Chapter 38 - i'm sorry..

Start from the beginning
                                    

“bakit po, manang?” nag-aalalang tanong ko..

“wala hija.. natutuwa ako na naaawa sayo..” sabay punas ng luha nya sa mata nya..

“ay! Bakit naman po?”

“kasi, hija.. sa ginagawa mong iyan, alam kong mahal na mahal mo si J.P.. at dahil din sa ginagawa mo na yan, naaawa ako sayo..”

Ngayon ko naintindihan si manang.. alam ko naman na sobrang sakripisyo ang ginagawa ko ngayon kay Kieffer.. sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para lang masuportahan ko si Kieffer sa anak nila ni Cathie.. alam ko, ka-martir-an to, pero ano pa’t para kay Kayela naman tong ginagawa ko pati na din sa ama nya.. at this point, mahal ko silang dalawa, kaya ko lang ginagawa ito..

“manang naman.. parang bago naman ito sa inyo..”

“wala hija.. hanga ako sayo.. napaka-tapang mong tao..”

“manang naman.. para namang iiyak ka pa nyan ah..”

Natawa na lang si manang nun sa sinabi ko at tinulak na ko palabas ng bahay.. baka daw kasi ma-late ako at hindi na nila maabutan ung pagkain na niluto ko.. sakto namang paglabas ko, may naka-abang ng taxi at dun na ko nakasakay.. sinabi ko lang sa driver kung saan ako patungo at saka ko lang tinignan ung phone ko para sa oras.. alas-singko pa lang, aabot pa ko.. sabi ko sa isip ko..

Good thing at walang traffic, kaya nakarating ako kaagad sa ospital.. agad akong nagbayad sa driver at saka kinuha lahat ng bitbitin ko at tumungo na sa loob.. nasa may 2nd floor ang kwarto nya kaya dumiretso na ko dun.. sakto namang kalalabas lang nung doctor dun sa kwarto ni Kayela ng narating ko ang hallway patungo sa kwarto ng bata.. ningitian lang ako nung doctor nang magkasalubong kami at di nagtagal ay nasa tapat na ko ng kwarto nya..

I was about to reach the door knob, when i heard Cathie’s voice.. i stand still in front of the door and i realized that it is not fully closed.. i peeped at the open door and i saw cathie standing in front of Kieffer – nakapamewang – while Kieffer is massaging his temple..

“bakit mo lilipat ng ospital ang bata ng hindi mo sinasabi sa akin?!” galit na sabi ni Kieffer..

“we have a deal, J.P.. if you choose your daughter, we will stay.. but if you choose your wife, aalis kami ng anak mo at hindi na kami magpapakita pa sa inyo..”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.. pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko, dahil bigla na lang nanlamig ang buong katawan ko.. alam kong may malalim pa na dahilan kung bakit nasabi ito ni cathie pero still, wala akong alam.. hindi ko alam ung tungkol sa deal nila na un.. ni hindi ko man lang naisip na posible nga siyang gumawa ng deal na ganun sa asawa ko, dahil pinapakitaan na nya ko ng maganda..

Ganun na ba talaga ako ka-tanga??

“mahirap ang pinapagawa mo sa akin, cathie! Importante sa akin ang asawa ko..”

“eh ang anak mo? Hindi ba siya importante sayo?”

Nilamukos ni Kieffer ung kamay nya sa mukha nya.. “of course! Importante sa akin si Kayela!”

“then choose.. is it Amie, or your daughter?”

“wag ganito, Cathie.. please.. mahal ko ang asawa ko..”

“then, it means, your choosing your wife?”

“hindi sa ganun Cathi—“

“then what??! Binigyan kita ng oras para makapag-isip hanggang kahapon, pero hindi ka pa din nakakapag-decide??”

Napatigil ako.. kahapon?

Bigla kong naalala ung pagiging balisa ni Kieffer kagabi at hindi siya makatulog dahil iniisip nya daw ang anak nya.. i had a feeling na kaya hindi ito makatulog kagabi ay dahil sa deal na sinasabi ngayon ni Cathie..

False AlarmWhere stories live. Discover now