind you Flexter. Mas mahal ko si Khalil kesa sa binibigay mong pagmamahal sa kanya. At sisiguraduhin kong hindi mo na sya masasaktan at hindi mo na sya pwedeng ariin pa." galit na sabi ni Cross. Natulala si Flexter,ako naman ay gustong magsalita pero parang walang boses na lumalabas.

"You what? Mahal mo din sya? Akala ko kaya mo ginagawa ang lahat ng ito ay dahil gusto mo lamang magpasikat."

"Hindi ko gawaing magpasikat gaya mo. At uulitin ko,hindi mo na pwedeng ariin si Khalil."

"Youre too late. Tapos ko na syang ariin. Walang patutunguhan ang pag uusap na ito. Magpapahinga na ako." lumapit si Flexter at hinalikan ako sa labi bago tinungo ang kwarto nila. Nang ibalik ko ang tingin kina Cross at Crayon,nagtatanong ang mga mata nila. Napayuko ako.

"Fuck!" ang bulalas ni Cross saka walang pasabing lumabas ng bahay. Hahabulin ko sana sya pero pinigilan ako ni Crayon.

Flexter,bakit kailangan mo iyong sabihin? Nasasaktan ako dahil nasaktan ko si Cross.

"Hayaan mo muna. Nagulat lang yon. Maski naman ako nagulat eh. Ang sakit pala sa dibdib." nakangiti ngunit malungkot na sabi ni Crayon. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako na may mga nasasaktan na ako.

"Im sorry." nakayuko kong sabi. Inalalayan ako ni Crayon na maupo ulit.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry. Alam naman naming lahat kung gaano mo kamahal si Flexter,kaya ibinigay mo ang sarili mo sa kanya. Pero sadyang masakit lang pala talaga,lalo na siguro kay Cross."

"Naguguluhan na ako Crayon. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin,at kung ano ang dapat kong maramdaman." ang pag amin ko. Ewan ko,kailangan ko lang siguro talaga ng mapapag sabihan,ang bigat na kasi sa dibdib.

"Kung mahal mo talaga si Flexter,edi sya. Wala naman na kaming magagawa dun." ang buong pag unawang sabi ni Crayon. Napatingin ako sa kanya. Kung sana ganun lang kadali,pero kasi may pumipigil sa akin.

"Mahal ko si Flexter. Walang duda yon. Pero kasi..."

"Mahal mo na din si Cross kaya hindi ka agad makapag desisyon?" ani Crayon. Napa yuko na lamang ako tanda ng pag amin. Yun nga siguro ang nararamdaman ko kay Cross. Linsyak naman kasing puso to eh,bakit dalawa ang minahal?

"Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganito,ayoko ng may nasasaktan ako. Ikaw,si Cross,si Flexter. Bakit kasi ako pa ang minahal nyo? Sana iba na lang." at pumatak na ang mga luha ko.

"Sshhh huwag kang umiyak." alo ni Crayon at niyakap ako. "Ako,huwag mong alalahanin,hindi na mahalaga kung nasasaktan ako,matagal ko ng tinanggap na talo ako,kaya kong magparaya para sa taong alam kong dun ka liligaya,ganon kita kamahal,kaya kong indahin ang lahat. At huwag kang magtanong kung bakit ikaw ang minahal namin,lahat kami ay may nakita sayo na hindi nakikita ng iba. Sa totoo lang,tulad nila,ngayon lang din ako nagmahal ng kapwa lalaki,masarap pala pero masakit. Alam mo kung ano ang dapat mong gawin? Magpahinga ka,saka mo timbangin kung sino nga ba ang mas lamang sa puso mo. Si Cross o si Flexter." mahabang dagdag ni Crayon. Lalo akong naiyak,hindi ko kasi naisip na may mga tulad niya,ni Cross at Flexter na kayang mag risk para sa isang tulad ko.

"Pwede ba kaming mag usap Crayon?" boses iyon ni Cross. Nilingon namin sya,nasa pintuan sya.

"Syempre naman tol! O sya,matutulog na din ako,may papatayin pa ako sa kwarto!" tumatawang sabi ni Crayon ng tumayo.

"Crayon!" suway ko dito at pinanlakihan ng mga mata.

"Hahaha! Sige,mag usap na kayo dyan." at umalis na nga ito't tinungo ang kwarto nila.

"Mamasyal tayo dun sa plaza independencia. Dun tayo mag usap." ani Cross. Tumayo ako at lumapit na sa kanya.

Nang makarating sa plaza independencia ay parang nawala ang mga iniisip ko dahil sa pagkamangha. Mas maganda pala ito pag gabi. Madaming tao pero hindi mo mapapansin dahil nakakalat,sobrang laki naman kasi ng plaza na ito. Naghanap kami ng pwesto ni Cross kung saan walang makakapansin sa amin.

Pagka upo namin sa lilim ng isang puno ay may napansin akong dalawang gwapong lalaki na medyo malapit sa amin,magkahawak kamay at nagtatawanan tapos naghalikan. Napangiti ako at nakaramdam ng inggit. Kung bakit inggit,hindi ko din alam.

"Pasensya ka na sa inasta ko kanina. Hindi ko lang talaga matanggap na may iba ng naka angkin sa taong mahal ko." mababa ang tono ng boses ni Cross ng sinabi iyon. Bigla na naman kumabog ang dibdib ko.

"Ako nga dapat ang humingi ng sorry dahil nasaktan kita. Saka kasi,ng mga panahong iyon,sobrang lunod na lunod ako kay Flexter,kaya ibinigay ko ang sarili ko." ang nakayuko kong sabi dahil nahihiya ako,hindi ako kumportable na pinag uusapan ang ganito kaselang bagay.

"Pero alam mo Khalil. Kahit sya ang naka una sayo. Hindi ako susuko,hindi naman sa sex nasusukat ang pagmamahal ko sayo. Its beyond what you can imagine. I love you with every fiber in my being,ikaw ang dahilan ng bawat pagtibok nito,at ikaw lang din ang may karapatang magpatigil sa tibok nyan." kinuha nya ang kanang kamay ko at itinapat sa puso nya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso gaya sa akin.

"H-hindi ko alam ang sasabihin ko." ang tangi ko lamang nasabi. Gusto kong magsabi ng mga ikakagaan ng kalooban nya pero hindi ko alam kung masasabi ko ba ito ng tama.

"Sabi ko naman sayo,nung una palang hindi mo kailangang sumagot. Halika nga dito." naka ngiti nyang sabi at hinigit ako palapit sa kanya,ipinulupot nya ang kamay nya sa bewang ko at ihinilig nya ang ulo ko sa dibdib nya. Dinig na dinig ko ang mabilis na pag pintig ng puso nya. Pumikit ako,nakaramdam ako ng kapayapaan at seguridad tulad nung nasa barko pa kami. Matagal kaming nanahimik at nanatili sa ganung pwesto,nagpapakiramdaman.

Biglang may pumasok sa isip ko. Bahala na kung may mga magalit,pero ito ang naisip kong paraan para pagaanin ang loob nya. Para hindi nya maramdamang talo sya. Alam kong magmumukha akong cheap,pero ito lang ang naisip ko.

"Cross?..."

"Hmmn?"

"Okay lang sa akin,kung gusto mo din akong angkinin ngayon."

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now