Chapter One

11.5K 130 9

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

2014, Starine

Just another feel-good story. ;)

CHAPTER ONE
Really

"Natalie Paaaaaz!!"

Napatayo agad ako sa kama ko.

"Ha? Bakit?! Ano yun?!" Nagpapanic kong tanong.

"May na-getlak na moi boylet as your 5th blind date!" ngiting ngiti at excited na sabi ni Yas.

Ang kaninang gising na gising na mata ko ay pumikit na nang biglaan. "Leche ka, Yasmine! Pwede namang mamaya na lang sabihin diba?"

"Hello?! Your date can't wait! I need to fix you pa. Oh my." Naramdaman kong hinawakan niya ang strands ng buhok ko. "Your hair, nightmare!!! Ginagamit mo ba yung conditioner na binigay ko? Girl, ano ka ba! Wakey."

Kinapa ko yung throw pillow ko at naimulat ang isa kong mata para ibato ito sa mukha niya.

"Can't you shut up, Yas? Please lang, 5am pa lang ng umaga. Ano ka ba."

"A beauty?" sabi niya na may tonong hello-ako-si-Yasmine-Andrada-maganda.

"Get out!" At nagtalukbong na ako ng kumot.

Hi guys, ako nga pala si Natalie. Feeling ko kilala niyo na ako dahil sa pambungad pa lang ng maarte kong bestfriend na si Yas. Wag kayong magulat, loka talaga yan. May isa nga lang yang pinagkaiba sa fashion-addicts. Nerdy-type talaga ang facade niya, and she doesn't wear what she buys. Her designer clothes, expensive perfumes, stillettos and sparkling jewelries? Yeah, nakatabi lang sa walk-in closet niya. At ang rason? "Ipapamana ko yan sa aking beautiful daughter." Good luck, Yas, kung maging lalaki ang anak mo.

And if it isn't obvious already they're obssess with me having a boyfriend. Yes, Yas, Ran, and my goofy family.

Lahat kasi sa pamilya namin ay may partners na, and I'm telling you they're more than lucky than a leprechaun about their partners. Eh ako wala pa, kaya siguro pinipressure nila ako. But I don't take it as a big deal. Kasi kung wala ako edi wala diba? Sundan na lang ang trip nila. It's actually fun, too. Nalilibre ng pagkain sa date-kuno eh. Haha!

-

07:05 AM

"Aray naman, Yas!"

"You won't have to get hurt if you don't do that unnecessary movements. Agh."

Inaayusan na naman ako ni Yas ngayon ng buhok. May blind date nga later diba? So eto, I have to be like her mannequin or doll or something. Naisip kong magsumbong sa nanay ko tungkol dito pero kasama nga pala siya sa nagplot ng "Operation: Find Natalie a Boyfriend"

*You make me glow, but I cover up won't let it show...*

"Uy! Ran is calling na!" sinagot niya ang phone niya. Oh yeah, makakahinga na ang buhok ko.

"He's downstairs. And he's got new clothes for youuu!" Excited niyang sabi. Hay. Ito talagang babaeng 'to. Pwede namang sarili niya ang pagtripan diba?

Kilala nyo ba si Effie Trinket ng Hunger Games? Yun, ganun! Parang ganun ang ugali ni Yas. Hahaha. Excluding Effie's fashion, of course.

"Oh, no. Not the dress!"

The Exes ClubBasahin ang storyang ito ng LIBRE!