17. Labad sa ulo!

Start from the beginning
                                    

Matapos mananghalian ay dinala kami ni Nanay sa isang kwarto,dun daw sina Crayon,Cross at Flexter,at ako dun sa kwarto nila kasama ang dalawa kong kapatid. Pagod pa din ako at hinayaan ko na silang tatlo dun sa kwarto at dun ako sa sala nagpahinga,humiga ako sa sofa. Napapangiti ako dahil hindi napunta sa wala ang pagod ko at pagod ng mga magulang ko,ngayon ay may sarili na kaming bahay,ang sarap lang sa pakiramdam.

Nakadilat lang ako habang nakahiga,naiisip ko yung mga nangyari mula nung isang araw hanggang ngayon. Pinuntahan ako ni Flexter sa bahay at dinala sa kanila,may nangyari samin pero iniwan ko sya,pag uwi ko nalaman kong aalis kami ni Cross at dito sa Cebu pupunta,tapos ang dami nyang paglalambing sa barko,inamin nyang mahal nya ako,tapos ngayon sumunod si Flexter at Crayon. Ugh! Ka-sakit sa utok!

"Kuya Khalil!!" napabalikwas ako sa pagkakahiga ng madinig ang boses ng dalawa kong kapatid. Sinundo sila ni Nanay at si Tatay ay pumasok na sa trabaho.

"Buboy! Caloy!" agad akong tumayo at tinakbo ang pinto. Niyakap ko silang dalawa at pinaghahalikan. Hindi ko maiwasang maiyak. Miss na miss ko na sila. "Miss na miss na kayo ni Kuya. Lagi ko kayong iniisip."

"I love you kuya." ani Buboy at hinalikan ako sa pisngi. "namiss ka din namin."

"Huwag ka ng aalis kuya ah? Iiyak ulit kami at malulungkot. Mahal na mahal ka namin, diba Kuya Buboy at Nanay?" sabi naman ni Caloy. Lalo akong naiyak. Ngayon ko lang narealize na sobra na ang pagka miss ko sa kanila.

"Mahal na mahal ko din kayo. Ang gagwapo nyo sa uniform nyo ah? Nag aaral ba kayong mabuti?" ani ko at kumalas sa yakap nila at pinunas ang mga luha ko.

"Opo kuya!" ang nakangiti at sabay nilang sabi.

"O sya,Buboy,Caloy magbihis na kayo at magpapahinga muna si kuya Khalil nyo ah? Gawin nyo muna assignments nyo." ani nanay at tumakbo ang dalawa sa kwarto. Bumaling si Nanay sa akin. "Pupunta muna ako sa trabaho anak,ikaw muna bahala dito. Isara mong maigi ang mga bintana at pinto,maya't maya may mga sumisilip,kumalat na kasi na nandito si Flexter."

"Opo nay." sagot ko,humalik at yumakap muna ako bago sya umalis. Umupo ulit ako sa sofa at napaisip. Pano na ngayon? Kung gagala kami bukas,baka pagka guluhan si Flexter?

"San may palengke? Mamili tayo,ako magluluto ng dinner natin." boses ni Cross. Hindi ko man lang namalayang nasa harapan ko na.

"Yung dalawa?"

"Natutulog. Grabeng pagtitimpi at pag pipigil ang kailangan kong gawin para huwag masapak ang Flexter na iyon. Akala nya siguro,makukuha ka pa nya sa akin." nakangising sabi ni Cross.

"Haay.. Tara na nga,magtanong tayo kung san ang palengke." sabi ko na lang at hinila ko na sya palabas.

"Manang,pwede ko mangutana?" (Manang pwede po magtanong?) ani ko dun sa nakasalubong naming babae na may edad na.

"Unsa ba dai?" (ano ba dai?)

"Asa man diri ang tsangge?" (san dito ang palengke.)

"Ah! Diretsuhin nyo lang yan,tapos paglabas nyo kalsada na,yun ang T.Padilla,mulakaw lang mo ng gamay tsangge na."

"Salamat po." at yun nga. Madaming nakatingin sa amin habang naglalakad,si Cross naka akbay sa akin,at sigurado din akong namumukhaan na ako ng iba dito. Ng makarating kami sa T.Padilla Market ay agad ng namili si Cross,pinabayaan ko lang sya,natutuwa pa ang mokong at ang mura daw ng mga bilihin at sariwa pa.

Sinigang na isda ang lulutuin daw nya. Na excite ako dahil hindi ko alam na marunong pala sya magluto. Ang akala ko kasi si Aya at Japhet lang ang marunong magluto.

Pagdating namin sa bahay ay bukas ang pinto at ang daming tao.

"Naloko na!" agad akong tumakbo papasok. Pinagkakaguluhan na si Flexter. Si Crayon hindi na alam ang gagawin,pati mga kapatid ko ay naguluhan.

"Sumama sama pa kasi dito eh!" reklamo ni Crayon.

"Shut up! Inggit ka lang!" sagot ni Flexter. Si Cross dumiretso sa kusina.

"Kadyot ra! Uhm mawalang galang na po,pero kailangan namin ng privacy. Pwede nyo pong maka usap si Flexter sa ibang araw." sabi ko sa mga tao.

"Waaahh! Malipay ko! Silingan na nato si Flixter" (ang saya ko,kapitbahay na natin si Flexter.)

"Narinig nyo naman po? Kung hindi po nakaka bastos,lumabas na po kayo." segunda ni Crayon.

Mabuti at nakinig sila,pagkalabas nilang lahat ay agad kong sinara ang pinto. "Anong nangyari?"

"Hahanapin sana kita eh." sagot ni Flexter.

"Hindi mo sya kailangang hanapin,dahil ako ang kasama nya." pagsingit ni Cross.

"Wala akong tiwala sayo. Naitakas mo nga sya eh,hindi imposibleng gawin mo ulit." sabi naman ni Flexter. Parang biglang sumakit ang ulo ko.

"Mga kuya,alam naming maganda ang kuya ko,pero dapat huwag nyo syang pag awayan. Ayaw namin ng away." biglang sabat ni Buboy.

"Magagalit sina Nanay at Tatay." segunda ni Caloy. Natahimik kami. "Sino po pala kayo? Bakit nandito kayo?"

"Buboy,Caloy. Mga kaibigan ko sila sa maynila." ang nasabi ko na lang habang hinihimas ang magkabila kong sintido.

"Hello Buboy at Caloy! Ako si Kuya Crayon nyo!" magiliw na sabi ni Crayon sa mga kapatid ko. "At yung gwapo na yon gaya ko ay si kuya Cross nyo,boyfriend ni kuya Khalil nyo."

"Crayon!" gulat kong sabi.

"Kung anu-ano sinasabi mo sa bata." inis na sabi ni Flexter.

"Totoo naman kasi." sabat ni Cross. Dyosko! Kailan ba sila titigil? Parang hihimatayin na ako.

"Boyprem? May boyprem ka na kuya? Hello po kuya Cross! Boyprem ka daw ni kuya Khalil sabi ni Kuya Crayon!" inosenteng sabi ni Buboy. Napa facepalm ako.

"Tama yan." humahagikgik na sabi ni Crayon.

"Boyprem ni kuya? Kiss ko beh!" ani naman ni Caloy.

"Buboy,Caloy huwag kayong naniniwala dyan kay Crayon at Cross. Ako ang boyfriend ng kuya nyo,ako si Flexter." sabat ni Flexter. Parang naguluhan bigla ang mga kapatid ko.

"Dalawa boyprem ni Kuya?" gulat na sabi ni Buboy at nagpalipat lipat ang tingin sa amin. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam sasabihin ko,tuwing ibubuka ko ang bibig ko ay isasara ko lang ulet.

"Boyprem ka din ni kuya? Kiss ko din!" inosenteng sabi naman ni Caloy na katatapos lang halikan si Cross sa pisngi,saka lumapit kay Flexter at ito naman ang hinalikan.

"Gwapo din naman ako,pero kahit hindi ko boyfriend ang kuya Khalil nyo,mahal ko naman sya,bakit ako walang kiss?" pagkuway sabi ni Crayon,hinalikan sya ng mga kapatid ko sa magkabilang pisngi. Napangiti na ako. "Tara! Lets buy something,samahan nyo akong dalawa."

Nang makalabas ang tatlo ay naiwan kaming tatlo. Hindi na siguro masama,sa ngayon ay hindi ko muna iisipin ang pagmamahal ko kay Flexter,hindi ko muna iisipin ang pagmamahal ni Cross. Habang nandito kami sa Cebu ay magsasaya muna ako. Bahala na kung anong mangyayari sa hinaharap.

"Magluluto na ako Khalil,tara." hila sa akin ni Cross papuntang kusina.

"Tutulong ako. Baka walang lasa ang luto mo." ani Flexter ng sumunod sa kusina.

"Mapapahiya ka lang. Ni magsaing nga ata hindi mo alam. Ngumanga ka na lang dyan." sagot ni Cross at inihahanda na ang mga rekados.

"Huwag kang mayabang,hindi man ako marunong magluto ay kaya ko silang bilhan ng mga pagkaing masasarap. Mas masarap pa dyan sa lulutuin mo." sagot naman ni Flexter. Napanganga ako. Ayaw talaga nilang tumigil. Naramdaman ko na lang na kumikirot na naman ang ulo ko.

"Utang na loob. Tumigil kayong dalawa." sabi ko na lang. Sana naman tumigil na sila sa pag iiringan. Nakakatorete pala? Ayaw kong dito sila sa bahay nagkakaganyan.

Alam ko na! Pagkatapos mamasyal ay dadalhin ko silang tatlo sa Calamboa. Tingnan ko lang kung gaano sila katatag sa paninindigan nila.

Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now