Masyado kasing strikto sa kanyang ang Daddy niya pati na din ang nakakatanda nilang kapatid. Marahil ay may problema si Csssie ngayon kaya ganyan siya, halos araw araw na nga ang paglalasing niya.

Ingay at usok kaagad ang sumalubong sa akin pagkadating ko duon. Nag dalawang isip pa nga akong pumasok dahil sa gulo duon dahil na din sa mga nagsadayawan. Pero sa huli ay pumasok na din ako at mabilis at diretsong tinungo ang counter para makapagtanong.

"Excuse me, ako yung susundo kay Cassandra Samaniego, may tumawag sa akin kanina para ipasundo siya" pagpapakilala ko dito.

"Ah sandali lang po Ma'm" paalam niya sa akin at may tinawag siyang isa pang lalaki, napansin kong galing ito mula sa labas.

"Jay, siya yung susundo sa babae kanina" sabi pa nito.

Kaahad na napatingin sa akin yung tinawag niyang jay. "Naku ma'm eh may sumundo na po sa kanya...para nga pong boyfriend niya ata yon" paliwanag nito sa akin.

"Ano? Sino? Asaan na sila?" Medyo tumaas pa nga ang aking boses dahil kabilin bilinan ko kanina na wag itong pabayaan hanggang sa di pa ako dumadating.

"Kahahatid ko lang po sa labas ma'm...sa may parking lot po" sagot nito at medyo napakamot pa sa ulo.

"Pero di ba bilin ko ako mismo ang susundo sa kanya" pangangatwiran ko pa dito.

"Eh ma'm sumama naman po siya kaagad eh, kilala niya daw po iyon" sagot pa din sa akin nung lalaki.

Di naman na ako nagtagal pa na makipagtalo sa kanya kaya naman kaagad akong nagpasalamat sa pagtawag niya at mabilis na lumabas papunta sa parking lot.

Sobra akong natataranta dahil sa sinabi nung lalaki kanina na may sumundo ditong lalaki, iba pa naman ang panahon ngayon. Baka mamaya ay may mangyari pa kay Cassie at siguradong di ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa pagkakahuli ko ng dating.

"A...yos lang!" Utal at parang pilipit ang dila na sabi nito.

Nang mabosesan ko iyon ay kaagad kong hinanap ang pinanggalingan nuon at duon ko nakita ang medyo may kalayuang bulto ni Cassie na hawak ng isang di ko mamukhaang lalaki.

Lakad takbo pa nga ang ginawa ko para maabutan ko sila. "HOY!" sigaw ko dito para makuha ang atensyon nila at nanghuminto sila.

Pero nanlaki ang aking mata ng makita kung sino ang lalaking may akay ngayon kay cassie. Nanigas ako sa aking kinatatayuan, para talaga akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahilan para manigas ako duon mismo sa aking kinatatayuan.

"What?" Nahihirapang tanong ni sir zach dahil na rin marahil sa hirap sa pagbubuhat kay Cassie.

Nang di pa din ako sumagot at tinalikuran na ako nito at tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Kaagad akong sumunod ng matauhan ako.

"Bakit ka nandito?" Panguusisa ko sa kanya.

"Someone Called me" seryosong sagot niya sa akin.

"Pero may tumawag din sa akin" mariing sabi ko.

Sinamaan ako nito ng tingin. "The hell i care kung sino ang tumawag sayo" pagsusungit niya pa.

Natanaw ko sa di kalayuan ang kanyang kulay puting Volvo. Nalaman kong nakauwi na marahil ito dahil nakapagpalit na siya ng sasakyan at wala na siyang kasamang driver.

Lumapit ako sa kanila ng ipinasok niya si Cassie sa back seat. "Saan mo siya dadalhin?" Tanong ko pa.

"Sa bahay mo, yun ang sabi niya sa akin" sagot sa akin ni Sir Zach.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon