If many relationships fail even if two people are together, how much more if they are away to each other?

Natatakot ako. Natatakot akong baka humantong rin kami ni Marco sa ganun. I don't wanna take the risk.

But how about my mom? Kung hindi kami aalis ay baka magkatotoo ang sinabi nina lolo. She will continuously ruin herself.

Ayokong maulit na naman ang ginawa niya. I can't lose her.

Sa sobrang frustration ko ay inalis ko na lang ang aking kumot at inabot ang aking smart phone. I browsed my social media accounts at nang nasa Twitter ako ay isang update mula sa aking pinsan ang pumukaw sa aking atensyon.

I thought we can survive it. I guess distance really matters. It's done.

Iyon ang nabasa ko. He and his girlfriend, I guess ex now, met on Facebook. Nasa US na ang aking pinsan at ang kanilang pamilya since he was 6 years old. Their love story started online hanggang sa niligawan niya si girl nang magbakasyon sila dito last summer at naging sila. Unfortunately, he needed to go back to US of kasi doon naman na talaga ang buhay niya and the girl, of course, stayed here. And now, here is his post.

Mas lalo lang sumakit ang ulo ko dahil doon. Bakit man lang mababasa ko 'yon during this situation?

Hindi ko alam kumg anong oras na akong nakatulog. Kinabukasan ay kinailangan kong gumising nang mapadaanan ko ulit ang aking reviewer.

The exams were difficult but of course, I managed to answer them dahil kahit papaano ay naaral ko naman ang karamihan sa tanong. I will surely pass but I am not certain if I'll be able to maintain my rank dahil sa ilang araw na absent ako dahil sa pagkamatay ni daddy. Wala naman na sa akin iyon. Susubukan ko na lang bumawi sa susunod na pasukan if ever. Pero hindi nga pala ako sigurado kung nandito pa ako that time. Nalungkot na naman ako dahil doon.

Next week na ang graduation at recognition at ibig sabihin no'n ay kailangan ko nang magdesisyon dahil aalis na sina lolo. Kailangan na ring malaman ni Marco ang tungkol dito. And speaking of my boyfriend, I saw him approaching my direction.

"How was your last exam?"
Nakingiting tanong niya sa akin nang makalapit siya. He also got my bag from me and we started walking.

"Mahirap pero kinaya naman. How was yours?"
Sagot at tanong ko pabalik habang naglalakad kami papunta sa kaniyang kotse.

"Ayos lang din. Pupunta ako mamaya kina Vance para i-finalize ang thesis namin. Hopefully we can bind it tomorrow. After that, we're done with our requirements."
He uttered. Tumango ako at pagkatapos ay kung anu-ano na ang pinag-usapan namin sa loob ng kaniyang sasakyan. I tried to gather my courage to discuss to him my grandfather's proposal but I failed. Hindi ko pa iyon na-open sa kaniya dahil wala pa akong sapat na lakas ng loob.

Pagkatapos niya akong ihatid ay dumiretso agad ako kay mommy. As usual, nakaupo na naman siya at nakatanaw sa bintana.

"Hi, mom. I'm home."
I greeted and kissed her cheek. Tipid siyang ngumiti sa akin at ibinalik muli ang paningin sa labas.

"I miss your dad."
Natigilan ako sa kaniyang tinuran. I can sense that she's finally going to open what she feels to me. Sana ay tama ako.

"Me, too, mom."
Sagot ko at yinakap siya.

"I miss daddy so much."
Dugtong ko at sinubukang pigilan ang aking paghikbi.

"This house feels empty without him."
Aniya at narinig ko na ang kaniyang pagsinghot.

"I just don't know how to start without your father, Angela. We built this house together and we lived happily with you. Pinuno namin ng pagmamahal ang bahay na ito kasama ka. I wasn't prepared for this. Nasanay akong kasama siya sa lahat. Now, I just can't live here without remembering him and the memories that the three of us shared."
Nang kumalas ako sa pagkakayakap namin ay nakita kong tumutulo na ang kaniyang mga luha. Sobrang bigat sa dibdib na makita ang aking inang umiiyak. If there is just a way to make her feel better, I would do whatever is that.

"Dito sa kwarto namin kung saan kami nagkukwentuhan ng mga nangyari sa buong oraw bago kami matulog, sa kusina kung saan ko siya ipinagluluto ng paborito niyang sinigang, sa sala kung saan tayo kadalasan mag-bonding, sa garahe kung saan ko siya hinahatiran ng meryenda kapag may inaayos siya, sa garden kung saan ka namin tinuturuang maglakad noong bata ka...every part of this house reminds me of him. Mababaliw na yata ako kasi palagi na lang akong nagha-hallucinate na nadiyan siya pero ang totoo ay wala na siya...wala na siya at hindi na siya babalik pa. It's really hard to forget my soulmate."
Sa boses pa lang ni mommy ay ramdam na ramdam ko na ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya. Tulad ko ay hindi rin siya naging handa sa paglisan ni daddy. They were just supposed to go to Hong Kong for a business trip and then that tragic event happened. Kung pwede lang ibalik ang oras ay gagawin ko para hindi na nawala pa ang aking ama.

"You don't need to forget daddy, mom. His memories with us will remain forever. All we have to do is to stay strong and continue our life. He may not be here but I know that he's looking after us. Ever since, dad has always been wishing his queen and princess to be happy. Let us do what he wants. I'm here, mom. We can get through this pain."
I said as words of encouragement to my mother.

Now that my dad is not here, it is my responsibility to take care of my mom. I will everything for her. From what I've heard, she needs to be away from here to heal the scars.

I need to be selfless now.

I guess I have my answer to my lolo and lola's proposal. I agree to leave this country for my mother's sake.
-------

How's this chapter? What do you think will happen next?
Please vote and comment! :)

His Jealous GirlfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora