mahal na mahal ko siya..

“rest now, bro.. stop crying.. pag-gising mo, puntahan natin ang anak mo.. gusto ko siyang makilala..”

I nodded.. hindi na ko kumibo nun at pinikit ko na lang ang mata ko.. pipilitin ko na lang matulog, para kahit man lang sa panaginip ko, baka makasama ko ang asawa ko..

----------

“bro.. una ka na sa ospital.. dadaanan ko lang ung isa kong pasyente..” rinig kong sabi ng ate ko na nasa pinto habang nagsusuot siya ng sapatos nya habang naglalakad.. “manganganak na kasi siya, kaya mauna ka na ha.. don’t dare to cry again.. ok?”

“alright.. take care, sis..”

Hindi na yata nya narinig ang sinabi ko dahil nagmamadali na talaga siya.. Pagkaalis ng kapatid ko, saka ako tumungo sa garahe at sumakay na din sa sasakyan ko.. pinasibad ko kaagad un patungo sa ospital.. tatlong araw din kasi akong hindi nakadalaw kay Kayela dahil sa buong tatlong araw na un ay hinanap ko lang si Amie.. pumunta pa ko sa bahay nila sa probinsya only to find out na lumipat na daw ang magulang nito at hindi alam kung saan nagpunta.. si Mang Julio pa nga ang naka-usap ko nun, at hindi din nya alam kung bakit biglaan ang pag-alis nito..

biglang sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin ng kapatid ko nung nakaraang gabi.. ano kaya kung posible ngang buntis ang asawa ko? Siguro ay mas lalong kinamuhian ako ni Amie, same as her parents dahil sa gulo na ginawa ko..

ipinilig ko ang ulo ko.. ayoko ng isipin pa un.. masyado ng napapagod ang katawan ko maging ang utak ko.. gusto ko ng sumuko, pero hindi.. hindi ko gagawin un, dahil i want Amie back.. kahit gaano kalayo o gaano katagal ko siyang hahanapin, gagawin ko..

i jumped off the car once i got parked in the hospital.. i grabbed the basket of fruits na pasalubong ko kay Kayela..  lumakad na ko papasok sa ospital at dumiretso na sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang mga ito.. hindi naman nagtagal ay nakarating na din ako dun at nilakad ko na patungo sa kwarto nya.. nung akmang bubuksan ko na ang pinto, narinig kong sumigaw si Cathie na ikinagulat ko..

“gusto mong gumaling, diba?! Tumayo ka jan! Wag kang pa-importante! Parehas kayo ng ama mo! Pa-importante!”

Binuksan ko kaagad ang pintuan at nadatnan kong pinapagalitan nya si Kayela.. naabutan  kong iyak ng iyak si Kayela at nakatakip ito sa tenga nya.. tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap ko sabay tingin ng masama kay Cathie..

“ano bang ginagawa mo, Cathie!! May sakit ung bata!”

She rolled her eyes.. “the nurse wants Kayela to take all her medicines, pero hindi nya ininom un at nag-iiyak lang! Gusto daw nya na ang daddy nya ang magpa-inom sa kanya, pero wala ka! Anong gagawin ko?!”

Napatigil ako sa inasal ni Cathie at napatingin ako kay Kayela.. iyak pa din ito ng iyak at niyayakap ako ng mas mahigpit.. “da-daddy.. mo-mommy always yell at me like that.. i don’t want her to be my mommy anymore! I want mommy Amie.. she’s kind and she cares for me..”

Tinignan ko sa mata ang anak ko.. puno ng sinseridad at awa sa sarili nya ang nakikita ko.. parehas kami ng anak ko na gustong bumalik si Amie..

Napabuntong hininga ako.. “mommy Amie will be here.. don’t cry na ha, baby..”

minsan na din sinabi sa akin ni Amie ung unang pagkikita nila ni Kayela.. na pinagalitan ni Cathie ang bata kaya naglayas ito at nagtungo sa park at napunta sa kanya.. hindi ko ineexpect na aabot sa ganito ang trato nya sa bata..kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sabihin ito kay Cathie..

“oras na gawin mo ulit ito kay Kayela, hindi na ako mag-aatubiling ipadala sa korte ang lahat ng ito.. you know what i can do and you know what i mean..”

False Alarmजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें