"Thank you for your time mr. Alonzo" ngiting ngiting paalam ni Olive.

may pagkasuplado din talaga ang isang ito kaya naman tumango lamang siya kay Olive. Naghihintay na din at nakabukas na ang backseat ng kanyang sasakyan. Muli kong tiningnan ang cellphone ko at nakita ang text mula sa driver ng company service namin.

"Uhm...Ms. reyes may available ba na company service?" Tanong ko sa kanya.

Maging ang atensyon tuloy ni sir Zach ay nakuha namin, pero nagiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Kaagad na kinuha ni Olive ang kanyang itim na parang walkie talkie para marahil tumawag sa station.

Magsasalita pa lang sana si olive duon ay kaagad ng itinaas ni sir zach ang kanyang kamay para pigilan iyon.

"It's alright, sa akin na sasabay si Sofia" seryosong sabi nito at kaagad din na nagiwas ng tingin.

Napatingin sa akin si Olive na para bang inaaral nito ang aking ekspresyon. Napahawak ako ng mahigpit sa aking hawak na folder.

"Sa...sabay ka na ba kay Mr. Alonzo?" Medyo mahinang tanong niya.

Iiling na sana ko ng biglang nagsalita si sir zach. "Ofcourse, come on Sofia. Dont waste my time" pinal pang sabi nito at kaagad na pumasok sa kanyang sasakyan.

Umikot ang driver para buksan ang kabilang pintuan ng backseat. "Tara na po ma'm" magalang at nakangiting yaya sa akin nung driver.

"Damn" mahina at problemadong sambit ko.

At nang mukhang mainip ito at dahan dahan nitong ibinaba ang salamin sa kanyang bintana at tsaka ako binigyan ng matalim at nagbabantang tingin.

"F*cking Control freak" inis na bulong ko habang padabog na nag martsa papasok sa may pintuan.

Im half way inside ng maalala ko si Olive. Kaya naman bumaling muli ako sa kanya. "Nice to meet you Ms. Reyes, thanks for the tour" paalam ko sa kanya at sandali siyang kinawayan bago ako nagtuloy sa pagpasok sa sasakyan ni sir zach.

All black ang loob ng sasakyan, at talaga namang nakakapanliit pag sumakay ka dito. Kita ko sa peripheral vision kong bust ito sa pagbubuklat at pagbabasa ng ilang mga documento. Kaya naman sa labas na lamang ako tumingin.

I wonder kung nasaan na ang kanyang kulay puting subaru at Volvo. Marahil sa trabaho nito ay di na niya kaya pang magdriver pauwi at papuntang office.

Pinaglaruan ko ang ballpen na hawak ko dahil sa nakakabinging katahimikan. Di ko rin naman magawang bumaling sa gawi niya dahil sobrang awkward talaga ng atmosphere dito sa loob ng sasakyan.

"What's our schedule for tomorrow?" Seryosong tanong niya kaya naman kaagad akong napabaling sa kanya.

"Schedule..." sambit ko at nataranta kong binuklat ang hawak kong folder para tingnan ang sinasabi niyang schedule.

"Uhmm...Sa hospital" mahinang sambit ko.

Kung pupunta kami sa kanilang hospital meaning babalik kami sa school. Sa school kung saan nagsimula at nagtapos ang lahat.

"Alam mo naman na siguro kung saan yon, i need you there 7 am sharp" utos niya sa akin na ikinalaki ng aking mata.

How could he? Eh 9 nga ang pasok ko sa companya eh! Di talaga makatao ang isang ito, nakakainis siya. Ibig sabihin maaga kong iiwan ang anak ko at di ko siya makakasabay sa breakfast, at mukha di ko pa nga ata iyon magagawa.

"Problem with that?" Seryosong tanong pa niya.

OFCOURSE!

Gusto ko sanang isigaw sa kanya iyan, pero mas pinili ko na lamang ang ngumiti. "Wala po sir"

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon