Chapter 45 - getting back together?

Magsimula sa umpisa
                                    

sabay turo nya sa chocolates na hawak nya.. tumango na lang ako at tsaka tinignan ko kung paano kainin un ng anak ko.. iniisip ko pa kung may binili ba kong chocolates nung nakaraang pamamalengke ko, at meron nga kong nabili nun pero bakit napunta sa may table? At ung mga bulaklak naman, hindi ako bumubili ng bulaklak, pero bakit may isang bouquet ng red roses dito sa may table??

“are you sure, anak? Hindi mo alam kung saan galing to?”

“hindi po..” sabay kain nya ulit sa chocolates nya..

Tumango na lang ulit ako at tsaka tumayo na papunta ulit sa kusina.. tatanungin ko ang nanay ko kung bakit may ganung bagay sa lamesa, pero may nag-door bell kaya hindi ako nakatuloy at nagtungo na lang ako sa may pintuan..

“sino yan?”

“delivery ho, mam..”

“delivery? Ng ano ho?” sigaw ko.. hindi ko muna kasi binubuksan ung pintuan dahil delikado..

“ng tubig ho..”

Pagkasabi nya nun, binuksan ko na ung pintuan at itinuro ko ung daan patungo sa may kusina namin.. sabi ko pa na paki buhat na lang ung balde hanggang sa may kusina namin, pero hindi natitinag ung delivery boy.. tumingin tuloy ako sa kanya at nagulat pa ko dahil may dala-dala itong cake..

“ano yan?” sabi ko dun sa lalaki.. “akala ko ba tubig ang di-neliver mo?”

“opo nga po.. water.. mouth-WATERing na cake.. para sa inyo mam..”

“hala.. corny si kuya..” sabay simangot ko..

“kunin nyo na po, mam.. nangangawit na ko..”

Medyo napasimangot ulit ako sa attitude ni kuya.. para kasing agrabyado pa siya dahil sa hindi ko pa nakukuha ung dineliver nya sa akin.. pero, after naman nun, kinuha ko na din at saka umalis na si Kuya.. sinarado ko na ung pintuan at saka tutungo na sana sa kusina, nang may nag-door bell na naman.. bumalik ako at binuksan ko ulit un only to find out na nandun pa din pala si Kuya, pero may hawak na itong violin at tinutugtog na ung isa sa pinaka favourite kong kanta..

Ang ‘Ordinary song’..

nanginginig ko pang itinuro ang hawak ni kuya na violin at sinabing.. “p-para saan yan, kuya?”

Pero imbes na sagutin ako ni Kuya, lumakad siya palabas at sumenyas siya na sumunod daw ako sa kanya.. nagtataka man ako, pero sumunod din ako sa kanya and i had this feeling na may kilalaman dito ang mga kasama ko sa bahay at naeexcite ako sa nangyayari.. napapangiti ako sa bawat paglakad ko..

Nang makarating na kami sa may gate, Napahinto ako.. I was really surprised dahil ung kalsada sa labas ng bahay namin, may mga small candles na naka-form ng heart shape.. ung candles na un ay nakapaloob sa may baso – para siguro ay hindi mamatay ung sindi dun.. napatawa pa ko.. para kasing pandango sa ilaw ang peg nito..

may idea na ko kung sino ang may gawa nito, pero hindi pa din pakasiguro..

Muling bumilis ang tibok ng puso ko.. I can’t help myself but to smile wider..

“kuya, saan punta natin?”

“sunod na lang po kayo, mam..”

Dinala ako ni kuya sa may likod bahay namin.. may bakanteng lote kasi dun at alam kong madilim dun, pero nang makarating ako ay maliwanag na maliwanag pa sa sikat ng araw ang lugar na un.. may malaking ilaw sa gitna, at naiilawan nun ay ung table, candles, wine and wine glasses..

*play the background music for better reading.. at the right side*

nagulat pa ako ng dumagdag pa ang mga nagv-violin, at may nagpi-piano dun at may mga singers pa dun – na sa pagkakakilala ko ay ung mga choirs ng simbahan sa may bayan.. talaga namang hindi ko na mapigilan ung luha ko dahil sa tuwa at nagbabadya na naman ito..

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon